"Ampota! Ano ka ba naman! Bakit dito niyo kasi iyan ipinaparada? Hah?!", sabi ni Trumpet at titingin sa driver's seat ngunit wala rito ang drayber hanggang sa may isang lalaki na tumawag sa nakataas na unahang bahagi ng tila mamahaling sasakyan

"Ay! Sir... pasensiya na kasi biglang umusok yung bandang radiator nito eh kaya chineck ko na muna", banggit ng lalaking nakapolong pang-opisina

"Ganun ba? Eh sana nagpa-assist muna kayo sa mga rumorondang MMDA rito para hindi kayo makaabala sa daan... Muntikan ko na po tuloy kayo mabangga", sabi ni Trumpet na susundan ni Lawrence mula sa nakatigil na van

"Pasensiya na ulit! Nagmamadali kasi ako kanina nang biglang hindi na mag-start yung makina", dagdag ng lalaki na patuloy sa paghahanap ng problema

"Na-check niyo na po ba yung carburetor?", nakatayong sabi ni Trumpet

"Ba... bakit? Ano bang problema?", tanong ni Lawrence sa dalawa

"Umusok daw kasi, baka overheat...", bulong ni Trumpet sa kasama na lilingunin naman ng lalaking may grasa na sa mga kamay

"Patingin nga!", wika ni Lawrence at agad layo ng lalaki sa compartment

"Naku... naabala ko pa tuloy kayo mga Sir...", banggit ng lalaki

"Ayos lang po! Pauwi na rin naman po kami eh tsaka marunong yang kabarkada ko sa mga pagmemekaniko...", nakangising sabi ni Trumpet sa kausap

"Ah... Ganun ba?!", banggit ng lalaki at titingin sa ginagawa ni Lawrence

Mangangati ang ilong ni Lawrence na papahirin naman niya ng maduming kamay at titindig mula sa pagkakatuwad, "Sige Sir... start niyo nga po!"

"Okay...", banggit ng lalaki at pupunta sa kanyang upuan upang kalabitin ang nakasuksok na susi at ini-start ang sasakyan. Magiging ayos na ulit ang lahat.

"Ayun pala eh! Natumbok mo Tol!", sabi ni Trumpet sa kaibigan

"Wow... Pasensiya na po ulit sa abala... Mabuti at nakuha niyo ang problema...", masayang banggit ng lalaki at kukuha ng bilog na basahan sa loob upang ibigay sa Lawrence

"Wala pong anuman...", wika ni Lawrence na isasaayos na ang compartment at tutunguhin ang van sa likod. Nagpupunas na rin siya ng mga dumi sa katawan.

"Ahm... siya nga pala! Tanggapin niyo ito...", dagdag ng lalaki at magbibigay ng ampaw kay Lawrence


"Naku sir... huwag na ho! kinabit ko lang naman yung natanggal na wire"

"Sige na...",pilit ng lalaki na makikita naman ni Trumpet mula sa likod at bigla itong kukunin

"Okay... salamat po Sir! Salamat...", sabi ni Trumpet at biglang tulak papunta sa van kay Lawrence. Magtataka si Lawrence at bubulong dito..."Oh...pambirthday mo rin ito!"

Kakaway ang lalaki sa dalawa at paaandarin ang sasakyan, ngingiti at magpapaalam.

"Muwah!",halik sa ampaw na sambit ni Trumpet at tatabi sa manibela, "Ayan...wala na tayong problema sa pang-serbesa!"

"Eto... hindi ko na nga tinanggap eh"

"Haha! Hayaan mo na Tol... blessings din ito nuh! Tsaka ang gara ng Volkswagen ni Sir dun eh... Oh!", sabi ni Trumpet na paaandarin naman ang van at ibibigay ang ampaw sa katabing kaibigan. Pagkaalis nila sa pinangyarihan ay bubuksan ni Lawrence ang ampaw at matatawa.

"Oh... bakit ka naman napapangiti diyan?", lingon na sabi ni Trumpet habang hawak ang manibela. Ibibigay ng kaibigan ang nakuha at titingin sa harapan. Walang ibang laman ang ampaw kundi isang note na ang nakalagay ay: THANK YOU

"Hahaha...sabi ko sa'yo dapat hindi mo na lang tinanggap eh...", ani Lawrence

"Anak ng...",pagtataka ni Trumpet na itinapon ang note at nagmaneho na lamang






Ilang minuto na lamang at magsasara na rin ang LVC PADALA BRANCH. Ang pinakahuling customer ng tanggapan ay isang makisig na lalaki at may bagong lagay napabango. Nakasuot ito ng itim na pantalon, makinis na sapatos at pulang polo na terno sa kulay ng kanyang sasakyang Volkswagen sa labasan. May bitbit itong kahon na nakabalot ng makinang na papel at ilalatag sa mesa ng pinaka-kahera.

"Yes... Sir Guwapito...", naglalaway na banggit ni Madam NJ

"Ah... Can I get your...", sambit ng lalaki

"Number? Zero nine one six four...", mabilis na banggit ng matanda

"Marker! Nawala po kasi yung marker ko sa kotse kanina...", dagdag ng lalaki

"Ay! Ganun po ba?Pasensiya na po!", kalmadong banggit ng Madam at kukunin ang pentel pen. Ibibigay sa lalaki at isusulat sa regalo, "Eto na rin Sir yung form..."

"Thanks!",nakangiting sambit ng lalaki at kukunin na rin ang ballpen na ibinigay ng matanda. Ilang saglit pa ay siya namang dating nina Lawrence at Trumpet.

"So... Sir Julius Yap?", tanong ng Madam pagkakita sa form. Tatango ang lalaki at makakatunog naman ang dalawang assistant, "Wala po kayong local address? Hindi po kasi namin maipa-file na Chinese package ito kung hindi dumaan sa Foreign Customs"

"Ah... Ganun ba? Susurpresahin ko kasi sana yung mapapangasawa ko sa gift kong ito!",sambit ng lalaki na diretso lang ang tingin sa babaeng kausap

"Well... kung ganun po ang intention niyo, kahit anong return address na lang po for reference if hindi matatanggap ng mapapangasawa niyo yung package..."

"Ah... okay!",magiliw na sambit ng lalaki na magsusulat sa form habang nakatigil sa isang tabi sina Trumpet at Lawrence

"Sige Sir and your package is in good hands!", kukunin ni Madam ang kahon at ang bayad ng lalaking may kasamang limampisong tip, "Thank you sir!"

"I expect before 8 in the morning ay matanggap na niya kasi..."

Biglang kukunin niMadam NJ ang kamay ng lalaki, "Don't worry handsome... we will!"

"Okay!",nakangiting sambit ng lalaki at biglang iaalis ang kamay sa matanda. Lalabas ng mabilis si Julius at paaandarin ang kaninang nasiraang sasakyan.

"Oh! Si Julius Yap na pala yung lalaking kaninang tinulungan natin?!", sabi ni Trumpet sa kaibigang napatulala

"Trumpet! Lawrence... kilos na! Alis na tayo agad kasi may urgent package pa kayo bukas ng umaga... narinig niyo naman hindi ba?", banggit ni Madam NJ sa kanyang silya

"Eh... Madam,kanino raw po niya ipinapabigay yan?", usisa ni Lawrence na lumapit sa matanda. Kukunin ni Madam NJ ang form at babasahin ang receiver...












"Kay... kay ano! Kay... Janice Behosano!"


If we fall in-luvWhere stories live. Discover now