Una sa lahat, magkaliwanagan tayo. Hindi ibig sabihin ng topic na bakla ako [although wala naman akong hinanakit o galit sa mga homos. Opinyon at trip nila yan ehh. Pagpipigil sa kanila eh parang pagpapakain sakin ng avocado at pagbabawal ng pizza at chocolate.]
Ang ibig sabihin ko dito is yung pagiging teenager ko na hindi ako marunong mag-ayos. In other words, pumorma.
Example? Lalayas ako papuntang SM North nang naka-jogging pants, t-shirt at tsinelas na goma. I find no errors sa pagsuot nang ganun pero si Mama [at bumabanggit ako kasi siya lang madalas umaangal], hindi ako papayagang umalis kung hindi ako magpapalit ng damit.
I mean, bakit ba kasi kailangang pili ang damit?! Hindi ka naman huhullihin ng gwardiya o pagbabawalang pumasok ehh.!
"Sir, magpalit po muna kayo ng damit bago po kayo pumasok sa building. Baka po makahawa kayo ng kabaduyan nyo magdamit." -said no guard. EVER...
Ang sakin lang naman kasi, comfortability over class. Wala akong pake sa nakikita ng ibang tao basta ako, komportable sa suot ko. HAHAH...
Bakit ba kasi kailangang ikumpara ako sa ibang mga tao eh di naman ako sila? Sila, mas trip nilang makipaglandian o magpa-cute sa mga crush nila na may crush namang iba! Bakit ba naman kasi ganito buhay ehh noh?
Naiintindihan ko naman na para to sa potensyal ko sa lovelife pero... meh.... bakit kelangan pa yon? Kaya ko naman mabuhay ng wala nyan ehh. Nandyan naman kaibigan ko pati kamag-anak.
Ewan pero... ewan...
YOU ARE READING
Highschool Life
HumorHighschool life. Ito daw yung pinakamasayang parte ng buhay estudyante. Pagkakaibigan, lovelife, mga dumidikdik na presentations at projects, at di pa kasama ang mga journals, Batikan, Sulo ng Buhay at Ugaling Pilipino dyan, kamusta ka naman? Samaha...
