Prologue

22 3 0
                                        

Prologue

"LEX!!!! ALEX!!!! BANGON NA DAW! ALEXANDRA! LATE NA TAYO!"

Naalimpungatan ako sa bawat malakas na katok ng kambal kong parang pinag sakluban ng langit at lupa ang mga kamay sa sobrang bigat na parang may naka dikit na bato. Grabe maka-katok eh.

"BAHALA KANG PUMASOK MAG-ISA!" Pahabol na sigaw niya pa.

Tinignan ko ang oras. Jusko. 6:46 am na. 7:30 pa klase ko. From here to our school, approximately 30 minutes ang byahe pag ako o si Drei mag d-drive. Hindi ako pwede pumasok mag isa. Panigurado tatangayin na naman niya susi ng kotse. At mas lalo akong malelate pag mag jejeep pa ako.

"ANDREI NAMAN EH! ETO NA! ETO NA!"

Agad ko na lang binuksan yung pinto ng kwarto ko para maniwala si bruha gising na ako.

"Ano yang mga yan? Ang baboy mo talaga kahit kelan." Ika niya nang makita ang kwarto ko.

"Wow! Lakas maka baboy. Ngayon lang naman dinaanan ng bagyo kwarto ko ah! Dun ka na nga! Susunod na ako!" At agad kong sinara yung pinto. Baka bombahin niya ako ng tanong.

"Oo na! Bilisan mo!"

Maygad! Nagising akong makalat ang aking kwarto. Nagkalat ang mga ginupit na cardboard. Nagkalat ang mga colored pen pati na ang explosion box at food box. Nagkalat lahat ng ginamit ko para sa regalo ko kay Casandra o Cas kung tawagin ng nakararami. Natutuwa naman ako sa kinalabasan ng regalong to, siguro mabubusog na naman si Cas. Effort na effort to mga bes. Kung pwede ko lang ligawan yung sarili ko nako, don't me.

Pang labing pitong regalo ko na to sa kaniya, pakiramdam ko malapit na niya akong sagutin ..... counting..... counting....... ten... nine... eight... seven... six... five... fo—

"Nak sinong kausap mo dyan?!" Sigaw ni mama, narinig ko siyang napadaan malapit sa kwarto ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Sa lahat ng ayaw ko, yung naririnig ako ni mama na nagsasalita mag isa.

"Wala po ma! Nag eexercise lang! One! Nine! Two! Three! Eight! Five! Yaaah! Ten! Eleven! Eight! Four! Six! Yaaah!"

"No time for exercise Alex! Go downstairs and eat your breakfast! Naliligo na si Drei."

"Yes ma!"

Jusko...

Niligpit ko na agad lahat ng kalat ko bago pa makita ni mama. 'Di pa man din niya alam na may nililigawan akong babae... hindi naman niya kasi alam na bisexual ako. Hindi din kasi halata sa itsura ko. May kahabaan ang aking buhok, ang porma ko ay simpleng t-shirt na sakto lang sa katawan ko, jeans at rubber shoes o minsan pa nga doll shoes. Noon pa man alam ko na sa sarili ko na curved ako. Yes I had a boyfriend nung highschool pero nag kakacrush din ako sa mga babae. At ang una ko ngang niligawan na babae ay si Cas. Ang maganda, sexy, pero maliit at supladang si Cas. OA mang pakinggang pero OO patay na patay ako dun. Saan nag simula? Ganito kasi yan....

_____
June 13, 2015
First semester enrollment

Naglalakad ako papunta sa University na papasukan ko ngayong college, gusto sana akong samahan magpaenroll ng nanay ko pero sinabi kong wag na para hindi na siya mapagod at para narin maexercise ang aking pagiging independent human being. Pero hindi nawawala ang takot kasi bes perstaym ko lang makapasok sa University na to. Pero I believe, I strongly believe that I can activate my Google Map Skills.

My Kind of Coffee (On-going)Histórias para pegar e não largar. Descubra agora