Kabanata 1

87 3 2
                                    

Hello Readers!! Ito po ang bago kong story!! Sana po pa support! Sana po mag-enjoy kayo, and if you did, let me know by voting or commenting :) That's all thanks!

****





"WALANG FOREVER!!" sigaw ko sa mag-kasintahang dumaan sa harap namin.

"Hays. Tumahimik ka nga dyan Jen! Para kang ampalaya na tinubuan ng muka, kamay at paa!" reklamo ng kaibigan ko.

Sya si Samantha Duxcer. Isang mayamang babae. Habulin rin yan ng lalaki kaya walang ka pro-problema mag-hanap ng boypren!. 'Di ko alam 'kung papaano napadpad ang isang mayamang babae sa isang mahirap at bitter na katulad ko.

"Totoo naman ah?" inosenteng saad ko kay Sam. "Shet-e Martires naman oh!" sigaw nya at napakamot ng ulo.

May kuto ata?

Minsan padala ko kaya sya sa Zoo? tapos pakutuhan ko sa mga unggoy, diba magaling 'yung mag kuto?. "Tama tama" sabi ko habang tumatango-tango.

"Ano nanamang tumatakbo sa utak mo babae?" inis na sabi ni Sam. "Hmm, red blood cells and white blood cells? Blood?" sabi ko at lumingon sa kanya. Tinagilid ko ang aking ulo, "Tama ba?" tanong ko sakanya.

"Puta naman oh!" inis na bulong nya at napakamot ulit ng ulo nya.

Hala!! Siguro nag re-reproduce na ang mga kuto sa ulo nya!! Kailangan na naming pumunta sa Zoo as soon as possible!.

Tumango-tango ako at tinignan sya ng mabuti. "Besty, 'san Zoo gusto mo?" tanong ko sakanya na kina-lukot ng muka nya.

"What?" Hays. Kala ko panaman matalino tong si Sam! May pagka- b-o-b-o ren pala.

"You know Zoo. It's where the animals are captivated for observation or proper caring. Animals who is near—"

"I know what is a freaking Zoo!" aba! Sya nagtatanong tapos sya pa magagalit? Aba matinde!.

"Alam mo pala eh! 'Bat kapa nagtatanong?" Nako! Pinagloloko lang ako nitong si Sam eh!

"AY NAKO! Okay, Sam. Patience, patience" bulong ni Sam. Baliw na ata?

"What I mean is that, why are you asking me that Question!" inis na sabi nya.

"Ahhhhhh!!! Yun lang pala 'di mo agad sinabe!" sabi ko at natatawang pinalo si Sam. "Salamat naman!" sabi nya kaya tumawa ako, nakitawa narin sya.

Tumigil ako sa pagtawa at tumingin sakanya, "Anong question?"

"OHGHAD!!!"


*****


"Thanks Besty!" masayang paalam ko kay Sam.

"Bahala ka dyan! Nawalan ako ng dugo dahil sayo!"

"Kinuha ko ba dugo mo?" Paano naman yun?. OMY! 'Wag mong sabihing vampire ako?!

"Lord, please help me" sabi ni Sam pero 'di ko yun pinansin kase busy ako kakahanap ng dugo nya sa bag ko. Baka nandito lang yun.

"Wait lang Sam, baka nandito lang sa bag ko yung dugo mo. Wait lang." sabi ko habang kinakalikot ang aking bag.

May naramdaman akong hangin na para bang may umaalis kaya tumingala ako. "Uy Besty!! Wait lang!" sigaw ko kay Sam na umaalis na.

"Bahala ka dyan! Maghahanap ako ng bagong kaibigan!" sigaw saakin ni Sam.

"Sige! Ingat! Pakilala moko ah!"

"Pakilala mo face mo!" sabi nya at tuluyang umalis. Habang tumatawid sya ay dumating na ang kanyang sundo. Tumakbo sya sa kanyang sasakyan at binuksan ang pinto nito.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 07, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

My AmpalayaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora