Ang tanging mali ko. Hindi ko chineck yung phonebook niya.
Wala akong kaalam-alam, yun na pala ang una't huling beses na mahahawakan ko yung phone niya.
==================
6 months na kami. Parang kelan lang. :) Nakakatuwa kasi ito yung unang serious relationship ko. Hindi ko inakalang aabot kami sa kalahating taon. Yung iba ko kasing kakilala, hindi umaabot sa stage na ito. Kaya naman sobrang saya ko. :)
Swerte raw ako dahil sa kaniya. Swerte nga ba? Hahaha. :D Tingin ko naman oo. Kasi gentleman yun. Bihira na lang yung ganung tao ngayon. :D Sobrang bait din niya. Sweet at caring pa. :) Minsan sa sobrang ka-sweetan nun, nakokornihan na ako. At minsan masyadong pinapakita yung pagiging sweet niya. Nakakairitang ewan. Hahahaha :D
"Baby, birthday ni Aya sa March 9." sabi ni Allein.
"Ah talaga? Magkalapit lang pala kayo ng birthday?"
"Di ba nabanggit sayo ni Aly nung nagpunta ka samin?" tanong niya. Dalawang beses na nga pala ako nakapunta sa kanila. Dahil dun, naging close kami nung second sister niya, si Aly.
"Hindi eh. Kahit naman ikaw di mo nabanggit sakin, ngayon lang."
"Sorry naman. Punta kayo nila Rose Anne ha, sa 18. Celebration namin ni Aya." imbita niya.
18? Linggo yun aa. Tss. Hirap pa naman ako magpaalam pag-Linggo! Talaga naman tong lalakeng to! Gggrrrr.
"Ah, sige, tingnan ko. Sasabihan ko si Rose Anne." Pano kaya ako papayagan nila mama nito? Bakit ba kasi Linggo yung celebration ng magkapatid na ito?
Oo, hindi kami legal ni Allein sa side ko. Bawal pa kasi. Alam niyo naman ang typical na scene kapag ikaw yung babae. Kaya walang ibang nakakaalam ng tungkol samin kundi mga friends ko lang sa school. Pero naintindihan naman daw niya. Syempre babae raw ako eh. At maghihintay daw siya.
Sweet no? Understanding pa. :)
Dumating yung araw ng birthday celebration nila ni Aya. Sumama naman sakin si Rose Anne. Siya pa nga bumili ng gift namin para kay Aya eh. Isa notebook yung binili niya, parang diary. Cute nga eh. Hehe
Pagdating namin kina Allein, nagulat ako kasi pareho pa kaming naka-pink. Haha. Favorite color niya ata yun eh. Ewan ko. Haha
Pinakilala ako ng mama niya sa lola niya at sa ilan pa nilang kamag-anak. And take note, pati sa teacher niya nung elementary, pinakilala rin ako. Anu kaya yun? Haha. Nakakatawa lang isipin. :D
Nagkkwentuhan lang kami habang kumakain. Kung anu-ano lang pinag-uusapan. Syempre itong si Allein.Naghanap ng regalo ko sa kaniya. Sus. Ang tanda na niya para regaluhan pa. Naibigay na rin pala ni Rose Anne kay Aya yung regalo namin.
Hapon na rin nung umuwi kami. Ang saya lang. Pag-uwi ko sa bahay, wala naman silang tinanong sakin kung saan ako nagpunta. Hehe. Buti na lang. :)
==================
Malapit na talaga matapos ang school year. 3rd year na talaga kami. :)
Isa na sa mga "ate" at "kuya" sa school. Parang dati lang, kami ang tumatawag ng ate at kuya sa mga upper batch. Hehehe. Isang linggo na lang at bakasyon na! Ay, saglit lang pala ang bakasyon ko.
May ANI kasi eh. Ito yung summer program for incoming 3rd year and 4th year students ng Pathways. Advance lessons in Math (Geometry and Algebra), Science (Chemistry and Physics) at English (dalawang english per year level, Grammar at Literature). Maghapon pa naman to, nakakabored. Summer na summer eh mag-aaral pa rin? Tssss.
BINABASA MO ANG
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...
Chapter 14 - Unexpected
Magsimula sa umpisa
