Una kong narating ang maliit na gas station ngunit walang attendant. Inisip kong baka parte ito ng grocery shop o kaya'y nasa loob ang ito ng grocery shop ang mismong attendant kaya pinasok ko na lamang ito.


Basang-basa ako nang pumasok sa loob ng shop. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok ko kaya nanatili muna akong nakatayo sa welcome rug nila habang hawak ang pintong hindi ko pa tuluyang naisasara. Hindi ko napigilang magtaka nang mapansing wala silang guwardya.


Ngumiti sa akin ang babaeng clerk na nasa counter kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik. Ibinalik niya agad ang atensyon sa kanyang notebook, siguro nagi-iinventory siya o nagsusulat para hindi makatulog.


Bago magtanong tungkol sa gas, nagtungo muna ako sa aisle kung saan naroroon ang mga face towels. Hindi na ako nakapagpigil, pinunas ko na agad sa mukha ko ang unang face towel na nahawakan ko tutal babayaran ko rin naman ito.


Nagtungo naman agad ako sa aisle kung saan naroroon ang mga chichirya. Nagsimula na akong kumuha ng mga baon para sa byahe nang bigla kong napansin ang isang ginang na para bang nalilito kung anong kukunin mula sa hilera ng mga chocolate.


"The ones with Macadamia are good po." Suhestyon ko sabay ngiti.


Lumingon ang ginang sakin at ngumiti pabalik, "Magugustuhan kaya 'yan ng isang bata?"


Tumabi ako sa ginang at humarap sa hilera ng mga chocolate. I'm a kindergarten teacher kaya naman kahit papaano ay may ideya ako sa mga gusto ng isang bata, "All of my students go crazy for some stick-o's, but kids are easily pleased by sweets, so kahit na anong chocolate okay po 'yan."


Tumango-tango ang ginang at bahagya akong nilingon nang may ngiti sa kanyang mukha, "Birthday ng anak ko ngayon, gusto ko siyang sorpresahin sa mismong paggising niya."


Seeing the look on her face, I suddenly missed my own Mom.


"Ang sweet niyo naman po," Ngumiti akong muli at saka kumuha ng sarili kong chocolate na bibilhin.


"Napakatagal ko nang hindi nakikita ang anak ko, ni hindi ko nga alam kung nami-miss niya ako. Siguro nakakapagsalita na siya ngayon. Sa tingin mo, magugustuhan kaya niya 'to?" Inilabas ng ginang ang isang maliit na kahon mula sa kanyang paper bag. Ipinakita niya sakin ang laman ng kahon at sa palang necklace na may heart pendant ang laman nito. Babae siguro ang anak niya.


"Babae po ang anak niyo right?" Tanong ko at tumango-tango naman siya, "It's really pretty kaya for sure she'll love it," Dagdag ko pa.


Sa isang iglap, bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na tunog. Parang may sumabog at hindi ko alam kung ano ito. Sumunod namang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng isang babae.


"Akin na ang laman ng kaha bilis!" Narinig ko ang boses ng isang lalake ngunit parang natatabunan ito ng boses ng babaeng sumisigaw sa takot. Napatingala agad ako sa bilugang salamin na nasa kisame at nakita kong may isang lalake malapit sa counter, may hawak siyang baril na kasalukuyang nakatutok sa direksyon ng clerk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rescue meWhere stories live. Discover now