Familiar ba kayo sa kantang "Let her go" by the Passenger?
Well.. Kung hindi, siguro after reading this story tatatak na ito sa isipan niyo.
Tama naman yung sinasabi nila na makikita mo lang ang halaga ng isang bagay kung wala na ito sayo.
Wala akong pakialam sakanya. Lagi siyang andyan sa tabi ko. Ilang beses kona siyang pinagtabuyan pero ayaw pa rin niyang umalis, hanggang sa nagsawa na ako sa kakataboy sakanya kaya hinayaan ko nalang siya.
Binalewala ko siya kasi alam ko naman na nandyan lang siya. Hindi niya ako iiwan dahil mahal niya ako.
Hindi ko nalang siya pinapansin pero sige pa rin. Pinilit pa niya akong maging boyfriend niya, sa sobrang kulit niya pumayag nako. Ugh!
Pumupunta siyang bahay ng maaga para daw sabay kaming pumasok sa office. Pinagluluto din niya ako ng lunch. Sa gabi, lagi siyang nagtetext at tumatawag. Walang araw na hindi ko siya kasama.
Pero sa mga araw na yun.. Binalewala ko lang siya. Hindi ko siya pinapansin pagpapunta kaming office. Hindi ako nagpapasalamat sakanya sa mga pagkaing binibigay niya. Hindi ko sinasagot ang mga text messages at tawag niya.
"I'm breaking up with you. Sorry."
Nabigla ako sa sinabi niya, akala ko biro niya lang para pansinin ko siya kaya binalewala ko lang. Lunch na pero wala pa siyang binibigay na pagkain.
Baka nakalimutan niya lang.
Sa kakahintay ko, hindi ko na namalayan ang oras. Tapos kona rin naman lahat ng work ko, mga pipirmahan nalang natira.
7 pm na pero wala pa rin siya kaya umuwi na ako. Hindi din siya nagtext o tumawag manlang. Hinayaan ko nalang. Mabuti nga iyon, walang istorbo. Makakatulog ako ng maaga.
-
Pagkagising ko, naligo na ako agad. Kailangan kong pumasok ng maaga dahil marami pa akong pipirmahan. Bumaba ako para magkape, akala ko makikita ko siya sa sala tulad ng dati pero wala siya. Hanggang sa naulit ulit yung nangyari kahapon.
Wala siyang binigay na lunch, hindi siya nakisabay umuwi tapos hindi niya ako tinext at tinawagan.
Hindi ko alam pero nangulila talaga ako nun and for the first time in my life I tried to call her, unattended. Fuckshit.
Pagkalipas ng isang linggo, nakita ko siya na kasama yung kaofficemate niya.
" Cause you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go "
Doon ko lang narealize ang halaga niya. Doon ko lang narealize na gusto kona pala siya. Doon ko narealize na Mahal ko pala siya.
*
A/N: Hi. I know bitin, may mga kulang, first time ko lang po kasing magsulat at kung hindi niyo gusto.. De waw! Di ko kayo pinipilit. Duh? Haha. Syempre joke! Hope you all like it. Mwaa.
YOU ARE READING
Let her go
RomanceYou don't know how much important it is, until you lost it. You don't know how much you need it, until it was gone. You don't know the real value of it, until it is not yours anymore. Bakit ba lagi nalang ganun? Malalaman mo lang ang halaga ng isang...
