Sitting under the tree. The 4 years old little girl is playing with her doll. She has the innocent face with a black slightly curly hair braided into fish tail. She's alone there. Well not at all because of the presence of her doll. She loves this doll for it is the last gift she received given by her grandmother before she passed away.
Sa kabilang banda, busy ang magulang at kasambahay ng magulang ni Ivan. Bagong lipat sila sa malaking bahay ng subdibisyong syang tinitirhan din ng pamilya ni Anthonette at mag katapat lamang ang kanilang bahay na parehas dalawang palapag.
Habang busy ang mga magulang, napag pasyahan ni Ivan na mag libot sa subdibisyon kasama ng kanyang pinsang si Adam. Napadpad sila sa park kung saan maraming makikitang batang nag hahabulan sa gitna ng field. Sa kabilang banda ang mga swings na makikitaan naman ng mga taga pag alaga ng mga bata na nag uusap.
Hawak hawak ang bolang dala'y nag punta si Ivan sa grupo ng mga batang naglalaro ng piko at naki pag kilala dito. Samantalang si Adam nama'y tumuloy sa paglalakad sa likod ng mga swings kung saan matatagpuan naman ang dalawang pahabang upuang sementado sa gitna nitoy sementado ding lamesa. Naupo sya sa isang upuan doon patalikod sa lamesa at sumandal dito.
Dahil sa mas mataas ang upuan ay malaya nyang naigalaw galaw ang kanyang paa. Kung titignan ang kanyang mukha, ito'y makikitaan ng bangkas ng kalungkutan. Iniisip nya ang magiging buhay nya ngayong maninirahan na sya sa kanyang tiyahin. Nag balik na kase ang kanyang ina sa Singapore upang ipag patuloy ang kanyang trabahong iniwan doon.
Nasa malalim parin sya ng pag iisip ng bigla syang napakingon sa kanyang harap. Sa kanyang harap ay makikita ang isang puno na nasa isang metro ang layo nito mulasa kanyang kinauupuan. Sa ilalim ng puno ay makikita ang batang kinakausap ang kanyang manika. Makikita sa mukha ng bata ang pagka mahiyain sapagkat sya lamang ang natatanging bata na naglalaro mag isa.
Ang walang kamalay malay na batang babae ay masuyong sinusuklayan at kinakausap ang kanyang manika.
Di na nakatiis ang batang lalake kung kaya't pinuntahan nya ang batang mag isang naglalaro sa ilalim ng puno at walang paapalam ay naupo siya sa tabi nito.
"Bata, kanina pa kita tinitignan. Bat wala kang kalaro?"
Sa narinig ay biglang napatingin ang batang babae sa kanyaang kanan at nuon lang napansin ang batang lalake na nakaupo sa kanyang tabi.
"A, wala kasi akong kaibigan dito. Umalis na kase ung kaibigan kong si ken ken"
"Bakit? Siya lang ba kaibigan mo?"
"Huh? Oo e, best friend ko yun. Ayaw ko makipag kaibigan sa iba. Gusto ko si ken ken lang. Pero umalis na sya" maluha luhang sambit ng bata.
"Oh! Edi ako na lang pala best friend mo. Tutal wala din naman akong kaibigan. Bagong lipat nga pala kame dito"
YOU ARE READING
The king Of Sabotage
FanfictionSome people do everything just to be noticed by someone they love. And some just wants to sabotages someone's plan just for their own unfathomable reasons.
