Thumping Heart

74 3 4
                                    

STORY #1

Thumping Heart VOL. 1

-Tungkol ito sa isang casanova at isang lalaki na napagkakamalan laging babae, and for some reason naa-attract sakanya ang mga kapwa niya.

Nung nagsisimula palang ako dito sa wattpad, talagang nakabaon na sa isipan kong gumawa ng story. Gusto ko kasi talaga magsulat. So ayun, todo follow ako ng mga famous boyxboy writers at syempre basa-basa din ng storya nila, silent reader ako kaya minsan magtataka ka nalang kung pano ko nabasa yung storyang yun ng hindi nagvovote o nagco-comment. Ako kasi yung klase ng reader na memabasa lang, pero of course kilala ko yung mga authors ng librong binabasa ko.

And so ang problema, wala naman akong maisip na plot ng gagawin kong story.

Nagsimula ako sa cliche situation kung saan makikita ni B1 si B2 at mafe-fell dito. Since hindi pa ganun kalawak imahinasyon ko, nag halungkat ako sa isipan ng mga events galing sa mga napanood o nabasa kong yaoi para magkaroon ng ideas. And then bam! Thumping Heart's plot was created. Ganun lang ka simple. Pagkatapos eh todo post at promote na ko ng storya ko sa mga di ko kilalang message board. Buti naman at na click bait ko sila. Dejoke!

-I joined Wattpad on June 29, 2013. Around this month, I was already planning the story. Sinimulan kong isulat ang TH year 2013 and finished it on April/May 2014. Hindi ako sigurado sa month pero alam ko sinulat ko yung mga last minute chapters ng TH habang nasa isang isolated na bakasyunan at kehirap pang makasagap ng wifi. Dejoke. Actually nasa Sta. Rosa Laguna ako nun.

-Yung mga pangunahin kong bida dito ay sina Chace at Bryce. Si Chace ay inspired sa mga cliche leading man kong nakikita dito sa wattpad nung mga year 2013. Diba uso nun yung playboy, casanova, famous, yadda yadda chuchu. Doon ko siya hinugot actually. Habang si Bryce naman e talagang binuo na ng utak ko. Mahilig kasi ako sa uke na suplado at iyakin, tsaka yung mga feminine ang mukha.

-Bakit ko sinulat ang storya na ito? Kating-kati kasi yung kamay ko magsulat. Dati kasi nung elementary ako bumibili pa ako ng mga extra notebook para pagsulatan ng story with matching drawing pa. Pinapabasa ko yun sa mga kaklase ko at amaze na amaze naman sila haha! Pero syempre lumilipas ang panahon, di ko na kayang ipakita yung mga storya ko habang humahalakhak.

Isa pa, na-discover ko yung tinatawag na BL o yaoi. Sobrang saya ko nun sabi ko, "it's a pleasure to meet you!" Kaya ayun, my desire to write + my gayness + newbie to wattpad = Thumping Heart!

-How did I manage to finish TH? Kasipagan lang talaga at paglalaan ng oras sa pagttype. Nung last kong chineck yung TH para basahin halos atakihin ako dahil sa mga typo. Yung mga spelling jusme! Ang sakit sa eyeballs. Naiyak nga ko dahil bumenta pa yun e. Kahit sino mapapansin yung spelling kong pang grade 1 at emoticons ko na nilamon lahat ng page.

Anyway, wala naman ako dito para laitin yung una kong gawa haha! Sa totoo lang, when your readers have come to love your story, so you will eventually. Kahit gaano ka katamad sa pag uupdate basta may makita ka lang na mga nagbabasa at nag cocomment ng:

Author UD na!

Miss na namin si ganto ganyan!

Wag mo naman kami bitinin!

Tangina mo otor isang taon na ko naghihintay!

Ewan ko nalang kung hindi ka pa maka-type. Murahin ka ba naman diba. Pero talaga, masaya magsulat lalo na pag may nagbabasa.

Ang babaw nga ng mga choice of words ko noon eh pero thankful ako dahil may nakakita ng essence ng Thumping Heart. Sobra.

***

May tanong ka ba tungkol sa Thumping Heart? Tambay ka sa comment!

Writings From Another PlanetWhere stories live. Discover now