Kabanata UNO
"Magandang umaga Senyorita, ipagpaumanhin niyo na po pero ipinapatawag na kayo ng inyong ama para sa almusal" aba? Kailan kaya umuwi ang mga magaling kong magulang? If I know, nandito lang naman sila dahil sa Business.
"Maraming salamat manang."
"Walang anuman po Senyorita"
Agad akong naligo pagkatapos sabihin iyon ng aming mukhang paa na plastik namin na katulong. Naligo ako sa BathTub, hindi sa Shower o sa Batsa, sa shower talaga dahil mayaman ako. Inggit kayo no? After kong maligo ay mabilis akong bumaba upang daluhan ang aking Papa at Mama sa hapag kainan.
"Good Morning Mama at Papa" bati ko sa mga MABABAIT kong Magulang, sabay halik sa pisngi nilang dalawa.
"Good Morning Hillary, umupo ka at kumain na." Agad akong umupo para kumain. Ang sarap na sana ng kain ko kaso natawag ang pansin ko ng tawagan ni Papa ang isa naming katulong.
"Petra, yayain mo na ang mga kasamahan mo at sabihin mong sumabay na sila. " Alam kong malaki ang dining table namin dahil pang 80 persons Ito pero Hindi ko lubos maisip na ako, sasabay sa mga mukhang paa na plastik naming mga muchaha na kumain. Like ewww never, pero dahil nandito ngayon sina Mama at Papa ay wala akong magawa. Duh if papaalisin ko sila edi masisira ang Good Image ko kina Papa.
"Ma'am Illari, andito na po ang inyung guru, magiistart na daw pu kayu sa luub ng binti minutus." Ano daw? Lol. Tagalog na nga lang hindi pa maideliver ng maayos, Paano pa kaya pag English? Hay pero salamat sa kanya at makakaalis na ako sa hapag na ito. Kakadiri kayang makasama ang mga muchaha niyo kumain,ewan ko ba at anong naisipan ng mabait kong Papa at pinasabay pa sila samin, katulong Lang kaya sila, sabagay mabait nga pala ang aking mga magulang, kaya inaabuso sila e, buti nalang at Hindi ako nagmana sa kanila.
{After 4 hours.}
Aggh. Buti nalang natapos na, nakakasawa kayang umupo at makinig lang sa loob ng apat na oras. Pssh, ulit-ulit lang naman ang tinuturo nila. Nakakasawa na talaga maghome-school, buti nalang at Next Week na ang pasukan sa University na pa pasukan ko. Hay, nakakamiss din yung feeling na kailangan mong gumising ng Maaga para pumasok sa School. Ewww, anu-ano pinagsasabi ko, nakakakilabot, baka may makakita sakin, sabagay okay lang dahil MAGANDA ako.
Dahil alas-kwatro na din ng hapon ay naisipan kong pumunta sa Fitness Room ko. Yap, May Fitness Room ako, syempre hindi naman ako katulad ng mga katulong namin, mayaman kaya ako. Bwahahahahahaha. Sumakay ako ng Elevator dahil tinatamad akong akyatin ang Grand Stair, duh pang 8th floor pa kaya ang Fitness Room. Habang tinatahak ang daan papunta sa Fitness Room ay nakabangaan ko ang isang paa, Paa na may katawan bwahaha. Get's niyo naman siguro Kung sino ang sinasabi ko diba, malamang ang mga katulong namin.
"Ma'am sana po ang punta niyo." Ay shunga Lang ate?
"May iba pa bang lugar dito maliban sa Fitness Room? Sa susunod wag kang tatanga-tanga a. UmAlis ka na nga, nakakasira ka ng araw"
"Sayang, ang Ganda pa man din niya. Kay gandang lahi, Kay pangit ng ugali" may binubulong siya pero hindi ko marinig kaya tinanong ko siya, Baka ano na pala sinabi niya,
"Anong binubulong-bulong mo diyan ha?" Pasigaw kong sabi sa kanya.
"Ang sabi ko po ay sarado po ang Fitness Room ngayon, under construction." Pssh yan Lang pala. K Payn. Makaalis na nga.
YOU ARE READING
True Love
HumorJune 3, 1 What is Love? *Love is Blind. *Love is Kind. *Love is Honest. *Love doesn't boast. *Love hurts. *Love defeats everyone. *Love can make us weak. *Love is like a Rosary, it's full of Mysteries. Andaming meaning ng love, p...
