Pagkapasok ko sa kinauupuan ko kanina, andun na siya, nakapatong ang kanyang paa sa mesa namin. Feel at home din kasi si Stephen tuwing pumupunta sa bahay. Umupo ako sa tabi niya.

“Bakit? Yung ibang barkada? Hindi mo ba kayang sumabay sakanila?”

“Nakakasabay din pero gusto ko lang talagang mag-absent ngayon. Tsaka teka lang, bakit ka ba nagabsent?" Natagalan ako ng ilang segundo bago nakapagsagot. Hindi ko kasi alam kung ano yung isasagot ko. Ayoko naman kasing sabihin sakanya na nagabsent ako kdahil trip-trip ko lang. Parang hindi naman justifiable yun.

"Uhmm.. Medyo sumama kasi yung pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok. Tsaka sabi ko, bukas nalang ako papasok kasi magpapahinga pa 'ko ngayong hapon. Pero dahil dumating ka, naistorbo mo yung pagpapahinga ko kaya... Maraming salamat"

"Grabe naman 'to kung makapagsalita. Edi aalis nalang ako." Akma sana siyang aalis kaso pinigilan ko siya. Natawa nalang ako sakanya

"Eto naman, parang hindi mabiro. Pero teka, bakit ako yung pinuntahan mo? Pano si Alisa? Di ba absent din siya?" 

"Pupuntahan ko sana siya kaso nga lang, hindi ko macontact kaya ikaw nalang yung pinuntahan ko." At nangilay pa siya sakin

"Edi sana pinuntahan mo nalang sa bahay nila. Eto naman!"

"Eh hindi ko naman alam kung san bahay nila. Bakit ba gustong-gusto mo kong pumunta kay Alisa? Pinagtatabuyan mo na ba 'ko? Hindi mo na ba 'ko mahal?" Tila yatang nagmamakaawa pa ang mukha niya.

"Hay naku. Huwag kang magdrama sa harapan ko."

"Bakit? may-iba ka na bang mahal? Sino? May boyfriend ka na ba? Ay! Nakalimutan ko, wala ka pa palang boyfriend kaya ako pa din ang mahal mo." At nagpacute pa sa harapan ko.

"Grabe. Ang feeler mo ha. Tsaka hindi kagaya mo, hindi ko naman priority ang pagboboyfriend. Studies ang priority ko ngayon. Wala nang iba. Tsaka ikaw kasi paiba-iba ka ng babae araw-araw. Kung san maganda dun ka. Kung san may magadang katawan ay naku siguradong dun na dun ka talaga. Nauna pa ang mukha kesa pagkilala sa tao. Itigil mo nga yan."

"Uy! Uy! Hindi ako ganyan 'no! Bitter ka lang kasi walang nagkakaroon ng lakas na ligawan ka. Hahahaha"

"Eh wala naman kasi akong pakialam kahit walang nanliligaw sakin. At kung meron man, siguradong basted agad."

"Grabe napakaarte mo talaga pagdating sa lalake."

"Siyempre, kailangan talaga maging maarte ako sa pagpili ng lalake. Baka yun na kasi ang makakasama ko sa buhay. Kung agad-agad kong sasagutin ang isang lalaki na hindi ko pa lubusang nakilala, bawat araw sa relasyon namin , dun nalang lalabas ang totoong siya na hindi ko pa nakilala habang nanliligaw siya sakin. Mas mabuting pahirapan ko muna ang isang lalake para malaman ko kung saan ang kaya niya!"

Natahimik lang siya sakin at agad nagpalakpak sa harapan ko. "Grabe, Ang galing! Pwede na nating pangalan yan na, "Nica's word of wisdom" Nagroll nalang ako ng eyes at agad namang tumawa sakanya.

Wala kaming masyadong ginawa sa bahay. Kumain lang kami ng dala niyang pagkain. Madami yung dinala niang pagkain kaya natagalan kaming ubusin. Naglaro din kami ng video games, talo lang kami ng talo habang naglalaro. Nakakatawa at napakasaya talaga ng araw nito.

Kinaumagahan, pumasok na ako kasi panay text ng text ‘tong si Aubrey na kailangan ko na daw pumasok kasi may sasabihin daw yung barkada. Pagkadating ko sa classroom, sinalubong nila ako. Akala ko kung ano yung sasabihin nila, tungkol pala si Christmas Party namin. Napag-usapan daw ng barkada habang wala ako na nitong linggo na namin ididiriwang yung party.

Pero may karagdagang sasabihin pa daw ‘tong si Aubrey sakin. Sabi niya, badtrip daw siya kahapon habang wala ako kasi gustong isama ni Stephen si Alisa. Hindi din kasi feel ni Aubrey si Alisa. Nalaman niya daw na sumama ang pakiramdam ko kahapon kaya akala niya hindi na 'ko makakasama. At sana magdedesisyon din siya na hindi din siya sasama. Ayaw niya daw pagtiisan ang buong araw na si Alisa ang kaharap. Ako naman tawa lang ng tawa sakanya.

I Will Never Leave You [On-Hold]Where stories live. Discover now