Nung bata pa ako, pagtungtong ko ng pre-school sa bago kong paaralan, naalala ko kung gaano ako ka pala-iyak kapag ako'y nakapasok sa'king silid-aralan. Kasi ang layo-layo sa amin at tsaka ang ini-isip ko noon ay baka iwanan lang ako ni mama dahil ayaw na niya sa'kin. Nakakatawa mang isipin pero ganun talaga ako mag-isip ng mga bagay-bagay. Nang di lumaon, ako'y unti-unting nasisiyahan dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan na aking nakakasalamuha araw-araw. At sa kasalukuyan, isa na akong highschool learner, ang daming mga ala-ala ang nabuo sa loob ng labing-dalawang taon, kung makakapag-salita lamang ang mga pader, upuan, mesa, at pisara, kaya siguro nilang ma-i-sasalaysay ang mga kaganapan na nangyayari sa loob ng aking paaralan. Mula sa guro na naging magulang ko hanggang sa aking mga kaklase na naging kapatid ko na, mami-miss ko talaga sila.
Araw-araw kong sinasabi na ang bilis talaga ng panahon. Hindi ko na namamalayang malayo-layo na'rin pala ang aking nilakbay patungo sa'king mga pangarap, ngunit sa mundo ng realidad ako'y nagsisimula pa lamang. Noon, sa apat na sulok ng silid ako'y umiiyak at hindi mapakali dahil gusto ko ng maka-alis sa Mandaue Christian School at ngayon ako ay iiyak sapagkat ayoko nang umalis sa'king paaralan, paaralan na naging tahanan ko na'rin. At ako'y nagpapasalamat ng lubusan sa Maykapal sapagkat sila ay ibinigay sa'kin at ginanap ang isang napaka-importanteng papel sa buhay ko, at 'yun ay isang kapamilya, kapamilya na hindi nababatay sa dugo, kundi nababatay sa nilalaman ng puso.
