Hindi ko sya tinugon kaya't tumayo na ito at bumuntong hininga muna bago lumabas ng kwarto ko.

Ako naman ang napa-buntong hininga. Anu ba talagang nangyayari? Kumunot ang noo ko at pilit inaalala ang nangyari at narinig ko kahapon.

Sigurado akong narinig ko si kuya na sumi-sigaw sa sakit. 'Yung sigaw nya......ganun ang sigaw ko sa tuwing pilit lumalabas ang halimaw sa loob ko.

Tumayo ako. Malakas na ang pakiramdam ko, marahil ay may kung anong gamot si uncle na binigay sa 'kin, kaya mabilisan ang pag-galing ko.


Wala rin namang mangyayari sa 'kin kung tutunganga ako rito. Baka mabaliw lang ako sa kaka-isip. Mabuti pa ay puntahan ko nalang si kuya.

JANICE POV

"How's keiji hon?" Tanong ko kay john nang umupo ito sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa laboratory ng bahay nila karen. Tapos na ang mga ekspiremento namin sa bahay kaya't maaari na kaming magpunta punta rito.

"Nasa kwarto nya. Nagpapahinga," Sagot naman nya.

"Magiging maayos na ba sya?" Nag aalalang tanong ni karen na itinigil muna ang ginagawa para tanungin si john.

"Hindi ko masasabi karen," Malungkot na sagot ng asawa ko.

"Ganun ba...." Yumuko naman si karen saka ipinag-patuloy ang naudlot nyang trabaho.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni john. Pare-pareho lang kaming nahihirapan ngayon. Kung nandito lang sana ang ama nila kirsten at keiji, paniguradong malaki ang maitutulong nun.

"Gusto mo na bang magpahinga?" Masuyong tanong nya habang hinahaplos ang buhok ko.

Umiling ako "Ayos na sa 'kin ang ganito." Nakangiting sagot ko.

Kahit bampira kami ay kailangan pa rin namin ng pahinga. Lalo na ngayon at nagkapatong patong na ang mga problema namin.

Sabay kaming napalingon kay marlon nang pumasok ito ng laboratory. Lumong lumo ang itsura nya. Sa tingin ko ay nagtanong na naman si kirsten sa kanya.

"Don't ask me." Sabi nito nang mapansin nyang nakatingin kaming lahat sa kanya.

Napailing nalang ako. Mukhang hindi maganda ang nangyari sa pagitan nya at ni kirsten kanina.

Bumaling ako kay John "Si darwin umuwi na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa," Sagot nya saka bumuntong hininga.

San kaya nagsusuot ang batang 'yun? Napaka-kulit. Kung saan saan nalang pumupunta. Ang hirap pa naman nung hagilapin.

"KUYA!!!"

Gulat na nagkatinginan kaming lahat ng marinig naming sumigaw si kirsten. Nabalot ng kaba ang buong sistema ko at alam kong mas dobleng kaba ang nararamdaman ni karen para sa kaligtasan ng mga anak.

"Sh*t." Mabilis na tumakbo si marlon palabas ng laboratory at nang makabawi na ay sumunod na rin si karen sa kanya. Di naman nakaligtas sa paningin ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga pisngi ni karen.

"It will be okay hon," Masuyong bulong ni john sa 'kin nang mapansin nya ang pagka-balisa ko.

Nararamdaman kong malapit nang mangyari ang kinatatakutan ko. At kapag nangyari 'yun ay natatakot ako sa magiging reaksyon ni kirsten, Sigurado akong lalo syang magagalit kapag nakilala na nya kung sino ang hari ng dilim.


Hinarap ko si john. Hiniling ko kasi dito na wag nalang kaming sumunod sa kanila karen at marlon. "Hon....Sa tingin ko ay kailangan nang malaman ni kirsten ang lahat." Wika ko.


"Are you sure?" Paninigurado nya.

Tumango ako at bumuntong hininga "Hindi sya pwedeng magalit, masyadong delikado." Kapag nagalit si kirsten, may possibilidad na tuluyan na itong ma-kontrol ng dilim. "Kailangan na nyang maintindihan ang lahat bago pa man mangyari ang mga nakita ko sa hinaharap."

Digmaan. Isang madugong digmaan ang nakita ko. At kasama kaming lahat doon. Nakakatakot ang nakita ko dahil maraming buhay ang mawawala. Ngunit, maaari pa iyong maagapan. Naka-usap ko ang matandang mangkukulam, handa silang tumulong kapalit nang muling pagtanggap sa kanila ng lipunan.

Maibabalik pa ang lahat sa dati.

KIRSTEN POV

KINABAHAN ako sa uri ng pagtitig ni kuya sa 'kin. Nanlilisik ang pulang-pula nyang mga mata, Tila nanggigigil naman ang mga pangil nya.

Napa-urong ako sa takot. Hindi sya ang kuya keiji ko. Kailanman ay hindi ako tinitigan ni kuya nang ganito....na parang lalapain ako.

"Kailangan mong mamamatay..."

Nagsitayuan ang mga buhok ko sa batok nang bumulong sya. Paulit-ulit nyang ibinu-bulong 'yun habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa 'kin.


"Kailangan mong mamamatay...." bulong nya ulit. Nagsimula na rin syang humakbang palapit sa 'kin dahilan para manginig ako sa takot. Gusto kong tumakbo palabas pero tila may pumipigil sa 'kin.


"K-Kuya...." Naluluhang bulong ko. Anu bang nangyayari sa kanya? Bakit iba ang itsura nya? Bakit itim ang mga ugat nya?

Sinalo nito ang leeg ko nang tuluyan na syang makalapit sa 'kin. "K-Kuya...." Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwalang nagagawa nya ito sa 'kin. Hindi sya ganito. Hindi ako kayang saktan ng kuya ko.


"Kailangan mong mamamatay...."
Bulong ulit nya.

Sinubukan kong magpumiglas lalo na nang i-angat nya ako sa ere. Nahihirapan na akong makahinga. Nagmamakaawa ang mga matang tinitigan ko sya. Ngunit, tila hindi nya na iyon nakikita dahil patuloy sa panlilisik ang mga mata nya.

Napapikit na lamang ako. Nararamdaman ko ang unti unti kong panghihina. Napaka-higpit nang pagkakasakal nya sa leeg ko. Di ko na kaya.

"Argh...." Gulat na namulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagluwag ng kapit nya.

"K-Kuya..." Kinakabahang bulong ko nang makita kong tila namimilipit ito sa sakit. Nabitawain na rin nya ang leeg ko saka bahagyang lumayo sa 'kin habang nakayuko at sapo sapo ang kaliwang pulso nya.


Sinubukan kong humakbang palapit sa kanya. Ngunit, hindi pa man ako tuluyang nakaka-lapit sa kanya nang mahigpit nyang hawakan ang magkabilaang braso ko saka inihagis sa pader.

"KUYA!!!" Gulat na sigaw ko nang muli nyang hinawakan ang magkabilaang braso ko saka nya ako inihagis sa kama nya.

Napadaing ako sa sakit ng pumatong sya sa ibabaw ko saka ako muling sinakal. Nagpumiglas ako. Anu bang nangyayari sa kanya? Bakit nagiging ganito sya? Bakit sinasaktan nya ako!


"Kailangan mong mamamatay...." Rinig kong bulong nya ulit. Sh*t!


Nararamdaman ko na ang muling pagkawala nang lakas ko nang bigla syang mawala sa ibabaw ko. Nasapo ko ang leeg ko saka napa-ubo.

"Damn it keiji!" Rinig kong singhal nang pamilyar na boses.

Di na ako nag abalang tingnan ang nangyayari sa paligid. Sunod sunod akong napahinga nang malalim habang sapo sapo pa rin ang leeg ko.

"Kirsten!" Naramdaman kong may yumakap sa 'kin. Pamilyar ang mga yakap nya.

"M-Mama..." Nanghihinang bulong ko.

"I'm sorry anak....." Bulong nya na di ko na nagawang pansinin dahil sa sobrang panghihina.


"Magiging maayos din ang lahat,"
Rinig kong bulong nya pa bago ako mawalan ng malay.


Sana nga maging maayos na ang lahat mama......,

******
HI PO! ANU MASASABI NYO RITO? O.A PO BA? BORING? HUHU SOREY....ITO LANG PO NAKAYANAN NG UTAK KO HAHA.

#VOTE
#COMMENT

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now