Chapter 4

442 10 3
                                        

 Chapter 4

Tanging si Jose Marie lang ang nasa loob nang basketball gym. Kakatapos lang kasi nang praktis, kasapi kasi siya sa basketball team nang Reikings.

Si Jose Marie ay isa sa pinakamahilig mangbully sa mga kapwa estudyante , kapag alam nilang mahina madalas nilang pagtripan, kahit mabunggo lang ay inaaway na nila . Madalas ang grupo sa opisina ni Kim pero dahil Family friend ang Family niya kaya hindi pa siya natatanggal.

Nagbabasketball siya mag isa, nililibang niya ang sarili dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari. Alam niyang may bumukas nang pinto at pumasok pero hindi niya ito binigyang pansin pinagpatuloy niya lang paglalaro.

"pwede ba tayong mag usap?" tanong nito.

Hindi niya nilingon pero alam na niya kung sino , si Karylle na naman.

"please Jose"

"wala tayong pag uusapan " nagdidribol pa siya nang bola.

Humakbang si Karylle palapit pero

"Hanggang diyan ka lang"

"sorry na please , gusto talaga kita ee!"

"hindi kita gusto"

Nasaktan si karylle sa sinabi nito 

"si Anne ba ang dahilan?"

"wala akong dapat sabihin sayo, umalis ka na"

Muling naglakad si Karylle , pumuwesto siya sa ilalim nang ring. Si Jose Marie naman ay nakatayo sa Free throw line.

"anong ginagawa mo?'

"pagnagshoot ka, siguradong masasaktan ako. Sige ishoot mo"

"hinahamon mo ako?''

"alam kong galit ka sa akin , baka kahit konti mabawasan yan!"

"bahala ka"

Nagshoot siya. Mukang nasaktan si Karylle dahil napatumba ito.

"Karylle!!" tawag niya , hindi parin gumagalaw ito.

"Karylle hindi kaya ako nakikipagbiruan sayo. Iiwan kita dito " ulit niya. Hindi parin ito gumagalaw.

Lumapit na siya dito.

"K ano ba " umupo siya. Inalog alog niya si Karylle "Gumising ka na Hoy!!''

Inilapit niya ang tainga niya sa dibdib nito naririnig pa naman niya ang heartbeat nito. Pati pulso nito tama rin ang tibok.

"Niloloko ba ako nang babaeng ito. Hindi naman masakit ang ginawa ko . K aalis na ako bahala ka na"

Tumayo na siya , kinuha ang bag niya at lumabas . Iniwan niyang mag isa ang kaibigan.

HIndi pa man siya nakakalayo , kakasara pa lang nang pinto inuusig na siya nang konsensiya niya. Para naman siyang gago kung iiwan niya lang ang kaibigang matagal na niyang kilala.

Simula pa noong bata magkakilala na silang tatlo nila Anne, Halos sabay sabay silang lumaki. Noong second year high school siya nang maging sila ni Anne. Hindi naman ganoon kasweet si Anne at hindi rin ito nagpapakita nang pagmamahal, siguro nagagamit niya si Anne bilang pampataas nang pagiging lalake niya. Kahit sinong lalake kakainggitan ang magkaroon nang girlfriend na kasing ganda ni Anne.

Si Karylle naman masasabi niyang perfect na kaibigan halos lahat nang kailangan niya naibibigay nito. Kung kailangan niya nang perang pang inom o pangsugal isang text niya lang dito magbibigay agad ito dahil hindi siya kayang bigyan nang mga magulang niya kung yun lang ang gagastusan . Hindi niya akalaing may feelings  pala si Karylle sa kanya, siguro kung magiging girlfriend niya ito napakaperfect girlfriend nito kumpara kay Anne na masyadong soclal.

Biglang liko #83 COMPLETEDWhere stories live. Discover now