"Mahal na reyna, paumanhin po ngunit may isang liham na dumating at ipinapabigay po sa inyo.."
Inabot at binuklat ko ang papelia upang basahin, nang lumiwanag ito. Isang tanda na nagmula ang sulat na ito sa katas-taasang reyna ng karagatan. Sinimulan ko nang basahin ang nakasulat at ng papatapos na ay di ko namalayang tumulo ang kulay asul kung luha.
"Aquarius paki tawag ang aking anak sa kaniyang silid sapagkat may mahalaga akong sasabihin sa kanya.."
"Masusunod mahal na reyna. (sabay langoy)"
Ito na yata siguro ang pinakamalungkot na araw ng aking anak sapagkat kinakailangan na niyang lisanin ang mundo ng Oceania kung saan siyang sirena ay nabibilang.
"Inang reyna.....pinapatawag niyo daw po ako at may mahalaga raw kayong sasambitin sa akin."
Dalidali kong pinahiran ang papabagsak kong luha. At napalingon sa kanya... "Anak,.... Morgan andito kana pala... Halika at maupo ka muna sa kabebe.." Lumangoy ako papalapit sa kanya at naupo sa kaharap ng kinauupuan niya."Anak...teka pano ko ba to sisimulan.. (mahinang sambit)"
"Ina may problema ba?""Anak kakarating lang ng isang liham galing kay Reyna Arriana... At katulad ng isang nakaugalian nating mga sirena ay, ang anak ng Reyna ng napiling kaharian ay irerepresenta ang kanilang unang anak na babae sa isang pagsubok sa mundo ng mga tao bago sila maglabing walo, upang maging ganap na reyna pagbalik nila dito sa ating mundo. At ikaw Morgan ang magrerepresenta ng ating kaharian... Ang Oceania."
Katulad ng aking anak ay tumulo narin ang aking luha...
"Ina patawad sapagkat hindi pa po ako handa para sa ganyang pagsubok... Ni hindi ko pa nga po maunawaan ng lubos ang kanilang wika roon." umiyak nyang sambit.Tumayo ako at lumangoy papalapit sa kanya at pinunasan ang tumutulo niyang luha sabay hawak sa kamay niya...
"Anak alam kong kaya mo to. At nararamdaman kong handa kana para harapin ang mga ito. Kaya maghanda ka at iksaktong 12:00 mamayang gabi ay nakatakda kanang umalis.."Napahagol-gol siya na yumakap sa akin.
"Ina maaari bang bukas na lamang ako umalis dahil nais ko pa kayong makapiling ng isang gabi?.."
"Anak... Morgan paumanhin pero wala akong magagawa ukol riyan sapagkat iyan ang nakatakdang oras ng pag-alis mo na isinulat ng reyna Arriana sa papelia."
"Kung gayon ay maaari bang ang nalalabing kalahati ng aking oras ay ilaan ko na lamang sa ating pagsasama?""Oo ba anak.. Sandali lamang at uutusan ko si Aquarius../// Aquarius! Halika muna rito at may ipag-uutos ako sa inyo... Magsama ka ng isang Sireana (Katulong) na tutulong saiyo sa pagligpit ng gamit ng aking anak."
"Masusunod mahal na reyna."
Pag-alis ni Aquarius ay nabaling uli ako sa aking anak... "Morgan...anak hayaan mong basbasan kita bago la umalis..... 'Sa kangyarihan ng tubig ay binabasbasan kita na ipairal ang bait... Ngunit bigyan rin ng lakas katulad ng alon kung magalit sa mga taong mananakit!' (umaalon ang tubig na tila ba naglilindol)
