Muli, umalingawngaw na naman ang sunod-sunod na putok ng baril. Sa takot ko, napatili ako't napadapa sa sahig habang hawak ang mga tenga ko. Nanginginig ang mga kamay ko at sobrang lakas na ng tibok ng puso ko, kusa naring pumapatak ang luha mula sa mga mata ko.


Napatingin ako sa ginang na kasama ko at nakita kong halos nakaupo narin siya sa sahig habang hawak ang kanyang mga tenga. Palinga-linga siya na para bang naghahanap ng kalalabasan ngunit sa isang iglap, bigla kong nakita ang pagdating ng isang lalake sa likuran niya.


"Oh my God!" Napatili ako sa sobrang takot nang mapagtantong nakatayo na ang holdaper sa likuran ng ginang at kasalukuyan nang nakatutok ang baril sa ulo nito.


Napalingon ang ginang sa holdaper, gaya ko'y nanginginig narin siya at umiiyak dahil sa labis na takot.


"P-please huwag mo akong papatayin, may anak ako, kailangan ako ng anak ko!" Labis ang pagmamakaawa ng Ginang ngunit sapilitan lamang na inagaw ng holdaper ang kanyang bag.


Takot na takot ako sa susunod na gagawin ng holdaper kaya napapikit na lamang ako at umusal ng dasal. Hindi ko na alam kung tama ba ang mga lumalabas sa bibig ko, nagkaka-rambol na ang mga salita at hagulgol ko pero sa kabila nito ay pinilit ko paring magdasal dahil alam kong ito nalang ang tanging magagawa ko.


Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang muling umalingawngaw. Nakarinig ako ng ilang yapak at sa pagkakataong ito'y pilit kong idinilat ang mga mata ko. Akala ko makikita ko ang mismong holdaper sa tabi ko pero wala siya, bagkus ay may narinig ulit akong mga sigawan at putok ng baril.


Napahawak ako sa sarili ko; sa mukha, sa dibdib at sa mga balikat. I expected a gunshot wound or blood on my skin pero wala... hindi niya ako tinamaan. Sa puntong 'yon, wala na akong ibang naisip pa kundi ang cellphone ko.


Dali-dali kong hinugot ang cellphone mula sa bulsa ko't tumawag sa emergency hotline. Lalo pang tumindi ang tibok ng puso ko habang pinapakinggan ang pagri-ring sa kabilang linya, parang nanlalambot ang mga paa ko sa sobrang takot at taranta. The adrenaline rush all over my body is too overwhelming up to the point that I think I'm about to throw up.


Mula sa gilid ng mga mata ko, bigla kong napansin ang ginang na nakahandusay sa sahig, hindi kalayuan mula sa akin. Duguan siya at nagkalat ang dugo sa mismong sahig na kinahihigaan niya pero sa kabila nito ay naigawa niyang maingat ang isa niyang kamay. Hinilig niya ang kanyang ulo sa direksyon ko, at minuwestra ang kanyang kamay na para bang pinapalapit ako.


Kusa akong napagapang patungo sa kanya nang makita ko ang matinding lungkot at paghihirap sa kanyang mga mata. Napahawak ako sa kamay niya at pinagmasdan ang kanyang mga mata. Gusto kong magsalita, pero tanging ang pagluha lamang ang nagawa ko. I can see it in her eyes... she's afraid... she doesn't want to die.


Bigla kong narinig ang isang boses mula sa kabilang linya. Hindi ko man siya naririnig ng maayos, taranta akong nakapagsalita, "P-please tulungan niyo kami! Yung holdaper, binabaril niya ang lahat! We need help, please!"


"Ma'am nasaan po kayo ngayon?" Narinig kong tanong ng isang babae mula sa kabilang linya kaya naman taranta kong inilibot ang paningin sa paligid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rescue meWhere stories live. Discover now