"trust me they will like you" naglakad na kami papunta sa next class at nakita kong nakaupo si kai habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay niya...umupo na ako sa tabi niya..

natapos na ang klase namin at kinulbit ako ni sha nginuso naman niya na papalapit sakin si kai..

"bro pede bang kidnapin ko muna ang gf mo?"

"sure basta ba buo pa rin siya" kumindat naman sakin si sha and i mouthed thank you

"lika na jen" kinuha niya yung bag ko at siya na nagbitbit at inakbayan niya ako...

"kai san tayo?"

"hmmm sa restaurant ipapakilala kita kila mommy"

pagdating namin dun agaw pansin kaagad kami dahil kay kai....nakita kong may kumaway si ate kyle kaya lumapit na kami ni kai dun sa kanila...

"hi mom ,dad" humalik si kai sa pisngi nila...ngumiti naman ang mommy ni kai at niyakap ako nagulat ako sa ginawa niya tumingin ako kay kai pero ngumiti lang siya sakin..

"you must be jen right?"

"yes po, goodafternoon mo ma'am"

"naku call me mommy ija masyado ka namang pormal" 

napangiti naman ako at inalalayan ako umupo ni kai katabi ko sa kanan si ate kyle at sa kaliwa naman si kai...nakatingin sakin ang daddy ni kai kaya napahawak ako sa kamay ni kai sa ilalim ng lames napansin niya siguro...

"daddy stop it your scaring her" bigla nalang napatawa ang daddy niya kaya nagulat ako...so trip niya lang yung kanina?

"sorry son I was just joking" napangiti naman si kai at napansin kong sakanya niya naman ang mata ni kai pati ang ngiti halos lahat ata...totoo nga ang sinabi ni jen opposite ni kai ang parents niya

"tss you always do that"

"ahahaha ok...btw ija call me daddy ok?" ngumiti ako at tumango...

"so jen kinukulit ka ba nitong binata ko?" tanong sakin ng papa no kai

"dad!"

"ahmm actually po sinusungitan lang niya ako at inaasar"

"ahaha para ka talagang daddy mo baby" natatwang sabi ni mommy niya..

"mom di na ako baby!" galit sa sabi ni kai habang namumula ang tenga niya...

"ahaha naku jen ganyan yang mga yan kaya laging napipikon si baby bro eh" bulong sakin ni ate kyle kaya napangiti ako napatingin naman sakin si kai habang nakakunot ang noo

"ano sabi sayo ni ate?"

"secret" inirapan naman niya ako at kumain na kami....habang nakain kami panay pa rin ang pang-aasar ng parents ni kai sakanya ako naman natatawa nalang kasi ang cute nilang tingnan...\

"nice meeting you jen sana maulit pa ito" sabi ng mama ni kai at humiwalay sa yakap...nandito na kami sa parking lot ihahatid na kasi ako ni kai

I Love Her with No Reason(girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon