"kasalanan niya naman diba?"

"oo siya may kasalanan"

"tae! 'bat kasi dito pa napunta yung babaeng yan"

narinig ko na kwentuhan ng tatlo namin kaklase na babae sa likod ko

napansin ko na paluha na si Alisa dahil alam kong naririnig niya iyon

tumayo ako at hinarap yung tatlong babae

"hoy!! ano bang problema niyo?! di naman kayo inaano ng tao kung ano-ano pinagsasabi niyo! kayo kaya ganyanin namin?! ha?! ano?! diba maiiyak at magagalit din kayo! kala niyo kung sino kayo uh!! tapos----" may biglang may nagtakip sa bibig ko,si Xander pala !

nasa tabi niya si Alisa

"tama na Julia" sabi ni Alisa habang naiyak

"tae ka pala eh!!" sabi nung isa naming kaklase na hindi ko kilala

bigla bigla ay sinambunutan ako at kinaladkad palabas ng room pero bago mangyari yun ay nasuntok ko siya sa tiyan at napa atras siya,susugod ulit sana siya kaso sipa ko ang nakuha ng mukha niya

pinipigilan kami ng mga kaklase namin at hinawakan ni Xander yung braso ko kaso nagpupumiglas ako,hanggang sa niyakap niya ako mula sa likod...

"tama na,ano ba!" bulong sa akin ni Xander na halatang galit

"pakiusap 'wag niyong sasaktan si Julia!" sabi ni Alisa at humarang,lalo siyang umiyak kaso tinulak lang siya ng kaklase namin at tumama ang beywang niya sa armchair at napatumba din siya at ramdam niya ang sakit, nagpumilit nanaman ako na makawala sa bisig niya

umaawat nadin ngayon ang kaninang tulog na si Markie

halos pilipitin ko na leeg ng kaklase namin nang makatanggap siya ng sunod sunod na suntok mula sa akin

sinampal ako bigla ni Aece

"tumahimik na nga kayong dalawa!! tumigil na kayo!!"

humarang na sa gitna si Xander at Markie

"tama na iyan!! kapag hindi pa kayo nagsibalikan sa upuan niyo aabot kayo sa guidance!! " sigaw at pagbabanta ni Xander kaya lahat sila ay umupo pero ako ay nakatayo lang nang ma-alala ko si Alisa!!

lumapit ako sa kanya at inalis ang kamay na nakahawak sa tumama niyang balikat,pagtingin ko ay nadugo na ito!! malakas ang impact nito kaya nag dugo ito! at tyaka ko lang napansin na may lapis na nakatusok sa balikat niya!!

"dalhin natin siya sa ospital!!" sigaw ko at agad naman na rumisponde si Xander Markie at Flynn na kakagising lang din

sumama ako sa kanila papuntang ospital,sinabi ni Xander na walang magsasalita sa nangyari,ang sasabihin ay akdsidente ang lahat kung ayaw nila mapahamak kaming lahat

ilang oras na kami sa ospital nang mapansin ko kung anong oras na,8:00pm na pala buti nalang nakapag paalam ako kay mommy at pumayag naman ito,napag-alaman kasi namin na wala na palang sumosoporta kay Alisa,may part-time job ito sa isang restaurant,isa itong cook doon

kasama ko pa ngayon si Xander dahil umuwi na sina Markie at Flynn,di kasi pinayagan

nakaupo lang kami sa labas habang hinihintay na magamot si Alisa,nag-aalala na ako sa kanya!

napahikab na ako at napasandal sa balikat ni Xander

"p-pasensya na" sabi ko at hindi naman umangal si Xander

hindi ko na namalayan na naka...zzzzzzZZZZZ

---------

nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto..kwarto kaya nino ito?? mukhang mayaman ang nakatira dito dahil malaki ang kwarto nito at mukhang malaki rin ang bahay

may narinig ako na pumihit ng saradura ng pinto kaya napatago ako sa loob ng kumot

bahagya akong nakasilip kaya nakikita ko kung ano iyon,nagulat naman ako sa nakita ko!!

anong ginagawa ni Xander dito?!!! at nakatuwalya lang siya!! wala siyang pang-itaas! di ko alam kung ipipikit ang mata ko o tititig sa kanya!

mabuti nalang ay pumasok ito sa isa pang kwarto para siguro magbihis,kakaligo lang kasi nito

maya maya pa ay lumabas na ito

"oh gising ka na pala" sabi ni Xander na nakasmirk at nakataas ng kilay

"o-oo,asan ba ako??" painosenteng tanong ko

"nasa kwarto ko,good morning pala,tumayo ka na diyan nang makakakain ka na,si Alisa nasa labas na siguro" sabi nito

si Alisa?!

"good morning din,asan na si Alisa?! ano na ang nangyari sa kanya?" tanong ko at tumayo na pero hindi lumalapit kay Xander

"ay teka maghihilamos muna ako asan ba banyo dito?" sabi ko nang palabas na si Xander

"ayun oh,hintayin ka nalang namin sa labas" turo nito sa pintuan na pinanggalingan niya nang makita ko siya na naka....>/////< at tuluyan na akong iniwan nito

pumasok ako sa banyo at naghilamos na,nagmumog at ayun na,naalala ko na sabado pala ngayon kaya wala kaming pasok

pagkalabas ko ay tahimik na nakain si Alisa at Xander

"asan magulang mo?" nagtataka kong tanong dahil halos walang tao sa bahay niya kundi kami,malaki rin ang bahay

"nasa Germany sila ngayon" tipid na sagot nito

"ahhh,ok" sabi ko na nakatayo parin

"umupo ka na rito at kumain" pag-aaya sakin ni Xander kaya umupo na ako

at ngayon ko lang narealize na pare-parehas pala kami hindi pumasok sa school

"kamusta na pala Alisa?" baling ko kay Alisa at ngumiti siya

"okay lang ako,medyo magaling na balikat ko kaso andun padin yung hapdi minsan,salamat pala Xander" pagkukuwento nito at pagsasalamat niya kay Xander

"alam niyo pala na wala na akong magulang,pinagistay muna ako ni Xander kagabi dahil walang mag-aalalay sa akin pauwi,kaya habang pasan ka niya ay naka-alalay din siya sa akin,salamat ulit" dugtong pa ni Alisa at ngumiti ako

"oo nga pala Xander bakit mo pala hindi ako hinatid pauwi?? " tanong ko naman kay Xander

"nakalimutan ko na kasi bahay niyo" sabi nito

"'di ba magkalapit lang naman tayo ng bahay?" nagtatakang tanong ko ulit

"sa totoo lang,sinabayan lang kita pauwi dahil alam kong maypagka delikado,hindi ko nga alam yung lugar niyo,naalala ko lang na may kaibigan pala ako na nakatira roon kaya pinuntahan ko siya" pagpapaliwanag nito

"ahh, gan----" biglang naputol ang sasabihin ko nang magring yung cellphone ni Xander,may tumatawag at sinagot niya iyon,tahimik lang kami ni Alisa na nakatingin sa kanya

"oh bakit?....ha?!...paano nangyari yun?!...imposible!...sige pupunta ako diyaan" sabi nito na napakunot noo lang kami ni Alisa

"sino iyon??" tanong ko

"si Aece" tipid na sagot nito at tumayo na

"bakit raw?"

"nawawala raw bangkay ni Euceff!!" sagot niya

"ha?! bakit anong nangyari!! imposible!" nagulat kong sabi,bakit nawawala ito ?!

"dito lang kayo,wag kayo lumabas malayo ang bahay ko,hindi ninyo alam rito...at Julia alagaan mo nalang muna si Alisa" sabi pa ni Xander at tuluyan nang umalis

--------

To Be Continue...

~~~~~~~~~~

a/n:nagustuhan niyo ba?! medyo love story din kasi to eh! pero sana magustuhan niyo! salamat! kamsahmida!

Mysterious ClassWhere stories live. Discover now