Tapos

10 1 0
                                        



Tapos


Noong una tayong nagkita,

agad kong napansin ang maganda mong mga mata.

Ilang araw ang lumipas, 

pag-uusap natin ay napapadalas.


Hindi ko mapigilang matuwa,

at halos hindi na makapagsalita.

Ramdam ko ang mga pinapakita mo sa akin ay totoo.

Sana magkaibigan pa rin tayo hanggang dulo.


Hanggang sa isang araw,

palagi na kitang tinatanaw.

Binibigyan-pansin ang lahat ng kilos mo.

Nagkakagusto na nga ba ako sa iyo?


Malapit ng matapos ang taon. 

Mabibigyan pa kaya ako ng pagkakataon,

upang sabihin sa iyo ang totoo?

Pero sana huwag muna ngayon dahil ako'y gulong-gulo.


Laman ng puso ko'y hindi maintindihan.

Kung ano ba talaga ang aking nararamdaman.

Pero hangga't hindi pa huli ang lahat, ititigil ko na ito.

Alam ko namang kaibigan lang ang turing mo sa babaeng katulad ko. 

TaposWhere stories live. Discover now