Date Me!!!

66 4 5
                                        

"Date me....for three months" sa mga salitang yan nagsimula ang story nina Jenny at Ashley.....

Si Jenny ay ang campus sweetheart ng isang exclusive na eskwelahan. Bukod sa maganda't mayaman ay matalino rin siya. Halos lahat sa school ay kilala siya at sa tuwing makikita siya ay mapapangiti ka na lamang dahil sa kanyang charming na aura. Ang tanging estudyante sa school na parang hindi tinatablan sa karisma ni Jenny ay si Ashley. Tahimik at mapag-isa siya ngunit hindi naman ito nagkakaproblema sa klase. Madalas din siyang tawaging Ice dahil sa napakalamig na pakikitungo sa iba.

Isang umaga, kasama ni Jenny ang kanyang mga kaibigan at napag-usapan nila si Ashley dahil sa napaka misteryoso neto. Sa gitna naman ng kanilang usapan ay bigla nalang na may sinabi si Dianne,isa sa mga kaibigan ni Jenny,......

"Jen, duda ako kung mapapaibig mo si Ashley. Haha. Ice yan e" sabi ni Dianne

"Huh? Ewan ko. Ano naman yang pinagsasabi mo yann" sabi ni Jenny

"Bat di mo itry Jen?" sabi ni Irish

"I-try ang alin?" sabi ni Jen

"Na mapaibig si Ashley" sabi ni Irish

"Ayoko nga. Tsaka bakit ko naman kailangan gawin yun. Lol" sabi ni Jenny

"Haha. Siguro natatakot ka na hindi mo magawa yun no? O kaya baka imbis na mapaibig mo siya ay ikaw ang mapaibig niya. Hahaha"  asar ni Rose

"Excuse me!! Wala pa ang lalaking magpapa-ibig sa akin baka nga mamaya hindi pa ipinapanganak. Hahaha" sabi ni Jenny

"O sige para maniwala ako sayo ay kailangan mapaibig mo muna si Ashley" sabi ni Irish

"Ano naman ang connect nung mapaibig ko si Ashley sa sinabi kong wala pa ang lalaking magpapaibig sakin?" sabi ni Jenny

"Haha. Pag napaibig mo ang pinaka malamig na lalaki sa campus tsaka na ako maniniwala na wala pa ang lalaking iibigin mo. Deal nab a yun?" sabi ni Irish

"Oo nga Jen. Haha. Tsaka para ng sa ganoon ay makilala naman natin yang si Ashley. Napaka misteryoso e" sabi ni Dianne

"Pinagtutulungan niyo talaga ako huh?" sabi ni Jenny

"Hindi kaya. Haha. Pero gawin mo na lang para magkaalaman na, haha" sabi ni Rose

"Ayoko nga sabi" sabi ni Jenny

"Haha. Okay sige. It means that you admit defeat. Wahaha" asar ni Rose

Matapos magsalita ni Rose ay bigla na lang tumayo si Jenny at nilapitan si Ashley.....

"Hey you.... Date me.....for three months" sabi ni Jenny na narinig ng buong klase

Nagulat ang lahat habang si Ashley naman ay walang ka emo-emosyon na sumagot ng....

"Sure"  mabilis na sabi ni Ashley

Matapos sumagot ni Ashley ay agad namang lumapit si Jenny sa tatlo...

"Masaya na kayo?" sabi ni Jenny

"Hahahaha. Seriously? Pero bat may 3 months? Sabi ni Dianne

"Ah? Ewan ko. Bigla na lang pumasok sa isip ko e" sabi ni Jenny

"Haha. So it means na boyfriend mo na si Ashley di ba?" sabi ni Irish

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Date Me!!!Where stories live. Discover now