Kinabukasan ay ang araw ng aming cheerleading competition. Ang sakit sakit pa ng ulo ko dahil sa dami ng ininom ko kagabi pero ininda ko iyon.
Gusto kong alisin sa isip ko si Frank pero di ko magawa. Takot nga sya. Nagpakamatay noon ang isa naming kaibigan dahil sa pagkakagusto nito sa kanya. Sinisisi nya ang sarili nya, pero kahit kailan ay hindi namin sya sinisi. Hindi namin sya iniwan noong mga panahong galit sya sa sarili nya. Hindi naman nya pwedeng mahalin na rin lang ang isang tao dahil gusto sya nito. At mas lalong hindi nya kasalanan na pinili nitong wakasan ang sarili nitong buhay. Mabait si Frank noon. Hindi sya suplado, palangiti ito at magaling makisama. Pero nung namatay ang kaibigan namin na Mae ay nag-iba sya. Alam namin na hanggang ngayon ay hindi nya pa napapatawad ang sarili nya. Kaya sya ganyan. Kaya sya takot.
"Hey! Eunice! Magsisimula na ang program! Tutunganga ka lang ba dyan!?"sigaw sa akin ng aming cheorographer.
"Andyan na ako!"sagot ko at nagsimula ng sumunod sa kanya.
Nagsimula na nga ang program. Unang-una dun ang cheerleading competition. Ang grupo namim ay andun lang sa may tabi ng bleachers. Nakita ko sa mataas na parte sina Aira, Claire. Hindi ko napansin yung tatlong lalaki, paniguradong nagpeprepare ito ng game nila mamaya.
Pero instinct na yata na tingnan ko from time to time ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa loob ng bag.
May text dun si Aira at Claire. Pero mas nagulat ako sa text ni Frank.
Frank:
"Is that legal? Your clothes!"
Ang uniform kasi namin para sa competition ay short shorts at off shoulder na labas ang pusod. Natural lang naman na magsuot ng ganto at sanay na din ako.
Nireplayan ko si Frank.
Me:
I'm fine with it.
Frank:
After that competition wear something decent.
Nag-init ang pisngi ko. Nagsimula ng magperform ang ibang course. Sakto naman na huling huli kami. Ang gaganda ng mga stunts nila. Kaya naman halos kabahan ako dahil dun.
Sina Alice ang magpeperform at hindi nahiyang magpahayag ang ibang manonood ng paghanga para dito. Nagsimula na sila. Inihagis hagis pa si Alice sa lahat ng stunts nila. Nung huling huli naman ay nag split pa ito. Pagkatapos nilang magperform ay kitang kita ko ang tagumpay sa mukha nila.
Kami na. At bago kami magperform ay inipon ko lahat ng confidence na kaya kong ibigay para sa performance na ito. Natapos na ang performance namin at sobrang saya ko, pati na rin ang mga ka-team ko. Ayos lang kahit hindi kami manalo ang mahalaga ay nakapagperform kami ng maganda.
Nung inannouce na ang nanalo ay hindi na kami nagulat. Sina Alice ang nanalo samantalang kami ay second place lang. Nagyakapan pa rin ang grupo namin. Niyakap din ako ni Mariz at Tish na pinakaclose ko sa grupo. Niyakap din ako ni Lawrence.
"Ang galing pa rin natin."sabi nito sa akin.
Awkward man ay tumango ako bago bumitaw sa yakap. Nagpunta na kami sa pwesto namin kanina at kinuha ang mga gamit. Hindi ko namalaya na kasunod ko pala si Lawrence.
"Ahh.. Eunice, pwede bang makuha ang number mo?"tanong nito sa akin.
Sasagot na sana ako ng makarinig ako ng malakas na tili sa tabi ko.
"Aaahhhh!! Go Frank!" Cheer nila kay Frank.
Hindi pa naman magsisimula ang game at orientation pa lang pero parang atat na atat na silang icheer si Frank. Si Frank?
Humarap ako sa court upang makita kung sinong tinitilian nila at nasigurado kong si Frank nga yun. Nakangiti kasi itong nakikipag-usap sa mga ka team mates nya.
Napakunot noo ako.
YOU ARE READING
Almost Is Never Enough
RomanceIt's friendship over love, but it's also love over friendship. Takot tayo na sa hinaba haba ng samahan ay masisira lahat dahil sa mga nararamdaman na hindi mo kayang kontrolin. Ang pagmamahal na matagal mong inilihim dahil magkaibigan kayo, hanggan...
