"Euc,okay ka lang? " nag-aalalang tanong ko,tumingin lang siya sa akin at tumango tango,kakaiba ang ngiti niya,parang pilit dahil ayaw ipakita ang kalungkutan niya
"sigurado ka? " tanong ko pa
"oo ayus lang ako" sa wakas ay sagot niya
--------
makalipas ang ilang oras ay recess na,sumabay sa akin si Alisa sa paglabas hanggang canteen,habang naglalakad kami ay naririnig ko na nagbubulungan ang ibang estudyante
kasama niya nanaman si Alisa
kakayanin niya ba talaga ang lahat?
patay siya!! di niya keri yan
geh teh i-push mo lang hanggang matauhan ka!
iilan lang iyan sa mga narinig ko,di ko alam kung ano ang sasabihin kay Alisa,paglingon ko kasi ay nakayuko siya at naririnig ko ang mga hikbi niya
umakbay ako sa kanya at niyakap
"huwag mo nalang sila pansinin" sabi ko sa kanya habang nakangiti kahit alam ko na hindi niya naman makikita ang ngiti ko
"bakit ba sila ganun? " nagtataka kong tanong
"ka-kasi malas daw kami sa lipunan,akala nila kapag may nakasama ako ay mamalasin din sila,h-hindi naman totoo,kaya wala na naglakas loob na lumapit sa akin" sabi niya habang pinupunasan ang mga mata niya na may luha
parang may naalala ako roon,at parang pamilyar sa akin...hmmm
"haist! wag ka na umiyak andito naman ako eh" sabi ko at pinunasan nadin ang kanyang luha
nakadating na kami sa canteen at tahimik na kumain,nang matapos si Alisa ay nagpaalam siya na pupunta lang daw siya sa banyo saglit
may biglang humila sa akin patayo,si....si.....si Alexandersson!! hinila niya ako palabas ng canteen at nasa hardin kami ngayon ng school,umupo ako sa bermuda grass
"bakit mo ako dinala rito?" tanong ko,medyo kabado ako kasi ngayon niya lang ako nakita at yung hardin bandang likod na ng school
"lahat ng tao sa classroom na iyon ay parang nakamaskara,tago ang katotohanan,lumayo ka sa mababait lumapit ka sa masasama" ayan nanaman sila,yung mga nakakaloko nilang sinasabi
ano daw?!
nakamaskara?
lumayo sa mababait?
lumapit sa masasama?
may mga demonyo ba dito?? at tinutulak niya ba ako sa mga demonyo?! wag naman sana
"a-anong hilig mong sabihin?? " natatakot na tanong ko
"huwag ka nalang makiki-elam" sabi niya pa,at tyaka umalis na,sinundan ko siya pero mabilis siya nawala sa paningin ko
bumalik akong mag-isa sa classroom
nakita ko si Alisa,lumapit ako sa kanya
"sorry pala kanina,pumunta ka pa ba sa canteen kanina? umalis kasi ako saglit,sorry kung napaghintay kita" pagpapaumanhin ko sa kanya at ngumiti lang siya
"okay lang yun" sagot niya at biglang dumating na si ma'am kaya umupo na ako sa upuan ko
"class,before we start our next subject,magpalit muna kayo ng sitting arragement niyo" at inayos nga kami ni ma'am
bandang bintana parin ako pero nasa third row ako at second ang upuan ko mula sa bintana,sa kaliwa ko ay si Euceff parin at sa kanan ay si Alexandersson
YOU ARE READING
Mysterious Class
Horrorpaano kung ang isang eskwelahan ay parang isang haunted house? aalis ka ba o maglilibot ka pa nang malaman ang totoo kung nasaan ka ba talaga? paano kung ang normal mong buhay mapupunta sa mala-pelikula na puro kababalaghan? magtatagal ka pa ba par...
Second Class
Start from the beginning
