“Sige. Ano bus o jeep?” tanong ko. Magjajaywalk kami kung jeep pero minsan masaya din na meron excitement sa buhay.
“Bus. Magpakamaayos na citizen of earth tayo” tumawa siya habang hinihila niya yung bag niya. Nabibigatan siya pero ayaw niya sabihin. Ano ba problema ng babae na ito at hirap na hirap manghingi ng tulong. Gagawin ko naman kung sasabihin niya lang. Maka nahihiya siya dahil mukha akong prinsipe. Hirap talaga.
“d ba, writer ka ng dyaryo?” tanong niya sa akin pagkasakay naming ng bus. Medyo maluwag kaya feel free siya na nakahiga dun sa upuan. Minsan asta tomboy itong tao na ito. Unaware na babae siya nakakainis. Linayo ko yung tingin ko sa kaniya at nagconcentrate ako sa TV na black and white at hindi ko naman nadidinig.
“oi” tawag niya.
“ha?”
“writer ka sa newspaper natin d ba?”
“oo. Bakit?”
“Wala. Ginusto ko din kasi dati magsulat pero mababa pa yung level of emphaty ko. Mahina din ako sa mga salita”
“Sus, daldal mo nga”
Bigla siyang napaupo at tumingin sa akin ng intently. May panic sa mata niya habang clinuclutch niya yung bag niya. “Hala, sobra na ba!?”
“Hindi naman” sagot ko agad. Hindi na siya bumalik sa pagkahiga niya at umupo na lang siya sa may bintana. Hindi na din siya nagsalita.
“Kung gusto mo.. magdededicate ako ng something sa iyo sa susunod.” Sabi ko. Mahina. Hindi ko alam. Nahihiya ako na masaya. Lumingon siya sa akin at ngumiti siya ng sobrang laki, sabay tanong, “talaga?”
Buong bus ride kami nagkwentuhan after nun. Wala, ang saya niya kasama. Kahit sa katahimikan, ang peaceful niya kasama.
After two weeks, pinabasa ko yung draft ko sa kaniya. Ito na din yung proclamation ko ng pagmamahal ko sa kaniya. Kinakabahan ako na muntik ko nang hindi ibigay. Pero ang kulit niya at part of me, gusto ko din na mabasa niya. Gusto ko malaman niya na ibang klase siya sa buhay ko. At matatapos na yung sem. Ito na yung last chance ko.
Katabi ko siya nung binasa niya yung draft. At nakita ko sa mukha niya yung pagkagulat. Marami akong expression na nabasa sa mukha niya maliban sa isa—tuwa. Kaya habang nagbabasa siya, naisip ko magbiro. “Alam mo, nung ano—nung isang araw nagpanggap akong pangit, walang naniwala”
Hindi niya ako pinansin. Nagcontinue lang sa pagbabasa.
“Sinabi ko kay Arty na wala akong gf, nakipagbreak na agad sa bf niya”
Wala pa din.
Magbibiro pa sana ako nung tumingin siya sa akin at nagtanong “Sino ito?”
“Kilala mo—“ pero pinutol niya yung sinasabi ko at bigla tanong ng “Ako ba ito?”
Nagspeed up yung heartbeat ko na parang may sumapak dito. Medyo nahirapan ako huminga. Ang hirap talaga pag nasa pwesto ka na ganito. Masyado akong kinakabahan para sumagot pero alam kung hindi matatapos ito ng hindi ko sasabihin kaya mahina kung sagot habang pumipiyok “Ikaw yan, oo”
Five seconds lang siguro—o five hours, hindi ko alam, pero tinitigan niya ako sa mata at inakap niya ako. “Thank you.”
Natawa na lang ako. Bakit siya nagthathank you. Bakit thank you lang.
“Pero wag” dagdag niya sabay bitaw sa akin. Binalik niya yung draft. Magwawalk out na siguro siya at iiwan ako pero nagstay siya na parang nagiisip.
“Bakit wag” tanong ko. Medyo stunned pa din kasi akala ko mutual kami. Nalukot ko yung papel at bigla akong nanghina.
“D ba, kwinento mo yung girl na minahal mo ng sobra sa akin na hindi mo malet go ng ilang years.” Sabi niya
“Oo” sagot ko. Pareho kaming nagiiwasan ng tingin. Pinapanood yung iba naming classmate na isa isang umuuwi. Mahina yung discussion namin pero napakaimportante.
“Hindi ako yun”
“Alam ko”
“No. I mean, hindi ako yung Goot. Hindi mo ako mahal same as her.”
“Kailangan ba pareho?”
“Hindi. Kailangan lang sure kang hindi lang illusion yang nararamdaman mo. Siguraduhin mo na hindi mo lang sinasabi yan kasi mabait o malapit ako sa iyo.”
“Bamby..”
“Hindi ako maganda o matalino, bakit ako?”
“ikaw eh.”
“Tinatanong kita para maniwala ako sa iyo. Wala ka man lang proper answer”
“bakit hindi mo na lang iaccept na minsan talaga walang reason? Na minsan talaga it just happens?”
“Dahil four years kang naghold on dun sa girl na yun. And it takes an extra special person para ibalik sa iyo yung kinuha nung babae yung” Wala akong comeback. Nanahimik na lang ako at napaisip sa first love ko. Naalala ko pa din yung design ng paborito niyang damit at yung amoy ng paborito niyang perfume. Yung text na sinend ko bago ako nakipaghiwalay. Yung tunog nung iyak niya sa telepono after niyang mabasa. Hanggang ngayon.
“Hindi ako yun Goot. This is delusion lang dahil mabait ako sa iyo at dahil malapit tayo sa isa’t isa. Please wag mo gawin sa akin ito. Ang unfair” Sabi ni Bamby . Nagdrown na yung boses niya dahil dun sa workshop. At nawala na din yung atensyon ko sa pagikot ng mga memories. Papaalis na sana si Bamby ng tinawag ko siya
“Sandali lang”
“bakit?” tanong niya. Hindi ko pa din alam kung totoo yung nararamdaman ko pero hindi ko maalis na baka may punto siya. At baka masyado pang maaga para sabihin ito. Siya yung taong gusto ng totoo. Hindi yung temporary. Gusto ni Bamby maniwala sa walang hanggan. Isa yun sa mga dahilan kung bat gusto ko siya. Masyado siyang hopeless sa paniniwala sa mga silly things katulad ng forever at fairytales.
“Anong gusto mong gawin ko ngayon?” tanong ko pabalik. Tinaas ko yung crumpled paper para Makita niya “Para sa dyaryo… late na ako.”
“Bahala ka.”
“D pwede, ikaw dapat inspirasyon ko tapos sinira mo. Payback” biro ko. Tumawa siya at narelieved ako na walang tension sa aming dalawa.
“Gawin mo na inspirasyon sarili mo. Pogi ka d ba?” sagot niya sabay tawa. Umalis na siya at officially alone na ako dun sa classroom. Kumuha ako ng piece of paper sa bag ko at nagsimula na gumawa ulit ng draft.
Ang kapogian ko.
The adventures of the world’s handsome man
How a beautiful face destroyed the world
“Goot, uwi na tayo!” tawag ni Percy. Naka PE pa din siya at may hawak na sandwich. Madalas nakakalimutan ko na ibang block siya.
“Kain agad?” tukso ko. Umiling si Percy at una ng naglakad paalis. Minadali ko na inayos yung gamit ko at sinundan siya sa may entrance. Sigaw ko habang hinahabol siya “May ikwekwento ako sa iyo.”
“Ano?” tumalsik yung sandwich sa pagtanong niya. Medyo natawa ako dahil ang kalat niya kumain.
“Alam mo ba nung isang araw nasanggi ko lang yung kamay ni Rebecca, pinagkalat na agad na nag holding hands kami!” sabi ko. Huminto siya at tumingin ng masama sa akin. Sabay tawa “basted no?”
“baket? Nagglow ba yung mukha ko? Ganun daw pag single eh. Lalong gumagwapo. Ewan ko lang kung kaya pa ng universe na lalo akong pumogi”
“Lumalakas fighting spirit mo eh”
Nagtawanan na lang kami pauwi. Pero wala, iniisip ko pa din kung si Bamby talaga ay mahal ko. Siguro ilealeave it alone ko muna. What’s meant to be will be. Bahala na. masyado pang maaga.
THE END :D
