Limang buwan na ang nakakalipas simula nang makilala niya si Jho. Naging magkaibigan naman agad ang dalawang ito at naging malapit sa isa't isa. Madalas ay magkakasama silang apat nina Camille at Kenneth, namamasyal sila sa Tagaytay, sa Batangas, sa Baguio, sa Davao at kung saan saan pa kapag pare-pareho silang libre.

Mas nakilala niya si Jho nang lubusan, minsan ay silang dalawa lamang ang lumalabas. May mga pagkakataon na sobrang daldal nito at mahilig magkwento ng kung ano-ano sakanya ngunit may pagkakataon naman na tila may iniiwasan itong topic na ayaw niyang pag-usapan.

Naalala niya ang pag-uusap nila kagabi. Tumawag kasi ito sakanya kahapon para magpatulong sa paghahakot ng gamit, mula sa apartment lumipat na kasi ito sa condo malapit sa kinatatayuan ng condo niya. Habang nag-aayos sila ng mga gamit nito ay di niya naiwasang magtanong.

"Jho, nagka-boyfriend ka na ba?" Medyo nahihiya niyang tanong dito. Nakatalikod ito sakanya dahil ito ay naghahanay ng mga libro sa shelf ng condo nito, habang siya naman ay inaayos ang sofa na katapat lamang ng shelf.

"Ah. Oo." Tipid na sagot nito.

"Ngayon ba may boyfriend ka?"

"Uhm. Wala." Halata ang pagka-ilang boses nito. Kaya minabuti na lamang niya na manahimik kaysa magtanong ulit dito. Halata kasing hindi ito kumportable sa pagtatanong niya.

Simula nang magkakilala sila ni Jho ay hindi na ito naalis sa isip niya. Lagi na lamang niyang mahuhuli ang sarili na nakangiti kapag kausap niya ito sa text o sa tawag. Lagi niya itong naiisip bago matulog at pagkagising sa umaga, kahit sa trabaho ay naiisip niya rin ito. Tila nalimutan na niya ang sakit na naramdaman niya nang mawala ang dating pag-ibig. Simula nang maghiwalay sila ng dating kasintahan ay natakot na siyang magmahal ulit dahil niloko lang siya nito kahit pa limang taon na ang napagsamahan nila.

Ngunit ngayon ay masaya siya dahil sa nararamdaman niya para kay Jho. "I like her." Napapikit ulit siya at ipinatong ang kaliwang braso sa mga mata. Ilang segundo rin siya sa ganoong pwesto, pagkaraan ay bumangon na ito. "Let's do this."

//

"Uhm.. Jho... Ano.. eh...eh... may sasabihin sana ako sayo eh." Nahihiyang sambit sa kanya ni Bea. Tinawagan siya nito kanina at niyaya na magpicnic sa tabi ng dagat na madalas na pinupuntahan nilang apat nina Camille at Kenneth. Pumayag siya dahil wala rin naman siyang ginagawa dahil natapos na niya ang pag-aayos ng condo niya sa tulong na rin ni Bea.

Simula nang makilala niya ito ay naging malapit na sila sa isa't isa. Masaya siya dahil madalas siyang napapatawa nito at lagi itong nandiyan kapag kailangan niya ng tulong. Naging kumportable na rin siya dito kahit na babae ito. Kahit sa maikling panahon na nagkakilala sila ni Bea ay di niya mapigilang magustuhan ito, ngunit hindi ito madali para sa kanya kahit pa nagpapakita ng interes sa kanya ang dalaga.

"Ano ba iyon, Bei? At nauutal ka diyan." Natatawang tanong niya rito. Nakaupo sila pareho sa nilatag nilang kumot sa buhanginan, kasama ng mga pagkaing baon nila. Nasa ilalim rin sila ng puno kaya malilom at hindi mainit.

"Jho naman eh, kinakabahan na nga kasi ako, tinatawanan mo pa ako." Kunwaring nagtatampong sagot ni Bea sa kanya.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo at kinakabahan ka pa diyan?" lalo siyang natawa sa pagddrama nito ngunit napatigil din nang mapansin niyang seryoso itong nakatitig sakanya. "Ano ba yun? Sabihin mo na." pag-uulit niya na ngayon ay seryoso na rin.

Tumungo ito saglit na parang iniisip kung itutuloy ba ang sasabihin o hindi, pagdaka'y bumuntong hininga ito at inangat ulit ang tingin sakaniya.

"Gusto kitang ligawan." Mahina ngunit diretsong sabi ni Bea sakanya.

FRIDAYS (JhoBea)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora