Pagkatapos itago ang cellphone sa bag ay makakakita ang dilag ng rosas na may mahabang tangkay sa sahig na may tag na: JANS .
Susundan ito ng titig ni Janice at kukunin pero kasabay nito ay kamay din ng isang lalaking kanya nang nakita na madalas sa kanilang bahay.

Ang lalaking palaging nagbibigay sa kanya ng rosas kasama ng sulat.

"I... Ikaw?!",pagtatakang banggit ni Janice pagkatapos kunin ang bulaklak at tingin

May daraang babae na nakaheadset at nakikinig sa kanta ni Yeng Constantino na malakas na kumakanta kasabay sa tugtog, "...ang pag-ibig na hinintay ...Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw...",at mawawala sa shed

"Ikaw?!",muling banggit ni Janice sa lalaking kaharap

"Janice please...kausapin mo ako!", sambit ni Lawrence na hahawak sa kamay ng tumalikod na babae. Mabilis ang hagis ng bulaklak sa mukha ng lalaki.

"Huwag mo akong hawakan! Hindi mo ako kaibigan... Hindi tayo magkakilala!",banggit ni Janice na haharap at unti-unting luluha

"Janice, pakinggan mo muna sana ako oh...", pagsusumamo ni Lawrence

"Pakinggan?!Ngayon... gusto mong ikaw ang pakinggan? Matapos mo akong gawing tanga! gawing gaga! Para saan pa't pakikinggan pa kita! Para lalo mo pa akong gawing tanga?"

"Inaamin ko Janice... niloko nga kita! Pero ginawa ko lang yun kasi..."

"Mahal mo ako? Huh! Ayos ka rin nuh! Alam mo nasobrahan ka siguro ng pagbabasa ng komiks, pocketbook tsaka songhits sa iskwater niyong bahay! At ano pa ang mga nababasa mo dun pagkatapos makipaglokohan ang mga babae? Gusto mo ba yung mga naghuhubad? nakikipaghalikan? nakikipagtanan?gumagawa ng bata? tapos yung bata ipapalaglag? tapos kakarmahin yung magsyota kasi puro sex lang gusto nilang gawin? huh?!"

Mag-uumpisa na sa pagluha si Lawrence, "Jans... tama na! tama na!!!"

"Alam mo... hindi ko alam ang pangalan mo... pero alam ko kung ano ang pwede kong itawag sayo! A certified Womanizer who wants to prove to himself that he could get any girl that he could play with... You are such a Satanist!", galit na galit na banggit ng babae

"Ahhhhhh!",malakas na sigaw ni Lawrence na magpapaalis ng mga ibong balinsasayaw sa katabing puno, "Ganyan ka ba kababaw na tao ha?!"

Matatahimik si Janice at pipigiling tumaas pa ang dugo.

"Ah... akala ko ba may pinag-aralan ka? Akala ko ba ikaw ang tinitingalang mamamahayag sa buong bansa? Akala ko ba media ka? Nasa gitna... bago manghusga eh pinapakinggan muna ang magkabilang panig?", dagdag ni Lawrence na magpapatameme sa kausap, "Kung alam ko lang na ganyan ka rin kababaw na tao... sana hindi na lang din kita nakilala! Sana... hindi ko tinanong ang pinsan mo tungkol sa pagiging malungkot mo noon! At sana, hindi na lang din ako nagpupuyat at laging nag-iisip kung anong kasiyahan ang kailangan mong basahin sa araw na iyon... Sana walang ikaw sa puso ko!"

"Hu Hu hu!",iyak ni Janice na patuloy sa pagkabog ng dibdib

"Parehas lang tayong nahihirapan sa sitwasyon na ito Janice! Parehas tayong nasasaktan! Sana kinilala mo muna ako bago mo ako pagsalitaan ng wala sa lugar! Ganyan ba ang tingin mo sa lahat ng lalaking dumaan sa buhay mo? He he! Kung sa bagay... iniwan ka nga siguro ng Julius na yun kasi masyado kang ma-pride na tao!"

Nang marinig ni Janice ang pangalan ni Julius ay iaangat nito ang bag na bitbit at ihahampas ng paulit-ulit sa dibdib ni Lawrence. Isasangga naman ng binata angkanyang dalawang kamay.

"Hayop ka! Hayop! Napaka-walang hiya mong lalaki ka!", galit na sabi ni Janice at hihinto sa paghampas, "Wag mong idadamay ang boyfriend ko rito! Wala kang alam sa nangyari!"

"Oo Janice! Hindi nga ako si Julius... pero kahit kailan hindi ako nagpaka-Julius sa pakikipagkilala sa iyo!"

"Eh anong ibig sabihin ng mga sulat... ng mga clue na iyon ha!", sabi ni Janice

"Ginawa ko yun dahil gusto kitang mapangiti... maging okay sa pagtatrabaho... maging maganda muli!", wika ni Lawrence na magpapahaba ng bangs ni Janice sa anit

"Ha ha ha ha!",pagtawa ng babae, "Matuwa? maging okay? Maganda! Oh eto! Nakita mo na diba? Bakit kailangan mo pang magpanggap?! Bakiiit!"

"Dahil ayaw mo sa sarili kong mga sulat... hu hu hu...", wika ng binataat titingin sa papalubog na araw, "Natatandaan mo ba nung nagdidilig ang lola mo sa umaga? Yung ang daming tawag sa iyo ng lola mo na nasa labas tapos sumisigaw ka mula sa loob na hindi katatanggap ng sulat kung hindi galing kay Julius? Pigilin ko man ang sarili kong huwag nang ibigay pero ang puso ko nagpupumilit Janice! Kasi mahalaga para sa akin ang makapagpabago at makapagpasaya ng taong gusto ko!" Please refer to Chapter 37

"Oo! Masaya ako kung galing yun sa boyfriend ko! Dahil negosyante yun! At ikaw..."

"Delivery boy lang!", mabilis na wika ng binata, "Delivery boy na lumaki sa hirap... na salat sa yaman! Na hindi kayang pumantay sa mga taong mas nakaaangat? Tapos ikaw na broadcast journalist na sikat na dapat ay sikat din ang makatuluyan... ang mapakasalan!"

Sasampalin ni Janice ng malakas si Lawrence sa pisngi at kapwa iiyak, "Hindi'yan totoo! At hindi ako ganyan tumingin sa gusto kong makasama habambuhay!"

"Pero ganun ka na ngayon Janice! Buong oras at panahon mo halos ibinubuhos mo na kay Julius!", wika ng binata. Titingnan muli ni Lawrence si Janicesa mukha at magsasalita, "Janice... Alam mo ba kung gaano kasakit na sa tuwing binabasa mo ang mga sulat ko sa iyo, iba ang nasa utak mo! Iba ang lalaking iniimagine mo na gumagawa nito... Pero dahil napamahal ka na sa akin Janice! Kaya kong magparaya... tiniis kong maging parang hangin lang sa buhay mo, makita lang kitang tumatawa..."

Mas lalo pang iiyak si Janice nang makita sa pagmumukha ng kausap ang sinseridad at debusyon. Magsasalita si Janice, "Alam mo... wala akong ibang hiniling sa Diyos kundi ang taong kayang maging totoo at yung mapagkakatiwalaang laging nariyan sa tabi ko"

Papahirin ni Janice ang mga luha sa mukha at tatalikod. Hahabulin ito ni Lawrence at may ibibigay. "Janice! Tanggapin mo bago mo ako kalimutan...Pinag-ipunan ko yan sa panahong ipagtatapat ko na sa'yo ang lahat... eto oh!"










Kukunin ni Janice ang isang maliit na parihabang kahon na ginift wrap ng diyaryo at may ribbon. Agad naman itong ibubulsa ni Janice at sasakay sa humintong dyipni. Pagkaharurot ng sinakyan ni Janice ay nalulumbay namang aalis si Lawrence na siya namang pagdating sa gusali ni Mya Lopez.








If we fall in-luvWhere stories live. Discover now