"Oh bakit ka tumatawa diyan?" Tanong ko naman sakanya

"May paubo-ubo ka pang nalalaman kanina ha. Hahahaha" Tumingin nalang ulit ako sa bintana ng kanyang sasakyan habang nkatingin sa bahay ni Alisa. 

"Sige na, dito ka na. Binibiro ka lang eh." Ngumisi siya pagkatapos niyang sabihin yun.

"Hindi na nga eh, dito lang ako. Magdrive ka na diyan" Sabi ko naman sakanya habang nakatingin pa din sa bintana ng kanyang sasakyan 

"Sige na, sabing sakay ka na dito eh. Ano? Ipapamukha mo kong driver? Sa mukha kong 'to driver? Sige na" Pamimilit naman niya sakin. Wala na akong nagawa. Bumaba na ako ng sasakyan niya at lumipat sa harapan. Tumawa nalang siya sakin ng umupo na 'ko sa harapan niya at bigla niya nalang pinaandar ang sasakyan niya. 

Pagkadating ko sa bahay, tinanong ako ni Mama at Papa kung okay lang daw ako. Parang hindi daw mapinta yung mukha ko. Sinabi ko nalang sakanila na ok lang ako. Umakyat ako kaagad sa kwarto, humiga sa kama habang suot-suot pa yung mga uniform ko. Hindi pa din maalis-alis sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit hindi ako okay at kung bakit nagtatampo ako kay Stephen. Siguro sa tingin ko dahil sa pinahintay niya ako kanina o di kaya dahil sa nakita kong kasama niya si Alisa? Haist. SIguro itutulog ko nalang ‘to.

Habang nasa kalagitnaan nang pagtutulog ko, ginising ako ni Mama. Tinanong ako kung kakain na daw  ako. Sabi ko mamaya nalang at nagsimulang natulog ulit.

Nagising ako ng madaling araw. Kumain akong mag-isa sa mesa. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayong tumatakbo pa rin sa isipan ko yung nangyari. Hindi kaya imposible ‘to? Parang ngayon ko lang ‘to naramdaman. Pagkatapos kong kumain, naginternet muna ako tapos natulog.

Maaga akong nagising. Pagkatapos kong magbihis at magprepare nagpaalam na ako kay Mama at Papa para umalis.

Pagkadating ko sa classroom, wala pa si Stephen at Alisa. Hanggang sa nagsimula na nga yung class namin. Sabay dumating si Stephen at Alisa. Hindi na kami nakapagusap ni Stephen dahil nagsisimula ng magdiscuss yung teacher namin. Pagkatapos ng first class, recess na. Pumunta muna si Stephen kay Alisa bago pumunta sakin.

“Nics, sabay tayo ngayon ha. Sisiguraduhin ko ngayon na hindi na ako mahuhuli” Sabay ngiti niya sakin

Sumunod lang ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit ayoko kong magsalita sa mga oras na ‘to. Para bang nahihiya ako na nagtatampo sakanya. Habang papunta kami ng canteen, Walang nagsasalita saming dalawa hanggang siya na ang nakapansin.

“Oh ok ka lang ba Nica?” 

“Ok lang.”

“Alam kong nagtatampo ka”

“Huh? Ako nagtatampo? Hindi ah. Tsaka yung kahapon? Hindi lang maganda yung pakiramdam ko kaya hindi ako masyadong nakakapagfocus sa'yo” Kunwari hindi ako nagtatampo. Nahihiya kasi ako kapag alam ng tao na nagtatampo ako sakanya lalo na kay Stephen.

Sa halos ilang taon naming magkaibigan ni Stephen, hindi pa ako nagtatampo sa kanya. Yung tampo na para bang hahantong sa hindi mo na siya kayang kausapin. Ako kasi kung magtampo ako sakanya after 2 hours kakausapin ko na siya. Pero pag siya naman nagtampo. Hala! Halos tatlong araw ka pa niya kakausapin. Gusto niya kasing isinusuyo pa siya bago ka niya patawarin.

Humarap siya sakin at hinawakan ang dalawa kong balikat. “Alam kong nagtatampo ka"

“Hindi naman kasi ako nagtatampo eh. Nagulat lang talaga ako.”  

"Sabi ko naman sa'yo eh, hindi nga ako nagbibiro nun." 

Agad niyang kinuha ang hawak niya sa balikat ko. "Alam mo kasi Nics, pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan mo. Tsaka alam ko naman na ayaw mo kay Alisa.. pero... kung kikilalanin mo siya.. unti-unti mo din siyang magugustuhan.. Gusto mo ipapakilala kita?"

"Ay naku huwag na! Magkakaroon din naman yan ng oras na magkikilala talaga kami. Tsaka, ang gusto ko lang naman, alagaan mo lang siya bilang girlfriend mo. Alam kong ang dami mong mga babaeng reserve diyan pero utang na loob Steph! Kahit ngayon lang, kahit hindi ko masyadong gusto si Alisa, sana seryusuhin mo siya."

"Yes maam. Tsaka hindi ko naman siya girlfriend eh. Nanliligaw pa lang naman ako sakanya. Nangako naman ako sa sarili ko na magseseryoso na 'ko pagdating kay Alisa"

"Pangako? Naku, huwag kang mangako Stephen. Gawin mo!" 

"Yes ulit maam." At nag-ala militar pa sakin.

Pumunta na kaming dalawa sa canteen para kumain, habang kumakain, pumunta si Alisa saming dalawa.

"Uhmm.. Nics I'm sorry to interrupt you pero pwede bang umalis ka muna? Sandali lang? May sasabihin lang akong importante kay Stephen." Mahinahon na sabi niya sakin. Sunod-sunuran naman akong umalis. Naisipan ko na dun nalang muna kumain sa classroom, habang naglalakad ako napaisip ako kung anong imortanteng sasabihn ni Alisa kay Stephen. Parang ako yata ang kinakabahan.

I Will Never Leave You [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon