-
Malamig.
Walang ingay. Tanging pagpatak lang ng ulan ang maririnig.
Tinitingnan ang bawat pagpatak ng ulan sa bintana ng taxing sinasakyan. Wala nang mas lulungkot pa dito.
Papunta akong condo ng mag-isa. Oo. Mag-isa. Pagod na pagod na din ako. Gusto ko nang kalimutan ang lahat.
Medyo madilim ang langit. Sindilim ng paningin ko habang nakikita ko silang magkasama. Masisisi mo ba ako?
Wala namang problema. Wala. Oo. Wala. Wala akong karapatan. Wala akong karapatang maginarte. Hindi naman nila ako maiintindihan.
May tumunog sa phone ko. Isang text. Galing sa isang kaibigan. Matalik na kaibigan. Ayoko nang masira pa lalo ang araw ko. Ayoko nang maalala pa ang lahat. Kaya pinatay ko nalang yung phone ko. Sobrang pagod na pagod na din ako. Physically and emotionally.
Medyo traffic pero okay lang sakin kasi wala lang rin naman akong gagawin sa condo. Matutulog lang. Para makalimot. Okay lang yung traffic. Pampalipas oras.
Habang nakatigil ang sinasakyan kong taxi, Naisipan kong bumaba na. Malapit lang sa pinagtigilan namin ang isang café na kabubukas lang last week.
Wala akong inorder. Hindi rin naman ako gutom. Gusto ko lang magpalipas oras.
Habang nakaupo, napansin kong puro magkasintahan ang nasa paligid ko at ako lang ang walang kasama. Mag-isa. Naramdaman ko nanaman kung paano ang maiwan at magisa. Kung paano sila naging masaya nang wala ka. Kasi nga, third wheel ka.
Siguro napaisip ka, third wheel pero parang may pinoproblema? Oo. Third wheel lang ako pero bakit ang tanga ko?
Ako ang naging dahilan upang sila ay magkatuluyan pero ito rin ang dahilan para ako ay lubusang masaktan.
Masakit makita na yung dalawang taong mahal mo ay nagmamahalan.
Masakit. Pero, what am I thinking? Lumayo ako para makalimot. Hindi para balikan lahat ng nangyari.
Yumuko nalang ako. Ipinikit ang mga mata.
Ilang sandali pa'y may tumatapik saakin.
Hindi ako sumasagot.
Ayoko.
Siguro bata lang na nanglilimos.
Idinilat ko ang aking mata, nakita ko ang bintana ng taxing sinasakyan ko. Panaginip lang pala.
"Miss, Andito na po tayo." panggising na sabi ng driver ng taxi.
