“Oy! Anong ginagawa mo? Magnanakaw ka no?!”sigaw nya kay Harvey, nag-aagawan si Harvey at Gabriel sa tamiyang iyon. Ayaw iyon bitawan ni Harvey dahil naku-cutan sya. Ganun sya pag gusto nya ang isang bagay, gagawin nya ang lahat makuha lang iyon.

“Anata wa nani o itte iru?” <a/n: Anong sinasabi mo?> tanong ni Harvey dahil hindi nga sya nakakaintindi ng tagalog. “Huh? Nagsasalita ka ng Japanese? Pero hindi ka nakakaintindi ng tagalong eh mukha kang pure Filipino!”naiinis na si Gabriel kay Harvey, pero may part sa puso nya na pinipigilan syang maasar kay Harvey.

“Watashi wa anata o rikai suru koto wa dekimasen”<a/n: Hindi kita maintindihan> sabi ni Harvey kay Gabriel. Biglang hinigit ni Gabriel yung kotseng tamiya at napa-upo si Harvey sa sahig na napakalakas ng pagbagsak nya. “Mommy!! Doko ni iru no? Dare ka ga watashi o kizutsukeru”<a/n:mommy nasaan ka? May nanakit sakin.> sigaw ni Harvey. Nang matapos ang pagcheck sa mga maleta nila Shyle ay nagulat sya nung hindi nya makita si Harvey.

“Harvey!”

“Harvey! Doko ni iru no?”

“Harvey!”

“Hoy! Tumigil ka sa paawa mo, Nasaan ang mommy mo? At ng maturuan ka ng---“

“Harvey!”hindi napagpatuloy ni Gabriel yung sasabihin nya dahil narinig nya ang isang boses na matagal na nyang hinahanap-hanap, ang boses ng taong mahal nya. Agad nyang tinignan ang bata, umiiyak pa rin ito pero napansin nya na kamukha ni Shyle ang bata pero ang ilong nito ay kamukha nung ilong nya.

“Harvey! Wareware wa iku hitsuyō ga aru!” <a/n: aalis na tayo.> sigaw ni Shyle. Si Gabriel ay tulala pa rin nung nakita nya ang nag-aalalang mukha ni Shyle. “Mommy!”sigaw ni Harvey. “Harvey!”sigaw din ni Shyle. Tumakbo papalapit si Harvey kay Shyle, lumuhod naman si Shyle para maging ka-level nya si Harvey at niyakap nya ito. “Nǐ qù nǎ'erle?”<a/n: san ka galing?> tanong ni Shyle kay Harvey habang yakap nya ito. “Wǒ kàn dào yīgè wánjù, wǒ xiǎng tā.”<a/n: Nakakita ako ng laruan at gusto ko yun> sagot ni Harvey kay Shyle. “Tā zài nǎlǐ? Wǒ huì mǎi gěi nǐ?”<a/n: Asan iyon? Bibilhin natin.>sabi ni Shyle kay Harvey.

“Shyle??? Ikaw ba  yan?”nanlaki ang mga mata ni Shyle nung narinig nya ang boses ni Gabriel.  Napatayo sya nung nakita nya na nakatayo sa harapan nya si Gabriel. “Gabriel?”di makapaniwala si Shyle na nasa harapan na nya si Gabriel, mas lalong gumuwapo si Gabriel at tumangkad din ito.

“Nǐ zhīdào duìfāng ma?”<a/n: kilala nyo ang isa’-isa?> tanong ni Harvey kay shyle pero hindi ito pinansin ni Shyle. “Shyle…”banggit ni Gabriel sa pangalan nya. Dahan-dahang lumuhod si Gabriel na ikinagulat ni Shyle. “Sorry Shyle sa nagawa ko sa’yo noon, sorry sa mga nasabi ko sa’yo noon. Sorry sa sinabi kong virginity mo lang ang habol ko—teka anak ko ba sya?”sabi ni Gabriel tapos tumingin kay Harvey. “Anata wa watashi no otōsandesu ka?”<a/n: ikaw ba ang daddy ko?> tanong ni Harvey kay Gabriel. Hindi naman kasi nakakaintindi ng Japanese at Mandarin si Gabriel ang alam nyang language ay French, Latin, Korean at English.

“Hai, kare wa anata no otōsandesu”<a/n: Oo, sya ang daddy mo.> sabi ni Shyle kay Harvey. “Hontōni?”tanong ni Harvey at niyakap si Gabriel at ito ay ikinagulat ni Gabriel niyakap nya din pabalik si Harvey. “Gabriel, ako ang may mali, hindi ko pinakinggan yung side mo non, sya si Harvey Penales-Sy soon to be Santos.”sabi ni Shyle ng nakangiti. Tumayo si Gabriel at binuhat si Harvey. “Gabriel kukunin ko lang yung mga gamit namin ni Harvey ha.”paalam ni Shyle. Hahakbang na dapat si Shyle pero may tumawag sa kanya. “Shyle!”

“Chealsea!”

“Shyle kinuha na ni Ronney yung mga gamit nyo ni Harvey. Pati--- Gabriel?”hindi na naituloy ni Chelasea ang sasabihin nung nakita si Gabriel. “Chealsea?”tanong ni Gabriel. Ngumiti si Chealsea tapos tumango. “Kamusta ka na? it’s been 4 years nung nagpunta ka sa France.”sabi ni Chealsea. “Ayos lang.”sagot ni Gabriel.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें