Simula

293 22 0
                                    

Simula

"What are you doing here?" iritang tanong ko habang naglalakad ng mabilis patungo sa aking swivel chair.

"Am I not allowed?" pilyong tanong ng taong sumusunod sa aking likuran. Umupo ako sa aking upuan ng nakakunot ang noo. Bahagya ko siyang pinasadahan ng tingin. He comfortably sat on the single sofa in front of my working table. I glared at him.

"Pardon mister, but I know how hectic your schedule is." Sarkastiko kong sambit. Pabagsak ko rin binuksan ang aking laptop upang maumpisahan na ang trabaho.

He remained silent, and that caught my attention. Bahagya ko siyang sinulyapan. Only to find him smirking while holding his chin and staring at me like crazy.

Umirap ako na nakapagpahalakhak sakaniya. "Jerk." Sabi ko at kaagad na sinara ang aking laptop upang maharap siya ng maayos.

"What do you really want?" inip kong tanong.

He amusedly stared at me for a second before sitting properly. Huminga siya ng malalim at marahang pinagpag ang kaniyang black leather jacket. Yabang!

Tumikhim siya at seryosong tumingin sa akin. His eyes were so deep and dark, parang gusto ko tuloy mag-iwas ng tingin. But of course, I looked at him fiercely. It's what I'm known for.

"I just missed y-" bago pa matapos ang kaniyang sasabihin ay biglang may kumatok sa may pintuan.

"Excuse me." Sabi ko bago tumayo at dumiretso sa pintuan. I saw how his shoulders fell. Napangisi ako. You missed me huh?

Binuksan ko ang pintuan. Kaagad naman bumungad sa akin si Karla, my secretary.

"Yes?"

"Ma'am, nasa baba po si Sir Jason papapasukin ko po ba?" aniya. Kumunot ang noo ko. She's talking about Jason, my suitor.

May tumikhim sa likod ko kaya napatingin ako kay Elmo. Nakasiklop ang kaniyang dalawang kamay. "Tell that Jason na busy ang boss mo. Tell him that she's with me." Matalim na sambit ni Elmo sa likod ko na mas nakapagpakunot ng noo ko.

May lunch date ako ngayon kasama si Jason. It's not just a date, it's an important business matter date. May isa-suggest daw siyang investor sa akin para sa kumpanya. Sino ba naman ako para tumanggi, hindi ba?

"No. Tell him to wait. Bababa na ako." Sabi ko.

"Okay, Ma'am."

Kaagad kong sinarado ang pinto nang makatalikod na si Karla. Ngayon ay hinarap ko naman ang kanina pang parang hindi maipinta ang mukha sa likod ko. Tinaasan ko lamang siya ng kilay bago lumapit ulit sa table ko upang makuha ang aking pouch.

Inilabas ko muna doon ang foundation ko upang makapag re-touch man lang. Siya naman ay mukhang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"What was that?" tanong niya ng makabawi.

Sinara ko ang foundation at ibinalik sa loob ng pouch. "I have a lunch date with Jason. Bumalik ka na lang bukas..." sinulyapan ko siya "or maybe kung kalian ka available, hectic ang schedule mo diba?" sarkastiko kong sambit saka siya inirapan.

He sighed in disbelief. "Mas pipiliin mo pa talaga iyong Jason na iyon kaysa sa akin?" nanliliit matang tanong niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama. Parang biglang may sumabog na bulkan sa aking kaloob-looban. I want to suddenly punch him in the face. At nakuha pa niya talagang itanong iyan ha?

"Of course! Nauna niya akong niyaya kaysa sa biglaang pagdating mo dito sa opisina ko, mister. Natural lang na siya ang uunahin ko. As what I've said a while ago, bumalik ka na lang kapag may time ka ulit...or much better kung wag ka ng bumalik pa." inirapan ko siya. I didn't said the last words out loud pero kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang nag-aalab niyang galit.

And now you're mad?

Naglakad na ako patungo sa pintuan para iwan siya nang hinigit niya ako pabalik para maharap siya ng mabuti. Inis ko siyang nilingon.

Mariin na nagkadikit ang kaniyang mga labi at nagkasalubong ang kaniyang dalawang makapal na kilay. " But I am your bestfriend, Julie Anne! Dapat-"

"YOU WERE! You were my bestfriend until that day you denied me as one, Elmo!" sigaw ko ng buong puso habang dinuduro siya sakanyang balikat.

Akala niya ba nakalimutan ko na iyong pagpapahiya niya sa akin noong minsan nakita kami sa labas ng media? This fucking idiot told them that I am only a big desperate fan of him na pinagbigyan niya lang dahil naaawa siya! Like what the hell, right? He could've just introduced me as his cousin or something!

And after that, nagsorry lamang siya na parang wala lang and we already didn't meet for like months! Nanggagalaiti ako sa tuwing naaalala ko iyon.

He heavied a sigh. "Hanggang ngayon ba issue pa rin sa ating dalawa iyon?" malumanay niyang sambit habang hinuhuli ang aking dalawang kamay at inilapit niya ako lalo sakaniya.

Sa inis ko ay sinubukan kong magpumiglas ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay. "Get off me, Magalona." Mariin kong sambit habang pinagdidilatan siya ng mga mata.

Seryoso ang kaniyang mukha. Though I can sense a little bit of gentleness and amusement in his eyes.

"Elmo, what the hell? Hinihintay na ako ni-" Hinigit niya ako ng napakalakas kung kaya't sumalampak ako sakaniyang matigas na dibdib. Kaagad niya akong yinakap na may kasamang pag-amoy sa aking buhok. Bigla akong natahimik at napatikom ng bibig.

"I told you I missed you." Bulong niya sa akin na nakapagpalambot ng aking puso.

"Now please, come with me and leave that bastard without him knowing." Aniya na nakapagbalik sa aking isipan kung gaano ko siya kinaiinisan ngayon. Tinawag niyang bastard si Jason! I don't really care about that but damn! What does he call himself, then? A jerk?

Tinulak ko ang kaniyang dibdib. Ramdam ko na nanghina siya kanina kung kaya't nakakalas ako ng madalian. I glared at him. Pagod lamang siyang tumingin sa akin.

Inayos ko ang aking damit bago tumayo ng maayos. I have a business meeting right now that's very much important at kailangan ko rin alalahanin ang ginawa niya sa akin months ago. Hindi pwedeng kaagad na lamang akong bibigay sa kaniya.

"No. I'll go now. Hinihintay na ako ni Jason sa ibaba." I said as I turned my back on him.

Are you really sorry Mr. Magalona? Then try harder. You stepped on my ego, you should learn how to pay for it.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon