Klaire's POV
"Biboy! And I to na si ate!" Sabi ko pagkapasok ko palang sa aming bahay.
"Ate!maligayang pagbalik po!" Salubong ng aking kapatid na si biboy saby yakap sa akin.
"Nasaan si tatay? Umiinom nanaman ba?" Tanong ko ng mapansin kung wala sya sa sala.
"Opo,kanina pa po sya umalis ate, ate nagugutom na ako" sabi nya habang hawak ang kanyang tiyan.
"O ito bumili ako ng paborito mong pansit dyan Kay Lola Linda" sabay abot ng pansit na binili ko sa kanya.
"Talaga ate?! Salamt!" Masigla nyang sabi at tumakbo papuntang sala, napangiti ako sa kakulitan ng aking kapatid, Hindi sya mapili, masayahin talaga siya kahit Hindi halatang may sakit syang cancer.
Umakyat ako at pumasok sa aking kwarto, ang liit lng ng perang binigay ni sir ngayun. 250 lng Hindi to kasya sa amin. Lalo't ng palaging naglalasing si tatay.
Mama bakit mo naman kami iniwan ng ganun ka aga? Miss na miss ka na namin mama.
"Nasan si klaire?!" Isang sigaw ang aking nadinig sa baba, bumaba ako at nakita kung umiiyak si biboy. Nilapitan ko sya at itinago sa aking likod.
"O! Andyan ka lang pala klaire!" Sabi nya. At tinignan nya ako. Hindi sya makatayo ng maayos, namumula ang kanyang mga Mata, at amoy alak pa ito. Halatang lasing na lasing si tatay.
"Alam mo?! Ng dahil sa inyo namatay si Flor!!mga walang hiya kayo!" Tinutukoy nya si mama. Namatay si mama sa isang aksidente, nasagasaan sya ng dahil sakin.
Kung Hindi lng Sana ako naging matigas ang ulo ko noon, Edi Sana buhay pa si mama ngayun kaya alam ko kung bakit galit na galit si tatay sakin.
"Nang dahil sayo!! Nawala ang aking minamahal!" Sinuntok nya ako sa sikmura at pinatidpatid ang katawan ko nang mabagsak ako sa sahig.
Pagkatapos ay umakyat
"*hik! Ate!! Ok kalang ba? *hik* ate?!" Iyak lng ng iyak si biboy, naawa ako sa kapatid ko, Hindi dapat sya nakakaranas ng ganito lalo na't may sakit sya.
"Ok lng ako biboy, galos lng toh, sge na matulog kana baka mapuyat kapa" sabi ko.
Tumango naman sya at umakyat sa itaas.
Hayz, pagod na pagod na ako, pero Hindi pwede dahil kawawa naman yung kapatid ko.
Tumayo ako at nagdesisyong lumabas muna upang mag pahangin.
Gusto ko munang mapag isa.
Ang sarap talaga ng simoy ng hangin.
Umupo ako sa malapit na upuan.
Sana balang araw gumaling na si biboy at Sana magbago narin si tatay.
Hindi naman ganito si tatay noon nang buhay pa si mama, maalaga at napakbait na tao ni tatay noon.
Pero nagbago lahat yun ng mamatay si mama, iyak sya ng iyak noon, Hindi sya natutulog dahil baka sakali daw na bumalik si mama, umiinom sya tuwing Gabi at kadalasan binubogbog nya ako.
Kasalanan ko naman talaga ang lahat e.
Flashback
6 yrs ago
"Anak, pasensiya kana ha, wala na kasi akong pera pambili ng paborito mung sapatos" sabi ni mama, napasimangot naman ako sa kanyang sinabi.
Gustong-gusto ko yung sapatos na yun e!! Bakit ganun? Parati nalng wala?
Nagsimula ng pumatak ang aking mga luha.
YOU ARE READING
Im His SLAVE.
Randomnangyari na ba sayo yung sunod-sunod na problema sa buhay mo? katulad ng walang pera pambayad sa kuryente, walang pera pang-gamot sa kapatid mong may sakit, lasingerong tatay na palagi lang binubugbug tuwing natatalo ito sa sugal, striktong boss, at...
