Narito ako ngayon sa Beach sa mga buhanginan, kumukuha ako nito at linalagay sa mga palad ko ang mga mapuputing buhangin ang ganda kasing pag masdan, itinapon ko ang buhangin na para bang magic dust ito.
Inangat ko ang mga kamay ko at winagay-way ito sa ere at nag sasayaw na para bang ako lang ang nandito at wala akong ibang kasama.
" Ang cute naman ng sayaw mo "
Natigil ako sa ginagawa ko dahil dun sa nag salita, lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang lalake na nakangiti habang nakatingin sa akin.
Inirapan ko siya at pumunta sa isang puno kung saan ko sinabit ang bag ko " Miss, saan ka pupunta ? " iniinis talaga ako ng lalakeng ito, humarap ako sakaniya at dapat sisigawan ko siya, pero nagulat ako kasi nakalapit na pala siya sa akin " Hi, saan ka pupunta ? Pwede makipag kilala ? " tanong niya sa akin " Lumayo ka sakin ! " sabi ko sakaniya pero imbis na lumayo siya ay kabaligtaran ang ginawa niya, lumapit siya sa akin " Ang sungit mo naman, ako nga pala si Kyle ikaw ? " sabi niya habang lumalapit ng lumalapit sa akin, ako naman atras ng atras hanggang sa naramdaman ko na lang yung puno na pinag sabitan ko ng bag ko.
Hindi pa rin siya tumitigil sa kakalapit " Ano ba hindi ka ba lalayo !? " sabi ko sakaniya pero hindi niya ako sinagot lapit pa rin siya ng lapit, yung mukha niya lapit ng lapit ano ba hindi ba talaga siya titigil ?
Pumikit na lang ako para hindi ko na lang siya makita " Sasapakin na kita lumayo ka sabi eh ! " sigaw ko sakaniya, dumilat ako ng may narinig akong tumawa " Hahaha kinuha ko lang tong towel ko sa puno, akala mo hahalikan kita ? " sabay pinunasan niya ang mukha niya gamit nung towel, naramdaman kong uminit ang mga pisnge ko, hinampas ko sakaniya yung bag ko sa sobrang inis ko " Buwiset ka layuan mo na nga ako ! " sabi ko sakaniya at umalis na doon at nag lakad na " Oy Miss ! " naiinis na talaga ako kanina pa siya tawag sakin ng tawag ng Miss, Humarap ulit ako sakaniya " Ano ba hindi mo ba talaga ako titigilan ?! " sabi ko sakaniya na bubuwiset na'ko.
" Hindi " sagot niya.
" Anong Hindi ka dyan !? " sabi ko naman sakaniya.
" H I N D I, okay gets mo na ? " sabi nanaman niya sakin, ughh ! Na fu-frustrate na ako sakaniya.
" What ? Are you crazy ?! " sabi ko.
" Yeah, i'm crazy....Crazy for you, can I court you ? " nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
" Ewan ko sayo dyan ka'na ngang weirdo ka ! " sabi ko at umalis na lang " Uy Miss, wait ano pangalan mo ? " aba sinusundan pa pala ako nitong lalake na ito " Wala akong pangalan ! " sagot ko " Weh ? Hindi nga ? Totoo ba yan ? Joke mo lang yan eh ! Paano naman kita maliligawan kung hindi ko alam pangalan mo ? " hindi ba talaga niya ako titigilan ? " Ano nga kasi pangalan mo ? Sinabi ko naman kung anong pangalan ko sayo ah ! " sabi niya sa akin " Bakit tinanong ko ba pangalan mo ? " singhal ko sakaniya at nag lakad ng mas mabilis.
" So gusto mong tawagin kitang Sungit, taray, snob ? Sabihin mo na kasi pangalan mo sinabi ko naman sayo panglan ko, Please ? " tanong nanaman niya, tumigil ako bigla at naramdaman kong tumama siya sa akin " Oh bat ka biglang tumitigil ? " tanong niya sakin hinarap ko siya at tinignan ng masama " Pwede ba tigilan mo na ako ? Ngayon lang tayo nagkakilala at ganiyan kana maka-asta. Feeling close lang ? Ni hindi mo nga tinanong sakin kung gusto ko ba makipag kilala sayo. " sunod-sunod na sabi ko sakaniya, hiningal ako dun ah !
As usual tinawanan niya lang ako " Okay tatanungin kita, do you wanna be friends...uhmm... Whats your name again ? " tanong niya sakin " Kloe " sagot ko sakaniya, nakita ko siyang ngumiti ng malapad kumunot ang noo ko " Kloe pala pangalan mo ah ! " pagka-sabi niya nun ay nanlaki ang mga mata ko at na-realized kong sinabi ko sakaniya pangalan ko.
YOU ARE READING
KATS ONE SHOT STORIES
Fanfictionthis is just purely one shot stories. nothing more and nothing else.
