It hit me.
She's sitting along the corridor just beside my class' room.
I can clearly see her with my very own eyes.
Hindi ko pa man naitatanong kung tama ang kutob ko, malakas ang pakiramdam kong tama ako.
"Siya ba?" Ttumingin si Allein sa direction kung saan ako nakatingin.
Hindi siya tumingin sakin, pero pabulong niyang sinabing… "Oo."
Hindi nga ako nagkamali. The moment I landed my eyes on her, I knew it. And I also knew SHE COULD DO IT.
I suddenly felt that water are coming out from my eyes.
Of all people, bakit siya pa?
Siya, na isa sa mga una kong naging kaibigan nung 1st year at tinuturing kong bestfriend, kahit pa napunta siya sa section 2. Siya, na tinitingala dahil sa kabila ng mga pagsubok sa buhay niya eh nagagawa pa rin niyang ngumit at magpakasaya. At siya, na halos tinuring ko na bilang kapatid at tinuring na ring anak ng parents ko dahil minsan na siyang tumira sa amin sa loob ng dalawang linggo.
Bakit...
Bakit si Kara pa. T_T
Humagulgol na ako sa kakaiyak. Pinalibutan ako ng barkada at niyakap ako ni Sam. Lahat sila nagtatanong kung anong nagyayari. Sinabihan naman ni Josh si Allein na lumayo muna.
Hindi pa ako makapgsalita kakaiyak. Pero kahit hindi ako umiiyak, wala naman akong ma-kwento sa kanila. Unang-una, dalawa lang ang tinanong ko sa kaniya. Pangalawa, isa lang sa dalawang iyon ang sinagot niya. Pangatlo, hindi pa niya directly sinagot yung tanong ko.
Ang tanging nasabi ko lang sa kanila ay ang nalaman ko - na si Kara ang....
"Paano nangyari iyon?!" tanong ni Sam at Princess.
"Bakit siya?!" tanong ni Queenie.
Tahimik naman si Michael, Josh at Rose Anne. Kung anu-ano na ang mga naging comment ng barkada. May mga tanong din na hindi ko rin naman masagot, dahil hindi iyon sinagot ni Allein.
Kakaiyak ko, hindi ko na naririnig ang usapan nila.
Ang sakit eh. Sobrang sakit. Buti sana kung hindi ko kilala si Kara. Kaso, kapatid na ang turing ko sa kaniya.
Madalas pumunta ang mga classmate ko sa bahay ko dahil isa ito sa pinakamalapit sa school. Kaya naman sa amin madalas ang mga practice. Dahil dito, nakikilala ng mga magulang ko ang mga kaibigan ko. Dito rin nila unang nakilala at nagustuhan si Kara. Malaya siyang nakakapunta samin.
Pagkatapos ng unang taon namin sa high school, nagpunta siya sa bahay. Kwentuhan at tawanan lang ang ginawa namin. Lagi siyang nagkkwento ng mga naging pangyayawi sa buhay niya. At ng hapon din iyon, nalaman kong sinaktan na naman siya ng tatay niya. Nakiusap siya sa akin na kung maaari ay sa amin muna siya tutuloy. Nagpaalam kina mama at pumayag naman ang mga ito.
Sa loob ng dalawang linggo niya sa bahay, hindi lahat ng pangyayari magaganda. Madalas siyang umaalis ng bahay sa umaga at gabi na kung umuwi. Nairita ako. Ayoko kasi ng nasasabihan ako tungkol sa kaniya. Bago matapos ang school year, nag-break sila ni Richard. Sobra niya itong iniyakan. Lalo pa siyang nagdamdam nang malaman naming si Ela na pala atsi Richard. Hindi rin naman nagtagal si Richard at si Ela, ngunit dahil sa relasyon na iyon ay nasira ang pagkakaibigan ni Kara at Ela.
Sa tuwing umaalis si Kara ng bahay, hindi ko alam kung talaga bang pumupunta siya sa ate niya kapag umaalis siya o may kinalaman dun si Richard. Isa pa, pinakikialaman niya ang mga gamit ko, isang bagay sa sobra, as in sobrang kinagagalit ko. Ang mga magulang ko nga hindi iyon ginagawa, siya pa kaya?
YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...
Chapter 16 - In a Blink of an Eye
Start from the beginning
