"Ito na ba ang huli ng istorya ko?" Tanong ko sa aking sarili't pilit pinipigilan ang paghikbi.
Humakbang akong dahan dahan hanggang sa mapunta ako sa sulok. Ito na. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.
"Wag!!" Tinig ng babaeng pamilyar ang boses.
Agad akong sumulyap sa aking likuran at nakita siya, Si Melanie.
"Anong ginagawa mo rito? At paano mo nalamang narito ako?" Humakbang ako papalapit sa kaniya habang tinatapunan ng matalim natitig.
"Alam ko nang dito ka pupunta." Sagot niya't bumuntong hininga, umupo sa upuan na yari sa kahoy. "Upo ka, Jack." Utos niya sabay tapik sa bakanteng upuan na katabi niya.
Sinunod ko siya't huminga ng malalim. Tinanaw ko ang makulimlim na kalangitan na halos maabot na namin sa sobrang taas ng palapag na pinuntahan namin.
"Alam mong hindi 'yan ang solusyon, Jack." Bigkas niya't naaninag ko ang pagsulyap niya sakin. Ako'y napayuko't bumuntong hininga.
"Lanie, masyado kong mahal si Adison." Wika ko't hindi na napigilan ang pagpatak ng mga taksil na luhang kanina ko pang pinipigilang tumulo. Naramdaman ko ang mainit na palad ni Melanie sa aking likod. Hinaplos niya ito ng dahan dahan tila ba'y inaalo ako.
"Porket ba mahal mo? Gagawin mo na 'yon?" Tanong niya sakin. Natahimik nalang ako at nagpatuloy sa pagpunas ng luha ko.
"Narinig ko yung tinanong mo kanina." Tugon niya.
"Ano 'yon?" Tanong ko sa kaniya na nagpataka sa akin.
"Tinanong mo kung ito na huli ng istorya mo." Sagot niya sakin.
Agad akong napasulyap sa kaniya't pinagmasdan siya. Tumango ako't hinintay ang sasabihin niya.
