Hi, Hello.

21 5 0
                                    

Sabi ko HI, sabi mo HELLO.

Nagsimula tayo sa basic tas ginamitan kita ng petiks.

Nagstart tayo sa friend, kaya nagulat ka nung sinabi kong "ATE! PWEDE BA KITANG MAGING GIRLFRIEND?"

Napaamang ka syempre, pero atleast di nako torpe.

Di ko alam kung ano ginamit mo, pero shet lang baliw na baliw ako sayo.

Akala ko ba-busted-in mona ko, pero kaylaki ng ngiti ko nung niyakap moko't sumigaw ka ng OO!

Hays. Kung panaginip lang to sana wag nakong magising, dahil pangarap ko to at para kong matsing na naghahabol sa saging.

Panaginip lang ba? Kinurot ko ng matindi ang aking braso, awts nasaktan talaga ko!

Totoo! totoong-totoo, kami na talaga ng pangarap ko!

Grabe di ako makapaniwala, kaya hanggang ngayon ako'y tulala.

Hindi ko alam kung gaano nanlaki ang nata ko nang bigla niyang halikan ang labi ko (⊙o⊙)

Totoong nangyayari talaga!

Labinlimang segundo magkalapat ang aming mga labi, hindi ako nagalit bagkus ako'y napangiti.

Sa dinami-rami ng nahalikan kong babae, ang labi niya ang bumihag sakin ng matindi.

Dapat isa lamang tong simpleng tula, pero pakshet lang ako'y nadadala.

ILOVEYOU, tatlong salitang iaalay ko para lang sayo.

Hindi importante kung diko yan sabihin, dahil sa kilos ko palang pwede mo nang namnamin.

Di mo na ko kelangan bigyan ng mamahaling regalo, dahil yakap at halik mo pa lamang ay kuntento na ako.

Gusto kong malaman mo, na mahal na mahal ka ng gagong to.

Magkahawak ang ating kamay habang sabay nating tinititigan ang bukang liwayway.

Napatingin ako sayong maamong mukha, teka lang ika'y may kamukha, ngunit diko mawari kung sino, pero kamukhang kamukha mo ang nanay ng mga magiging anak ko.

Alam mo ba yon salitang mahal kita? Dalawang salita pero napakahalaga.

Diba sabi sa kanta "PANGARAP LANG KITA" ang swerte ko nga e dahil abot na abot na kita.

Siguro ang kantang yon ay di para sakin, dahil nakamit kona ang tangi kong mithiin.

Mahal kita, mahal kita, mahal na mahal kita o aking sinta.

Alam mo ba yon kantang "MASAYA KO SAYO" ? Yon naman ang kantang alay ko para sayo.

Puro nalang ako dahilan, pero sana iyong maintindihan, ayaw lamang kita masaktan, baka kasi pag sinabi ko malaman mo ang tunay kong kalagayan.

Mukhang mahaba na tong tulang aking ginawa, pero ito'y karampot lamang ng aking nadarama.

Ilang ulit kona tong sinabi pero sana wag kang marindi.

"Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola" yun ang sabi sa kanta.

Giliw, ang iyong puso'y akin nang aangkinin dahil alam kong iyan ay nakalaan para sa akin.

Hi, Hello.Where stories live. Discover now