First Stanza

331K 11.5K 3.4K
                                    

First Stanza

MIA MILLS

"I put my faith in you, so much faith, and then you just threw it away."

- Paramore, For a Pessimist, I'm Pretty Optimistic


Smile lang, Mia. Smile lang. Act like everything's okay. Kunyari wala kang alam. Kunyari hindi mo siya nakita nung isang araw.

Napahawak ako sa wrist ko para kapain yung music note na charm bracelet ko na regalo pa sa akin ng mommy ko, kaso na-iwala ko nga pala 'to nung time na nagpunta ako sa bar.

Kada talaga nagpupunta ako sa bar ang daming bagay na nawawala sa akin.

Dati, yung relasyon ko sa daddy ko ang nawala nung nag punta ako sa bar.

Muntikan pang mawala ang buhay ko dahil sa drunk driving, which is kasalanan ko naman talaga.

Tapos ngayon, yung cham bracelet ko ang nawala.

Kasama na ang boyfriend ko.

"Hi babe!"

I raise my head and saw my boyfriend, Sam, walking towards me.

Hinalikan niya ako sa pisngi and then naupo siya sa tapat ko.

"Kanina ka pa nag-iintay?" nakangiting tanong niya.

I tried my best to smile, "h-hindi naman. Ngayon ngayon lang."

Tumango siya, "good. Um-order ka na ng coffee?"

Umiling ako. "Iniintay kitang dumating."

"Oh.." sagot niya sabay tingin sa phone niya. "Order mo naman ako, babe. Ikaw muna. Ako na lang sa pamasahe natin," sabi niya without looking at me.

Tinitigan ko si Sam. Busy siya sa phone niya. Feeling ko may ka-text siya kasi napapangiti siya habang nakatingin dito.

Si Natasha ba 'yan?

Napa-angat ang tingin ni Sam sa akin, "babe? Sabi ko ikaw muna um-order."

"A-ah.. o-okay. Caramel latte, right?"

"Yep!"

Kumuha ako ng pera sa purse ko at tumayo ako.

"Ah, wait babe..." tawag ni Sam at napalingon ako sa kanya. "Café mocha na lang pala sa akin."

Napatigil ako saglit.

Caramel latte, favorite coffee niya. Regular drink niya. Nung nasa States kami hanggang sa umuwi kami sa Pinas, ayun ang madalas niyang i-order.

I am the one who introduced that drink to him. He used to hate drinking coffee. Pero pag caramel latte, gustong gusto niya.

"Wow, iba na drink mo," sabi ko sa kanya.

"Syempre nakakasawa na ang caramel latte. Maiba naman."

Tumango ako at naglakad papunta sa counter.

Nakakasawa.

Kaya ba niya ako tinu-two time ngayon kasi nagsasawa na siya sa akin?

Broken Melody (EndMira: Ayen)Where stories live. Discover now