Chapter 1

19 0 0
                                        


Dahil malapit na halloween, magbabahagi ako ng isang nakakatakot na karanasan na nangyari sa akin 2 years ago. Lumaki ako sa syudad ng Iligan, probinsya ng Lanao Del Norte, kaya naman lumaki ako na mapamahiin. Naniniwala ako na hindi lang tayo ang nag-eexist dito sa mundo. Naniniwala ako sa kapre, maligno, white lady, duwende, aswang at iba pa.

Hindi ko aakalain na sa Manila pa ako makakaranas ng isang nakakapanindig balahibo na karanasan. Nangyari ang kwento na ito nung naghahanap kami ni Arthur ng bagong apartment. Ka-opisina ko si Arthur pero magka-iba kami ng account. Pang-umaga yung pasok ko habang pang-gabi naman sya. Nagwowork kami ni Arthur sa isang call center company sa may Libis. Nung rest-day namin, napagpasyahan namin na maghanap ng apartment na malapit lang sa workplace namin. Mas economical din kasi kung dalawa kami maghahati sa rent.

Nagsimula na kaming mag-ikot ikot ni Arthur para maghanap ng apartment per medyo nahirapan rin kami makapamili kasi either mahal yung rent ng apartment or di kaya masyadong maliit para sa dalawang tao. Pagod na pagod na kami sa kakahanap at muntikan ng sumuko pero pinagpatuloy pa rin namin ang paglalakad. Bandang alas sais na ng hapon ng makakita kami ng karatula na may nakasulat na "Apartment for rent". Agad naming pinuntahan yung unit kung saan nakapaskil ang karatula at kumatok kami sa pintuan.

Bumukas ang pinto at matandang babae ang bumungad sa amin. Siguro nasa 60's or 70's na siguro ang tanda niya. Nakatingin sya amin at tinanong kung ano ang kailangan namin.

Ako: Magandang hapon po. Magtatanong lang po sana kami kung pwede matingnan yung apartment?

Lola: Ay oo iho. Sandali lang at kukunin ko ang susi nang makita nyo ang unit.

Mga tatlong minuto pa lang ang nakakalipas ay nakabalik na agad si lola na dala dala ang susi ng unit. Pagpasok namin sa loob ay natuwa kami ni Arthur sa aming nakita. Malawak ang sala, may dining area, malinis ang kusina, at malaki ang kwarto. Mukhang bagong renovate yung unit kasi nangangamoy pintura pa sya. Yung sahig ay gawa sa kahoy kaya medyo maingay pag naglalakad. Inikot ko ang unit at chineck ko yung kwarto habang nag-uusap si Arthur at Lola sa may sala. Pumasok ako sa kwarto at tuwang tuwa ako kasi malaki sya, sabi ko "I'm sure marami akong malalagay na gamit dito". Habang iniikot ko yung paningin ko, agad kong napansin yung malaking cabinet. Gawa sa kahoy yung cabinet, at super laki nya na sa tingin ko ay kasya ang apat na tao dun sa loob. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, Naka-sense agad ako ng negative vibes. Yung tipong parang kinakabahan ka na ewan, yung feeling mo may nakatingin sayo kahit wala naman. Agad akong umalis sa kwarto at pinuntahan si Arthur na busy sa pakikipag-usap kay Lola. Nalaman ko na gusto ng kunin ni Arthur yung unit. Pumayag na rin ako kahit nagdadalawang isip ako dahil sa na-sense ko sa loob ng kwarto.
UNANG GABI.

Nag-aayos kami ng mga gamit ni Arthur ng bigla niyang nagsalita.

Arthur: Sa tingin mo okay na tong apartment natin? Sulit ba yung bayad natin?

Me: Oo naman. Ang laki nga ng unit eh tsaka malapit lang sa office.

Arthur: Sabagay. Di ka pa ba nagugutom? Tara punta muna tayo dun sa tindahan sa labas. Gusto ko magmeryenda at napagod ako sa kakaayos ng gamit natin. Hahaha.

Me: Oo nga eh. Andami pala nating gamit pareho.

Iniwan namin yung mga gamit namin na nakakalat sa sala at agad pumunta sa tindahan. Bumili ako ng dewberry na biscuit at mountain dew softdrink habang si Arthur naman ay bumili ng chippy at coke. Pagkatapos namin magmeryenda ay agad na kaming bumalik sa apartment. Mahilig mag joke si Arthur kaya nagtatawanan kami habang pabalik sa unit. Binuksan ko yung pinto at nagulat kami sa aming nakita. Biglang napalitan ng katahimikan yung malakas naming tawanan. Yung mga gamit na iniwan namin sa sala ay nagkalat sa buong unit. Nagkalat yung ibang gamit na umabot pa hanggang sa kwarto namin kahit hindi pa naman kami naglagay ng kahit isang gamit sa loob ng kwarto. Bigla akong natakot sa aking nakita pero mabilis na nagsalita si Arthur, "Wala yan, baka humangin lang or di kaya may pusang nakapasok sa loob ng unit".

Hindi na ako nagsalita at tinuloy nalang namin yung pag-aayos ng mga gamit. Nang matapos na kami ay kumain na rin kami ng hapunan. Napansin kong medyo tahimik na si Arthur at di sya masyado nagsasalita.

Me: Okay ka lang ba?

Arthur: Oo naman. Bakit mo naman natanong?

Me: Wala lang. By the way, wala ka bang nararamdaman sa apartment natin? May nasi-sense kasi talaga ako na kakaiba.

Arthur: Wala yan. Imagination lang yan. Tsaka bagong bago yung apartment natin oh. Amoy pintura pa nga. (sabay halakhak ng malakas)

Me: So pag bagong pintura ibig sabihin wala ng multo? Joke! (tumawa ako kahit pilit lang)

Patuloy kaming nagkwentuhan ni Arthur, lahat na ata ng topic napag-usapan namin. Aside sa matalino sya, may pagka makwento din tong si Arthur. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay biglang syang nahikab, dun namin na realize na inaatok na kami pareho. Pumasok na kami sa kwarto para matulog.

Madaling araw na noon nang bigla akong naalimpungatan. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata dahil gusto ko pang matulog. Habang pinipilit kong matulog ay agad kong narinig yung pagbukas ng pinto ng cabinet. Dahil gawa sa kahoy ang cabinet ay maririnig mo yung creaking sound habang dahan dahan itong bumubukas. Dinilat ko mga mata ko at tiningnan ko yung cabinet. Kinilabutan agad ako. Madilim yung loob ng cabinet at wala akong maaninag pero ramdam ko na mayroong something sa loob ng cabinet. Hindi ko maipaliwanag. Nagtalukbong ako sa kumot dahil sa sobrang takot ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Lumipas ang isang linggo na ganun pa rin ang eksena. Lagi akong nagigising tuwing madaling araw na kusang bumubukas yung cabinet. Ang ipinagtataka ko ay bakit sya bumubukas ng kusa eh maayos naman yung cabinet. Chine-check ko pa yung door ng cabinet bago ako matulog pero hindi naman sya sira. Ang totoo nyan, masyado pa ngang tight yung door, kumbaga kailangan mo pang mag exert ng konting effort para mabuksan sya pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit kusa syang bumubukas. Dahil sa ayaw kong takutin ang sarili ko, ipinagkibit balikat ko nalang yung mga nangyayari. Inisip ko na lang na baka nagkataon lang lahat yun.

Akala ko hanggang ganun lang, yung tipong bubukas lang yung cabinet tuwing madaling araw pero mas may nakakatakot pa pala akong mai-encounter. Madalas ako lang ang naiiwan sa bahay tuwing gabi sapagkat graveyard shift yung schedule ni Arthur sa work habang dayshift naman ako. One time habang nagbabasa ako ng story sa wattpad para antukin ay bigla nalang akong nakarinig ng ingay na nangagaling sa sala. Binuksan ko ng kaunti yung pinto at tiningnan kung ano ang meron sa sala. Nakita ko na may isang batang lalaki na masayang naglalaro. Kung pagbabasehan ko yung tangkad niya ay nasa anim na taong gulang siguro sya. Pinilit kong tingnan yung mukha niya pero di ko talaga maaninag dahil medyo madilim sa sala. Binuksan ko pa ng kaunti yung pinto sapagkat gusto ko makita kung ano yung itsura nya, sa isip isip ko "ano kaya ang ginagawa ng batang to sa loob ng bahay namin?"

Patuloy sa pagtakbo yung bata, pa-ikot ikot lang sya sa sala habang dala dala ang isang bola nang bigla syang huminto. Dahan dahan syang humarap sa kinarooonan ko. Tumindig yung balahibo ko sa nakita ko.Yung mukha ng bata ay sunog at yung isang mata nya ay nakaluwa yung eyeball. Ngumiti sya sa akin sabay sabi "Tara laro tayo".

Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang takot. Dahil sa hindi ako kumikilos, biglang tumakbo yung bata sa direksyon ko habang tumatawa ng malakas. Dun lang ako nagkaroon ng lakas at bigla kong sinara yung pinto at ni-lock.

Apartment For RentStories to obsess over. Discover now