BrokenStrings --- Chapter 3

Start from the beginning
                                        

Pagpasok mo palang, makikita mo yung mga pictures na puro stuff toy. Lahat ng stuff toy ko. Sila Niggle, Tiggle, Ziggle, Liggle, Quiggle, Yiggle, Viggle, Giggle, Wiggle, Figgle, Riggle, Diggle,  Piggle, Siggle at ang pinakamalaki sa lahat si Higgle. Natatawa talaga ako kasi puro may ‘iggle’ ang mga pangalan nila. Pero totoo, yun yung mga pinangalan ko sa kanila. May nakalagay na note, “My best friend’s imaginary talkative friends. HAHA!”

Alam kasi ni Ken kapag namimiss ko yung mga taong mahalaga sa akin, kina kausap ko ang mga stuff toys ko hanggang sa makatulog ako. J

Sa sala niya may mga pictures namin ngayong high school. Yung mga kulitan namin ni Ken sa garden, pati ang mga kagagawan namin na kalokohan, nakuha lahat pati ang yung mga kagagawan naming sa school grounds na sulatan nang mga crayons yung sahig. Pati ang paglagay namin nang glue sa upuan nang teachers namin. May mga iba naman na nakunan na mga kaklase namin na nakatulog sa desk nila tapus naglalaway. Lahat puno nang pictures.“The best time with her made me the luckiest friend around the globe, she always complete my days. Not only mine but also those people who made her smile.”

“Naku! Ken, ang drama naman!”

“Ayaw mo? Alis ka nalang kaya?”

Hmp. Ang sungit!

Pumunta naman kami sa kitchen niya, naku! Natawa ako nang malakas. Kasi ayun yung mga pictures namin na kumakain kami. Lahat nang mga restaurants na napuntahan namin ni Ken simula na naging magkaibigan kami. Mapa mall man, sa labas nang mall, sa condo niya, sa bahay nila talaga, sa bahay namin, sa school, kahit sa side walk. Lahat may picture, mapa pizza man, ice cream, snacks, lasagna, burger, mga street foods. Andun na lahat. Detailed na detailed talaga. May nakalagay na note sa refregirator na “She can’t live without her foods. Kaya tumataba at sarap kurutin ang mga fats lalo na sa pisngi… :3”

Sa ref pa talaga. Nagpapakita lang na matakaw ako. HAHAHA !

Bigla nalang akong kinurot nang malakas ni, Suplado. Ang sakit! Tumawa pa talaga. Nang’iinsulto ahh.

Nakarating kami sa study room ni Ken. Lahat puro books ang andun. The pictures are all about the books I’ve read and the books I am looking forward to read to. There are also pictures that I am alone studying at the school library. Naka glasses ako at tutok na tutok sa libro. “She’s the smartest alien in the world. For me, she will always be.”

Alien ang tawag ni Ken kapag seryoso ako sa pag-aaral. Kinukulit niya ako kapag nag-aaral, kain raw kami. Kahit ano basta masagabal lang ako, gagawin niya.

Sa banyo niya naman. Opo! Sa banyo meron. Pati sa banyo, meron…

Andun yung mga pictures namin sa beach kasama ang pamilya ni Ken. Sila Tito at Tita, pati yung mga kapatid niya. Si Kuya Kyle, si Ate Kaila, at si Kely. Palagi ako nakakasama sa kanila kasi part of the family na daw ako. Parang anak na raw ako nila Tita. May mga pictures kami ni Ken naglalaro sa puclic fountain.

Nagtatampisaw kami dun kahit maraming tao. Pati sa ulan na kasama ang mga kaibigan namin. “Whenever she feels cold and wants to shed a tear. I’ll be there for you. I promise.”

Yinakap so si Ken that time. Gusto ko nang umiyak talaga. Ang swerte ko kay Ken…

“Oppps. Not waterworks, di pa tayo tapos. Meron pa… Carla, not now. Save it muna.” Nginitian nalang ako ni Ken. Tumango nalang din ako sa kanya. 

Pinuntahan naman naming yung music room ni Ken. Lahat nang instrument nandun. Hala! Andun ang lahat nang mga performance ko, marunong ako nang violin, guitar, drums, piano, mapa electric din. Lahat xempre turo ni Ken sa akin. Tinuturuan niya ako kapag may vacant time kami. Ang mga gigs naming, mga class performance simula nang naging magkakilala kami. Mga dance sa school, mga festivals na sinalihan ko. Pati nga yung pagiging muse ko noong Grade 6 kami, naka dikit sa wall niya. Ang mga pictures na nagkakantahan kami sa isang room. Kami ni Ken, duet. Siya ang nag-pipiano ako naman yung nag gigitara. Naaalala ko pa ang kinanta naming. Vulnerable by Secondhand Serenade.

Broken StringsWhere stories live. Discover now