Sa susunod na week na kami lilipad patungong Pilipinas. Na-move ang flight naming nang mas maaga. Na-miss ko din doon. I missed everything there. Mapamabuti o masama man na alaala. Memories padin 'yon.

Andami ko nang napagdaanan. Marami nang nagbago. Marami nang nawala. Marami nang dumating. Marami nang napalitan, pero heto parin ako, mahina parin.

I'm still not the kind of person who's fully recovered. I recovered, a bit. I leveled up, but not to the point that I don't feel pain when I see them together. I admit. It still hurts.

Oo, alam nila na matatag ako. Pinapakita ko sakanila na matapang ako, kahit na hindi ko na kaya. Go lang. Fight lang. Ganyan naman ang buhay, eh. Dapat habang buhay ka, laban lang.

'Yung dalawang matanda na kasama namin dito, magulang 'yon ni Jaeo. Nagka-utang kami nang malaking pera sa kanila. At hindi namin kayang bayaran 'yon. Hindi naman kami nalugi, pero hindi namin kaya ang ganoong halaga.

Kaya bilang kapalit, kailangan nila akong ipakasal sa panganay nila. Dalawa silang magkapatid. Hindi ko pa nakikita ang kapatid niya. Pero sabi naman ng mama ni Jaeo, sa engagement party namin ay kumpleto sila.

May masama akong kutob.. Ewan ko kung ano 'yon, pero masama talaga ang pakiramdam ko sa bunso niyang kapatid. Parang tuwing binabanggit ito sa akin, bumibilis ang tibok ng puso ko.

Earone ang pangalan niya. Hindi naman siya familiar. Ang sabi sa akin ay half brother lang niya 'yun. Iba ang nanay ni Earone sa mama ni Jaeo. Kaya iba ang apelyido nito sa kanila, dahil sa apelyido ng mommy niya ang sinunod sakanya. Hindi nila nabanggit ang apelyido nito, pero ang apelyido nina Jaeo ay Clifford.

Lumabas na ako ng banyo at nagpalit ng damit. Kakatapos ko lang mag-hilamos. Nakasuot ako ng pajama at, long sleeves, dahil malamig.

Siguradong aalis kami mamaya. Mayroon kasing bagong bukas na boutique ng sapatos. Kaya titignan namin kung magaganda.

Lumabas na ako. Nasa hapag na silang lahat kasama ang mga magulang ni Jaeo. Hindi pa sila kumakain. Hinihintay ba nila ako?

Mukhang may paguusapan kami, ah? Ano kaya yon?

Nakaupo na ako ngayon katabi si Jaeo sa hapag-kainan. Wala pa rin gumagalaw sa amin kaya binasag ko nalang ang katahimikan nang kumuha ako ng pagkain.

Gumalaw na din sila at kumuha na din sila ng pagkain. Ang weird naman nila. Mukhang may gusto silang sabihin, na ayaw masabi.

"Aray!" sigaw ni Jaeo. Kinurot ko kase ang tagiliran niya.

Pati siya hindi ako kinikibo, eh. Napa- tingin naman sa gawi namin ang daddy ni Jaeo.

"Hmm.. Clare? May gusto sana akong hingin na favor sa'yo. Sana pumayag ka ha, hija?" Pinunasan naman niya ang labi niya gamit ang tissue.

"Ah.. What is it po ba, tito? Kung kaya ko naman po, okay lang." Sabi ko habang kumukuha nang pan.

"Ah.. eh.. Hija, napag-usapan namin nang tita mo na kailangan niya nang umuwi ng Pilipinas." nabigla ako. 'Diba next week palang 'yon?

"But tita, tito... Bakit ang bilis naman po? May nangyari po ba sa Pinas na hindi ko alam?" tanong ko.

"Ay! Wala naman, hija. Gusto lang sana namin agad maka-uwi kayo sa Pinas, para maayos na ma-organize ang engagement party niyo. Tsaka kailangan niyo din tapusin ang last semester niyo doon." oo nga pala. Hindi kami nakakapag-aral dito, dahil naging busy kami.

"Tita pag-iisipan ko muna po. Excuse me po." sabi ko at tumayo na ako sa hapag.

Napatingin naman si Jaeo sakin. Hindi ko nalang siya pinansin at dumeretso na sa kwarto. Narinig ko naman ang mga yapak papalapit sa akin. I knew it. Sumunod si Jaeo. Alam niya kasi na nabigla ako sa favor ng Dad niya. Kasi naman eh! Ba't ang bilis?

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Where stories live. Discover now