Math

45 3 0
                                        

Ako si Harvey Sebastian. Tawag sa akin ng Family ko Moy. Yung Best friend ko Auty, yung iba kong kaibigan V. Hindi ako ang karaniwang lalaki na nakakasalubong mo sa daan. Hindi ka maniniwala pero i-kukwento ko pa rin sayo. Narinig o napanood mo naman yung mga kwento tungkol sa mga imposibleng mga bagay na nangyayari sa mga love stories. Ang kwento ko ay parang ganun, kung mahilig ka sa fantasy gagana ang utak mo kung hindi naman tataas lang kilay mo.

Pangalawa ako sa 3 magkakapatid. Nag iisang lalaki kaya madalas napag ttripan nina ate at ni bunso, si mama tagapagtanggol ko kapag pinagkakaisahan nila ako.

"Alam mo moy, ang pangit mo talaga." Sabi ni Ate Haillee.

"Edi pangit ka din kasi magkamukha naman tayo." Depensa ko.

"Hindi noh. Kamukha ko si papa. Ikaw kay mama."

"Ano ba kayong dalawa? Walang pangit sa inyo. Malakas ang genes namin ng papa nyo kaya maganda ang kinalabasan." Sasagot si mama na nagluluto sa kusina sabay tawa.

"Mama, bakit si Kuya naririnig ko nagsasalita mag-isa sa kwarto?" Tanong ni Hannah.

Nagulat ako sa tanong nya. Napatingin sa akin sina mama at si Ate. Hindi ko alam ang sasabihin... Nakatingin lang ako sa kanila, hindi ko magalaw mga labi ko dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

College. Nakapasok ako sa isang University, simula nung lumipat ako ng Zamboanga pangarap ko talaga mag-aral sa School na yun. Nag take palang ako ng entrance exam madami na akong balak gawin. Naghanap na ako ng magandang spot para pagtambayan, nag iisip na sa dami ng students na papasok doon madami din akong mapag ttripan. Hindi sa pagmamayabang pero cute daw ako. Pero sa buong buhay ko isa lang naging girlfriend ko.

First day of class 2007, excited talaga akong pumasok. Early akong pumunta ng school, hinanap ang classroom ko at naghahanap ng unang bibiktimahin. Unang subject English, may isang weirdo na nakangiti sa akin. Dahil may vacant na upuan sa tabi nya ako umupo.

"Ako nga pala si Carlo? Ikaw?"

"Harvey."

"Saan ka nag graduate ng HS?" Tanong ni Carlo.

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang... Ako sa Main, yung sa Tetuan. Alam mo kung saan yun? Masyadong maraming students doon..."

"Hindi ako interesado. Wag ka nalang mag kwento pwede?"

Nagulat si Carlo sa sinabi ko. Hindi naman talaga kasi ako interesado sa buhay ng ibang tao lalong lalo na sa kung saan sila nag graduate ng High School. Wala naman din akong kilala sa school na yun.

"Ahm... OK."

Nilabas ko ang notebook ko na may nakasulat na mga gagawin ko. "Mission" as what I call it. 3 missions ang nilagay ko, that would be enough for the whole semester. Si Carlo pala, binabasa din ang nakasulat sa notebook ko.

"Oi! Ano yan? Scare an annoying girl..." Gulat nyang sabi.

"Hoy!" Binalik ko kaagad ang notebook ko sa bag. "Gago ka ah. Sino nagsabi sayo na pwede mong basahin 'to?" Galit kong sabi.

"Grabe ka naman... Ako din kasi may ganyan. Sandali." Kinuha nya ang notebook nya at pinakita sa akin ang listahan nya.

GOALS!

1. Have a girlfriend.

2. Join the school dance troupe

3. Top the class

4. Graduate with honors

Pinagkaiba lang ng listhan ni Carlo sa akin ay sa kanya para lang sa mga seryosong tao. Yung sa akin kalokohan lang.

MathMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon