SIMULA AT WAKAS

43 2 1
                                        

Ako lang ba ang ganito?

Bakit sa dinami-dami ng tao lalo na't sa mga masasamang tao dito sa mundo, parang ako yung pinakamalungkot? Nasasabi ko ito dahil sa apat na sulok lamang ng kwarto madalas umiikot ang mundo ko. Palagi akong nakakulong eh. Kapag walang pasok, dito lang ako. Saka lang ako lalabas kapag oras na ng pagkain, maliligo(siyempre) o magsisimba.

Meron naman akong pamilya, pero hindi ko ramdam yung pagmamahal nila. Meron akong mga kaibigan ngunit hindi sila parating andyan kapag nagdaramdam ako.

Nakakapagod na. Bakit sila/siya ang saya nila/niya? Bakit hindi ako masaya? Bakit nakukuha niya kahat ng gusto niya ng madalian lang samantalang ako, kailangan ko pang isubsob ang akibg mukha sa libro para lamang makuha ang nais ko at maipagmalaki nila? Oo na. Naiinggit ako sa kaniya. Hindi ko kasi makuha ng madalian ang ang gusto ko di tulad niya.

Bakit ba kasi ako ganito?
Bakit ba ang pangit ko?
Bakit ba ang pangit ng ugali ko?
Bakit ba malungkot ako?
Bakit ba ako nasasaktan? Eh diba dapat manhid na ako dahil nasanay na?
Wala na ba akong pag-asang magbago?
Wala na ba?
Oo na. Ako lang naman nagpapahirap sa sarili ko diba? Napakaraming choices ngunut ito ang pinili ko, diba? Oo na. Kasalanan ko na. 😪

Bakit pa kasi ako nabuhay dito kung wala rin naman akong silbi?
Gusto kong makita ako ng pamilya ko lalo na ang nga magulang ko na masaya sila nang dahil sa akin....

Pero hindi eh. Hindi ko alam kung paano. Nahihirapan ako. Higit sa lahat, wala talaga akong maipagmamalaki.

Isa pa't wala akong tiwala sa sarili ko.
Madali akong panghinaan ng loob.
Mabilis akong sumuko.
Wala akong kakayahan na gawin ang mga bagay na nagagawa ng iba.

MAHINA AKO.
NATATAKOT AKO.
NAHIHIYA AKO.
WALANG KWENTA.
WALANG SILBI.
DUWAG.

Sino nakaka-relate sa akin? Mag-comment ka naman 😊.
Kahit ano tatanggapin ko. Salamat po sa pagbabasa kung mayroon mang nakapansin sa aking isinulat. Haha

xoxo
-zt-

BAKIT?Stories to obsess over. Discover now