Entry One: Found You

71 0 6
                                    

“Aaron! Punta ka ba sa Christmas party next next week?” nakangiti kong bungad sa isang matangkad at maputing chinito na papasok pa lang sa classroom namin. Yung simpleng ngiti lang na di masyado obvious. Na para bang hindi inaatake ng bubuyog ang loob ng tiyan ko.

Don’t get me wrong. Hindi sira ang tiyan ko. Kinakabahan lang. Masyado kasi mainstream yung butterflies in my stomach. Mas fit pa nga yung bubuyog. Nagwawala kasi sila. Ang likot. Ang gulo.

Nagrarambulan ang mga bubuyog sa tiyan ko dahil sa kausap ko ngayon.

Buti na lang mastered ko na ang pagngiti. Aba, Ms. Killer Smile ata to. Kahit ihagis mo ako sa apoy, todo pa rin ngiti ko.

Sinundan ko sya hanggang sa upuan nya. “Kunin ko sana yung wish list mo para sa exchange gift.”

“Pass ako,” sagot ni Aaron na hindi man lang ako tinignan kahit isang beses. “Out of town ako that day.”

To say I am disappointed is an understatement.

“Sure ka? Sayang naman. Kahit na exchange gift, ayaw mo sumali? I-advance mo na lang kung sakali.”

Kung ano ang hinahon ng tono ng boses ko, ganoon naman ang tindi ng bigat ng dibdib ko.

Sayang talaga.

Si Aaron Agoncillo lang naman kasi ang kausap ko, ang resident class outcast at my one and only crush ever since nakatuntong ako ng high school. He’s everything I wanted to be – cool, smart at hindi push over.

Hindi tulad ko.

President ng student council kahit na wala akong kaalam-alam sa pag-oorganize. Gamit ko nga sa bag magulo, magpapaayos pa sila ng tao at events sa akin. Naman di ba? Voted Ms. Friendly and Ms. Popularity rin ako, kaya kung anu-ano ang pinapagawa sa akin ng mga kaklase ko. Di naman ako makapalag. Ayan na eh. Ano pa ba magagawa ko?

Buti na lang magaling ang Vice President namin – responsible and competent. Proud ako sa best friend kong over-achiever. Since Grade 1, si Riah Espiritu na ang kasama ko. Lahat ng bagay, kaagapay ko sya. Tahimik sya, pero sobrang talented and talino nyang babae. Minsan nga, nagtataka ako bakit ang weird ng mundo. Ako na walang alam at walang kakayahan ang sikat, pero si Riah na halos sinalo na lahat ng biyaya ng Diyos ay mahiyain at halos laging walang kausap liban sa akin.

Ang cute-cute kaya ni Riah!

Aba! Mas cute pa nga yun sa akin eh!

Haay! Buhay talaga, parang life . . .

“Bes!” I snapped my fingers in front of Riah’s face. Namula sya. Hala. Ano kaya nakain nito? “Huy! Nakikinig ka ba?”

“Sorry, Marj. Ano yun?”

Nasa cafeteria kami ngayon kumakain. Dalawa lang kami sa lamesa. Ayaw kasi ni Riah ng masyado madaming tao. Naiilang sya. At since di nya ito masabi ng harap-harapan sa ibang kaibigan ko, ako na ang gumawa ng dahilan para di sila pumuwesto rito.

Ikinalat ko yung bags and papers naming sa lamesa at mga upuan. Genius naman ako di ba? Di lang talaga pang-acads ang utak ko.

Nagtaas ako ng kilay. “Sino ba yang tinitignan mo at kanina ka pa tulala?”

“Uhh…”

Napatigil ako nung na-realize ko kung bakit – sino ang dahilan ng pagkatameme ng bestie ko.

“Andaya mo naman, bes!” Hinampas ko braso nya sabay usog sa upuan ko. Glancing sideways, I have a full-on view of Aaron’s sexy back. “Nandito na pala si Aaron di mo sinasabi!”

“Ssh!” sita nya sa akin. “Wag kang ganyan. Baka may makarinig.”

Hindi ko pa pala nasasabi, pero crush rin ni Riah si Aaron. Actually, si Riah ang dahilan kung bakit ko nagustuhan si Aaron. Si Aaron kasi ang unang lalaking nakausap ni Riah ever since nakagraduate kami sa all-girls school namin noong elementary. Mabait si Aaron, detached lang talaga sa peers. Masyado busy sa buhay. Madalas absent.

Wattpad Incredibles' Year End Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon