"Para kasing forty years na tayong hindi nagkita muli kasi ang dami nang nagbago sa iyo!", banggit muli ni Rhino

"Sus... eto naman! Na-miss nga kita eh!"

"Exactly Sister...si Cous pa nga ang nag-asikaso ng mga pamparty displays dito eh! Kahit may hangover pa iyan kagabi sa provincial bus", sambit ni Rhyna

"Kayo talaga...nag-effort effort pa sa birthday ko!", tuwang wika ni Janice

"Haha... ikaw naman, pinapasiya ka lang namin! Alam kasi namin na nitong mga nakaraang mga araw eh ang daming pagsubok at kalungkutan yung naranasan mo",ani Rubie

"So... we planned na sorpresahin ka sa araw mo!", sambit ni Rhyna habang nagsisimula nang kumain ang ibang staff sa dining area

"Uhhh...bestfriends ko talaga kayo!", wika ni Janice at yayakap sa mga kaibigan, "Pero bakit hindi sa akin ipinaalam kanina ni Leo na kaarawan ko na pala?"

"Haha... yung pinsan mo? Kinuntsaba na rin nina Rhyna na huwag ka munang batiin para tuluy-tuloy ang excitement mo!", nakangiting banggit ni Vince na aakapin ni Rhyna

"Speaking of excitement, lubus-lubusin na natin ito!", ani Rubie na pipito sa likuran at bubungad ang napaka-seksing katawan ng isa pang kaibigan. Lalapit ito sa kanila.

"Joyous Leap year Birthday frieeeeeend!", sabi ng binabaeng si Jaynel

"Oh my... God!",nanlisik na matang wika ni Janice, "Buhay ka pa pala???!"

Yayakap si Jaynel kay Janice. "Gaga! mabuti at stage 2 lang ng goiter inabot ko! Tsaka kahit ilang months akong nagpapagaling sa hospital eh sulit pa rin kasi cute yung naging boy next door nurse ko dun! Sayang at later on,nalaman kong beki rin pala ang chorvang yun!"

"Oh! Dapat ipinainom mo ng POISONOUS MILK para manumbalik sa pagiging maton! Haha ha!", biro ni Rhyna na nakikipagsubuan ng barbecue kay Vince

"Oo nga, itong si Rhyna Alcantara hindi pa rin talaga nagbabago sa kakornihan!",sabi ni Jaynel na ibabaling naman ang tingin kay Janice, "Tsaka...kumusta pala raw yung trabaho ko sa POISONOUS MILK na yun na ipinasa sa'yo ni Manager?"

Sasagot na sana si Janice nang biglang sumingit ang mas naging blooming na lalaki, "Miss Behosano! Happy birthday!", bati ni Manager kasunod ng kanyang asawa

"Oh! Sir... Thanks po!', wika ni Janice na kakamay din sa Manager, "Buti po at nakarating kayo!"

"Yes... actually galing lang namin ni Sweetie sa honeymoon trip nang biglang we have decided to stopover muna sa office for this celebration... Alam mo na!"

"He He... Maraming Salamat po ulit!",dagdag ni Janice na iiwanan nina Rubie at Rhyna

"Kumusta nga pala yung meeting niyo with the NBIs?", sunod ng Manager

"Po? may pumunta nga pong investigators sa office pero hindi ko po kasi alam yung appointment na yun eh! So... sabi ko re-sched na lang muna para ma-confirm ko sa inyo"

"Oh I see... so hindi pa nila nakuha yung mga exclusive files mo for research? Hindi ka ba in-inform ni Miss Lopez?!"

"Inform???",pagtatakang wika ni Janice na biglaang may tatawag sa phone ng Manager kaya't kailangan muna siyang iwan saglit.

Nang makapag-isa at makapag-isip ay pupuntahan siya ni Jaynel na kanina'y tumitingin-tingin sa mga bagong staffs.

"Huy!",istorbo ni Jaynel, "Sis... ang lalim ng iniisip mo diyan ah! Maiba nga tayo, remember our hula days? That..."

"Ay! Oo! Nakita ko na ang soulmate ko! Putik 'di ba? Kaso nasa abroad na siya eh! Until now... wala naman kaming contacts pa!"

"The third male na naputikan?", usisa ni Jaynel habang maingay ang iba sa sayawan

"Third??? Anong ibig mong sabihin?"

"Wow...Terrific! Noong mag-ring ang bell na hudyat na uwian na natin...",kuwento ng bakla at magpa-flashback, "Nabitawan ko yung last card at nagulat sa pagbubukas ng maraming ilaw sa loob ng dining area at nagulo ang mga barahang nakalapag sa lamesita. Nag-impake naman kayo agad ng gamit tapos nagpahintay ako pero hindi niyo na narinig. Habang inaayos ang nagulong mga baraha upang itago na, hinanap ko yung huling barahang nabunot hanggang makita ito sa tabi ng water dispenser... THREE KNIGHTS!"

"Ows... Sobrang copy paste naman iyang flashback mo teh!"

"Pero seryoso Jans... have you met the third person to be fell in love with?",tanong ni Jaynel sa kaibigang nag-iisip.

Habang walang patid ang pagsasalita ng kaibigan sa harapan ay mabibingi siya at maaalala ang mga sandaling may putik at may pagtibok ng dibdib...Mula kay Rhino ("Ay!Sorry Miss!", banggit ni Rhino pagkatapos makapag-preno)...kay Julius ("Oh my... Sorry Miss!", banggit ng lalaki na pagkatanggal ng suot nashades ay lalantad ang kakisigan at amoy mayaman)...at kay Lawrence.

"Tapos...Ayun! I'm so excited na Sis, sino ba ang the one? guwapo ba siya?",ani Jaynel

"Si...",nauutal na wika ni Janice hanggang makarinig ng tawag sa kanyang cellphone






Sa kabilang banda, mga
bandang quarter-to-nine ng umaga ay nagpark ang bagong pinturang pulang Volkswagen sa Basement ilang bahagdan mula sa opisina ng mga nagkakasiyahang staff. Sa tabi ng isang elevator hihinto ang sasakyan at maghihintay ng isang bisita.

"Hoops! Grabe rin ang traffic sa may Ortigas ah! Road Reblocking at masyado pang nagsiksikan!", banggit ng payat na alalay sa katabing drayber

"Oo nga! Sumabay pa yung itinatayong bagong mall sa Sitio Bartolome"

"Ano ba ang utos sa atin ni Leader?",tanong ng payat sa panot na hawak ang manibela

"Basta kapag nakita na raw nating bumaba diyan si Janice eh alam na!"

"Janice...Janice... Janice... matagal tagal na ring hindi kami nagkikitang muli ng hinayupak na iyan eh! Ano na kayang itsura niya? Maganda parin ba?"

"Eto!",sambit ng panot at ibibigay sa kasama ang pixelled na close-up ng babae, "Maganda sana... kaso kailangan na niyang burahin sa mundo!"

"Tsk! Tsk! Tsk!Kawawang dilag... sana matikman muna natin bago natin patayin nuh!"

"Haha!", tawang panot, "Masarap daw sana humalik yan sabi ni Milky Man at pisil-pisilin yung...". Mapapahinto sila sa usapan nang makakita ng rumondang security guard.

"Hindi ba tayo nakilala?", tanong ng payat pagkatapos dumaan ang guwardiya

"Sssst... hindi tayo makikilala niyan! Tsaka malapit na rin tayo lumayas at panigurado nakuha na ng babaeng yun ang pinaka-bonggang regalo sa kanyang bertdey... ha ha ha ha!"

"Sinabi mo eh!",dagdag ng payat sa kasama at tititig ulit sa hawak na larawan, "In fairness, pantay ang kilay niya rito ah..."

If we fall in-luvHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin