"ANO BA?! GUSTO KO LANG NAMAN MALAMAN YUNG TOTOO EH! BAKIT BA AYAW MONG MAGSALITA!?" napalakas ata yung pagsasabi ko. Napatayo si Queenie at Princess sa upuan nila. Halos lahat ng classmate ko eh napatingin sakin, pati yung ibang mga taga-section 2. Ok lang, mga close ko naman yung mga yun. Saka wala na rin akong pakialam.
"Chii, alam kong… anu… Pero… Please magrelax ka lang. Baka may makarinig sayo na mga teacher." Paalala ni Queenie sakin.
Oo, nakakhiya, pero wala na talaga akong pakialam don. Kami - kami lang naman eh. Isa pa, alam naman nila yung mga nangyayari samin. Kaya bakit pa ako mahihiya? Nasa kanila na iyon kung ija-judge nila ako o hindi - at wala na sakin yun.
Hindi ako lumingon kina Queenie. Hindi rin ako sumagot sa sinabi niya. Nakita ko sumilip sa may jalousie si Rose Anne, Josh at Sam. Tiningnan ko sila. Nababasa ko sa mga mata nila ang mga gusto nilang sabihin.
Huminga ako ng malalim saka umupo uli. Napayuko na lang ako. Hindi lang puso ko ang sumasakit ngayon. Pati na rin ulo ko.
Kakaiyak? Hindi naman siguro. Malamang, kakaisip ng mga bagay na may kinalaman sa sitwasyon na ito. Naramdaman kong may humawak ng balikat ko. Inabutan din niya ako ng panyo.
Kahit hindi ko na siya tingnan, alam ko naman kung sino siya. Kinuha ko yung panyo niya at pinunas ko sa luha ko. Saka siya umalis.
Hanggang sa mga oras na iyon, hindi pa rin nagsasalita si Allein.
Ok. Calm down Chii. Walang patutunguhan kung sisigaw ka.
"Ayaw mo rin lang sagutin yun, ito na lang. Sino?" Malabo ba pagkakatanong ko?
Napatingin siya sakin, pero hindi ako humrap sa kaniya. Dapat alam na niya kung sinong "sino" ang tinutukoy ko.
Nag-uusap si Queenie at Princess. Mukhang hindi nila narinig yung tanong ko.
"Sino?" nagsimula nang magsalita si Allein. "Kasi… Ano… Hindi… ko… kaya..."
"Hindi mo kayang sabihin?"
Ang kapal din nitong lalakeng to. Hindi niya kayang sabihin kung sino yung babae, pero nagawa niya ito sakin. To think na pwede naman niya sakin sabihin before hand, hindi yung malalaman ko… ilang days after…
Kanina ko pa siya tinatanong kung sino yung girl. Paliguy-ligoy siya. Ang daming dahilan, ang daming mga sinasabi na hindi naman kasama sa pinag-uusapan, at hindi ko naman tinatanong. Naasar na naman ako.
Gusto ko lang naman malaman yung totoo. T_T
Finally…
"Na… nasa… labas siya."
Napatingin ako sa kaniya nung sinabi niya yun. Sumilip sa jalousie. Napatingin sakin si Princess at Queenie.
"Bakit Chii?" tanong ni Princess.
"Sinong hinahanap mo Chiina?" tanong naman ni Queenie.
Sino siya? Kailangan kong malaman…
Sino siya??!
SINO SIYA!?
I scanned every area in the corridor that my eyes can reach. I look at every present in the area at that very moment.
My eyes caught someone familiar.
My heart seemed to skip a beat.
And suddenly…
BINABASA MO ANG
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...
Chapter 16 - In a Blink of an Eye
Magsimula sa umpisa
