Simula
"Ma, una na po ako." Wika ko matapos magmano.
"Osya anak, mag-ingat ka. Tawagin mo ko pag may sobrang oras ka." Ani Mama.
"Opo, ma."
Isinabit ko na sa aking balikat ang isang malaking Jansport bag laman ang mga kakailanganin kong gamit para sa dalawang linggong training naming sa UPLB. Alas-dos ng madaling araw ako nagising para makapaghanda at maka-alis ng saktong alas-tres sa aming bahay patungong eskwela.
"Tiyo! Handa na po ako, pwede na tayong umalis." Kinatok ko ang pintuan ng kapit bahay naming na tricycle driver. Binuksan niya ang pintuan at nakita kong namumungay pa ang kanyang mata dala ng hindi kasanayan sa paggising ng ganito kaaga. Ngumisi ako.
"Pasensya na po sa abala. Kayo lang po kasi ang maasahan ko ngayon gayong wala naman pong namamasada ng ganitong kaaga sa Barrio."
Kinusot nya ang kanyang mata at muling humikab.
"Ano ka ba Iho, okay lang yan. Basta ikaw, malakas ka sa akin eh." Napa-halakhak na lang ako.
Sa aming byahe tinignan kong mabuti ang mga gamit baka sakaling may nakalimutan ako. Patungo kami ngayon sa Angeles University Foundation, kung saan ako kasalukuyang nag-aaral ng kursong BS Biology. Isa itong prestihiyosong paaralan sa probinsya ng Pampanga. Nakakapag-aral ako dito sa pamamagitan ng scholarship.
Dalawang linggo na lang at matatapos na ang aming bakasyon pero kailangan muna naming daluhan ang training na ito bilang pre-requisite sa subject naming Ecology.
Pinarada na ni Tiyo ang kanyang tricycle sa harap ng Sports and Cultural Center Building ng paaralan namin. Bumaba ako at binigay na sa kanya ang pamasahe.
Nagkamot siya ng ulo at pinagmasdan ang binigay ko. "Iho sobra itong bigay mo."
"Pinasobra ko po talaga bilang kabayaran na rin sa paggising ko sa inyo ng maaga." Sabi ko.
"Naku! Itong batang 'to. Huwag na, kukunin ko lang iyong tamang pamasahe." Aniya at inabot sa akin ang sobra.
"Pero-" Aapila sana ako pero pinabulahanan niya ito.
"Huwag na sabi. Gamitin mo na lang iyan pagdagdag sa budget mo sa training niyo."
Nahihiya kong tinaggap ang pera. Matapos noon, nagpaalam na ko sa kanya at pumunta na sa meeting place. Naghihilera ang mga sasakyan sa harap ng building at nagbabaan ang mga batchmates ko na sasama rin sa training.
"Gio!" Sigaw ni Ralph, kaklase ko. Tiningnan ko ang direksyon niya at nakitang naroon na rin ang iba ko pang mga kaklase. Tumungo ako doon.
"Aga natin bro, ah?" Biro ko sa kanya. Madalas kasi itong late.
ESTÁS LEYENDO
Closed Forever
RomanceSi Cassie ay lumaki sa isang marangyang pamilya. Bilang nag-iisang anak ng isang kilalang business tycoon, namulat siya na hindi pinaghihirapang makuha ang mga luho niya sa buhay. Lumaki siyang salat sa pag-aaruga ng kanyang magulang dahil bata pa l...
