May mga bagay na nangyayari na lang ng hindi mo inaasahan,yung mga bagay na akala mo wala lang may ibig sabihin na pala.Yung pangyayaring binalewala mo dimo alam napakahalaga pala ng panahong yon dahil ito ang maglalapit sayo sa taong makakasama mo habang buhay ....
<PROLOGUE>
May isang limang taong gulang na batang babae na nakaupo sa duyan ng mag-isa.Umiiyak siya hawak ang cellphone na nakasukbit sa leeg nya.May lumapit na batang lalake sakanya at nagbigay ng dilaw na balloon at sandwich saka siya pinatahan .Tumigil naman sa pag-iyak ang batang babae at tiningnan kung sinong nagbigay ng balloon sakanya.
"Bakit ka umiiyak bata ?" tanong ng batang lalake
"Wala pa kasi yung yaya ko sabi nya bibili lang sya ng makakain nagugutom na ako"
"Uy bata wag ka na umiyak ,eto o sayo na ang balloon at sandwich ko " nakangiting alok ng batang lalake
"You sure?Sakin na lang?Thank you po " tanong ng batang babae.
Nakita ng batang lalake ang cellphone na hawak ng batang babae
"Oo naman.sayo na yan.Wow may cellphone ka na." tanong ng batang lalake
"Bigay po ng Nanay ko" proud na sagot ng batang babae
"Selfie tayo bata ,para wag ka naiyak..oh eto panyo,punasan mo na yang luha mo ,wag ka na umiyak papangit ka nyan sige ka wala ng magkacrush sayo.Dapat nakasmile ka lagi" sabi ng batang lalake sabay abot ng isang panyo.Tinanggap naman ng batang babae ang panyo.Saka sila nagselfie.
"Thank you po ulit..anong pangalan mo po?" sabi ng batang babae
"Ako nga pala si---"
"RJ!Andyan ka lang palang bata ka!Tara na uuwi na tayo" tawag ng isang ginang
"Opo Ma" sagot naman ng batang tinawag ng ginang ng RJ
"Sayo na muna yang panyo bata ingatan mo yan kunin ko din pag nagkita tayo ulit,alis na ako ha tinatawag na kasi ako ng Mama ko.Sige ba-bye!(sabay gulo ng buhok ng batang babae)" nakangiting paalam ng batang lalake sa batang babae saka tumakbo paalis.
YOU ARE READING
Together Eternally
FanfictionPinaglayo man ng panahon,pinagtagpo parin ng pagkakataon -Sweet Serendipity~ A MaiChard inspired Fanfiction story ❤
