Walang iba ba?

52 0 1
                                        

Walang iba ba?
Paano ko nga ba sisimulan ang isang kwentong tapos na?
taon na pinagsamahan, tinapos sa salitang "ayuko na"
Ayaw mo na kase may iba kana pala
Di mo man lang ako hiniwalayan muna bago ka maghanap ng iba.

Pinaikot mo ko sa mga salitang "Ikaw lang walang iba"
Tanong ko lang Ilan ba kameng walang iba?
Kinulong mo ko sa mundong tayong dalawa lang, pinaniwala sa pagmamahal mong akin lang.

Akin lang ba tlga? O samin na?
Pinaniwala mo ko sa mga pagsiklop ng kamay mo sa kamay ko,
Pinaniwala mo ko sa mga mahahabang mensahe mo,
Pinaniwala mo ko sa mga pagseselos mo na ang kahulugan ay "gusto ko akin ka lang"
Pinaniwala mo ko sa effort mo kuno
Ang mali lang naniwala ako,
At habang pinapaniwala mo ko kinikilig pa ko.
At habang kinikilig ako? Ay mali kami pala madami nga pala kameng "ikaw lang Walang iba"

Paano mo naatim na, isabay ako sa kanya o kanila? Ganun lang ba ang halaga ko sayo? Ang maging level nila.
O baka tlgang nawala na yung pagmamahal mo saken?
Pero diba hindi namn mawalala yun kung di ka tumingin sa iba?
O baka sadyang di mo lang tlga ko minahal, kase kung Mahal mo ko. Sapat na ko sayo kontento kana saken.

Pero wala, tapos na. Pinili mo sya
At ako? Iniwan mo na lang basta basta
Kasama yung mga pangarap na binuo nateng dalawa
Kasama yung mga pangako mong napako na
Iniwan mo kong nag iisa kasama yung mga alaala nating dalawa.
At habang akoy durog na durog? Ikaw namn sobrang saya na sa piling nya

Nagpaalam kana saken. Tinapos mo na
TANGA nga siguro ako, kase isa lang ang sinabi ko nung nagpaalam ka
"Mahal aantayin kita, balik ka ha pag di kana masaya sa kanya"
Pero hindi kana bumalik, masaya kana nga siguro sa knya.

Walang permanente mundo  ikanga nila
Parang relasyon naten na nagtapos na,
At etong mga sakit na nararamdaman ko? Mula sayo? Matatapos din to! Mawawala din to, magiging masaya din ako
At pag dumating yung panahon na Ok na ko? Tandaan mo babaliktad ang sitwasyon nating dalawa! Ako naman!
Oo ako namn ang magiging masaya! At ikaw namn ang magdudusa!
At sisiguraduhin ko na ang magpapahirap sayo! Ay yung mga ngiti kong totoo!
At sa kabila ng pagiging masaya ko? Sasabihin mo sa sarili mo " Hindi na ako yung rason ng pagiging masaya nya"
Darating din yun! Makakababa din ako sa ereng pinag iwanan mo!
Naniniwlaa ako :) magigising masaya din ako.
Isasarado ko na yung libro na naglalaman ng kwentong tinuldukan mo na.
Mahal paalam na sa kwentong tapos na.

Spoken WordsWhere stories live. Discover now