Chapter 1

29 1 0
                                    



"HERA!!!" rinig kong sigaw nanaman ni  mama mula sa ibaba,agad naman akong kumaripas ng takbo.

"Yes,ma?" tanong ko.

"Pupunta ako ng Palawan ngayon at ikaw lang ang maiiwan dito.Siguro naman alam mo na kung anong mga gagawin mo.Malaki ka na Hera." Mama.

"Ah-eh ma,kung isama mo nalang kaya ako?" pag sama ko kay mama.

Lagi nalang kasi akong iniiwan ni mama mag isa tuwing may pupuntahan sila nung boyfriend niya...Yes,boyfriend niya.7 years na kasi simula nung nag hiwalay sila ni papa.Si papa naman,nasa states kasama yung bago niyang pamilya pero kasama din nila yung panganay kong kapatid na si Hiro Avou.Yeah,Hiro hindi kasi ako sanay na tawagin siyang kuya....Walang araw na di ko iniisip kung bakit si Hiro ang sinama ni papa,hindi naman sa ayaw kong si mama ang kasama ko ngayon pero napapaisip parin ako bat di ako naisipan ni papa na ako ang isama niya sa states....hays ewan ko ba.....o'sya tama na muna to haha.

"Hindi pwede,tsaka may pasok ka." Pag tanggi ni mama.

"Eh ma,pwede naman ako mag excuse e.Please?" Pangungulit ko.

"No Hera" mama

"Please?" Pilit ko.

"Wag ka ngang makulit,di ka na bata para laging nakabuntot sakin.Maiiwan ka at mag aaral ka and that's final!" Mama.

Hindi nalang ako umimik,umakyat nalang uli ako sa kwarto ko.Wala naman na kasi akong magagawa.Wala naman kasing sinasabi si mama na hindi ko sinusunod...So yun,MAIIWAN AT MAG AARAL AKO.Hays.

Oh Pag-Ibig Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ