Flashback~~ Last Week Ago
"I want to breathe, I hate this night
I want to wake up, I hate this dream
I’m trapped inside of myself and I’m dead
Don’t wanna be lonely
Just wanna be yours"
Dahan-dahan kong tinitigan ang babaeng kumakanta sa harap ko, di ko maiwasan na hindi mag ka gusto sa kanya. Kaso nga lang di ko alam kong papayag siyang ligawan ko.
"Mikee psst, HAHA nabighani ka na naman sakin kanina pa kita tinatawag, sabayan mo naman ako dito"
Di ako makasagot kasi alam kong pagtatawanan niya lang ako. Ano ba kasi nasa isip ko bakit kanina ko pa siya tinitingnan. Pareho kaming tumutugtog ang pinagka iba nga lang kasali ako sa isang banda pero siya simpleng babae at estudyante.Sa Zander Academy siya nag aaral at ako naman sa Magnificant University.
"Mikee Sky? ayaw mo talaga akong sabayan? nakakatampo ka?" di ko alam kong ano ang magiging reaction ko ng bigla siyang mag pout sa harap ko.
" Tch." napa smirk ako ng di oras, ano ba kasi nasa isip ng babaeng to, baka di ko mapigilan at halikan ko siya diyan.
"Alam mo mas mabuti umuwi na tayo malapit na din dumilim, ano tara na?" saka tumingala at mukhang uulan nga.
Di ko maiwasan di mapangiti habang nililigpit niya ang mga gamit niya, ewan sguro masaya lang ako, kahit maraming lalaking umaaligid kay Dem ako pa din yung lalaking sinasamahan niya.
"Lets go?" masigla niyang sabi sakin, saka ko siya inakbayan at nginitian.
"Ako na mag dadala ng guitara mo."
Habang paalis kami ng park di ko maiwasan mag isip kong may mangliligaw na siya, pero wala akong lakas na loob baka ngayon pa lang busted na ako. Yung mga tao naman nadadaanan namin napapangiti na lang dahil habang nag lalakad kami palagi ni kinukurot ang ilong ko saka niya ako babatokan, siguro na iisip nila na mag on kami ni Demy.
Sweet couple kumbaga.
Di ako ganito sa ibang babae di ko sila kinakausap o di kaya cold ako kung makitungo. Sikat? Hinahabol ng karamihan? Wala ako pakialam kasi pareho lang naman kami studyante. Di rin naman sa nag mamayabang yung tipong mga babae na ang nanliligaw sakin, kaya siguro nagustuhan ko si Demy kasi wala siyang katulad. Mayaman din sila tulad ko pero alam namin pano mag tipid kasi di naman kami ang mayaman kundi ang magulang namin.
"Alam mo Sky? swerte ang magiging girlfriend kapag nagkataon, db?" saka siya tumigil sa paglalakad, kaya napatigil na din ako.
"Ano ibig mong sabihin? Syempre swerte talaga yung babaeng mamahalin ko, mabait, talented at walang katulad, at ikaw yun" di ko masyadong nilalakasan yung huling part, at sinumulan kong maglakad na nakapamulsa.
Manhid talaga tong babaeng to halata naman na siya ang gusto ko.
"Di ko narinig yung huling part, sino yung babae? Hoy sky!" di ko parin siya pinapansin, manhid talaga. "Kapag di mo sinabi sakin magkalimutan na tayo." Malapit na kami sa bahay nila, hinayaan ko lang siya kong ano gusto niyang gawim pero di ko talaga sasabihin yung huling part na sinabi ko.
Nilingon ko siya habang naka kunot noo pa siyang nakatingin sakin. "Malapit na tayo sa bahay niyo, saka malalaman mo din balang araw kong sino man yung babaeng mamahalin ko."
"Madaya ka, siguro balang araw makikilala ko din siya, ingat ka sa pag uwi Sky" inabot ko sa kanya yung guitara saka niya naman ako binatokan. "Kapag nalaman ko kung sino yung babae yung mag paparty ako." dagdag niya saka siya pumasok. Balang araw ma re-realize mong ikaw yung babaeng mamahalin ko, kaso nga lang manhid ka.
Tiningnan ko lang siya habang papasok na siya sa bahay nila, masaya ako na nakilala ko si demy, binago niya ang pagka-tao ko. Mahal kita Demy Shin Lee, bulong ko sa sarili ko. Sana naman ngayon araw na to ma realize mo na ikaw yung babaeng pinapangarap ng karamihan.
Siguro oras na din para ako naman ang maging masaya. Tiningnan ko kong anong oras na mag si-6:30 na pala.
Ang bilis ng oras parang kanina lang nag lalakad kami papunta sa kanila, tapos ngayong gabi na yung mga star sa langit dumadami na din, sana kong gaano kabilis ang oras ganun din kabilis na marealize niya kung ano siya sa buhay ko.
Ano bang nangyayari sakin di naman ako ganito, yung Mikee na mukhang badass tch.
-- poooop-
Message:
Demy Bantot
Sky ko, yung panyo ko na sayo pala, ingatan mo yan, kapag di mo iningatan yan lagot ka sakin, Haha kumain ka sa tamang oras kapag nag kita tayo isa uli mo J'taime .
J'taime? kung ano ano na lang sinasabi ng babaeng to, di ko pala nasa uli yung panyo tch. bukas na lang. Gusto ko muna mag pahinga.
-pooop-
Message:
Demy Bantot
Wag munang basahin yung huling part Haha ingat ka Sky ko.
Tch. Wag ko basahin di ko nga alam ano ibig sabihin niyan.
Hindi ko na mo na initinda kong ano gagawin ko para bukas ang gusto ngayon ay makauwi at makatulog masyado akong pagod, pati feelings ko pagod na din.
END OF FLASBACK
YOU ARE READING
The Stars
FanfictionYour happiness makes you smile, and breaks your heart at same time, But you're glad that you're happy but deep inside you're just a little sad. Cause you're not the one who makes her happy anymore. Alright recieve 2016
