WHO IS NEXT WIN

0 0 0
                                    

Eto yung simula nang pagiging Team Aces ko, nanunuod kame sa MNET ng bestfriend ko, syempre isa akong dakilang YG stan dati kaya support. Haha tas nagpaunahan kame ng pagpili ng Team, syempre pinapanuod muna namin performances nila Team B talaga gusto ko kaso naunahan ako ng bestfriend ko syempre no choice (sorry mah babies T.T)  ayun nga syempre dahil isa akong loyal nag-stick ako sa Team A. Oo magaling Team B lalo na sa sayaw tas kanta all in one na almost perfect. Pero habang tumatagal nakikita ko hardtimes ng Team A, lagi silang talo. Yung pagka stress nila, yung pagiging hard working nila na, nakita ko yung gustong gusto nilang manalo, kahit lagi silang talo fight fight lang walang susuko kahit mahirap, dun ko narealize na hindi ko pala gusto yung sobrang perfect, gusto kong makita na mag-grow sila as WINNER, parang BIGBANG flop sila nung debut nila hanggang nag-grow sila ng BOOM! AS IN BOOM TALAGA! Narealize ko hindi sila perfect na iba sila. May something sa kanila na magugustuhan mo sila to the point na mamahalin mo sila ng sobra sobra. Tapos nung nanalo sila humagulgol talaga ako nun, yung hardwork nila nagbunga na. Mula sa babang baba hanggang sa taas na. Parang roller coaster. Mahal na mahal ko talaga WINNER, oo OA pero yan talaga nararamdaman ko.

Diary Ng Isang Inner CircleWhere stories live. Discover now