Chapter 13 - "C"

Mulai dari awal
                                        

At iyon na nga, nag lalakad na kami sa court. Syempre para hindi halatang iikot kami, hindi kami sabay-sabay naglakad. Ang weird kaya tingnan kung sabay-sabay kami, imaginine niyo. Hahaha.

Nauna si Cutiegirl at yung isa pang babae. Nagku-kwentuhan pa rin sila. Parang hindi sila nauubusan ng topic. Haha. Sumunod sa kanila yung mga classmate nilang boys. Sumunod naman kami. Nagku-kwentuhan rin sila Denz, nagtatawanan. Bigla nila akong tinawag. Eh dahil nasa dulo ako ng linya, hindi ko gaano narinig kung anung pinag-uusapan nila. Nginitian ko lang sila. Hanggang sa nakisama na rin ako sa kwentuhan. Hindi naman kasi ako pala-kwento. Mas madalas lang akong nakikinig sa mga nasa paligid ko.

Anytime now, mag-uumpisa na yung program. Nakaupo na kami. Nakapagplano na rin pala kami ng arrangement namin.  Since madalas daw tawagin yung mga numbers 6-10, kaming mga 3rd year ang na-assign don. Number 6 ako, 7 si Ariel, 8 si Denz, 9, si Lloyd at pang-10 naman si Lander. Si Cutiegirl ata eh #3.

Nag-umpisa na yung program. May inspirational talk mula sa Ateneo President. Ang mensahe niya ay ang kung ano ang papel na ginagamapanan ng kabataan sa paghubog ng ating komunidad. Kaming contestants daw ang makakapagbigay ng lakas sa kanilang mga matatanda. Ipagpatuloy daw ang mabuting pag-aaral upang may hahalili sa kanila pagdating ng araw.

Wow. Hindi ako makapanila na halos makabisado ko yung speech niya. Kinakabahan pa ako sa lagay kong ito. Ano ba yon. Baliktad ata ako.

After niya magsalita, contest proper na. Inexplain na ng quiz master yung mechanics ng contest. Nabanggit ko na ito sa inyo. (Chapter 11 - "5 members from 2nd year and 5 members from 3rd year ang bubuo sa team ng isang school. Bawat isa may kaniya-kaniyang assigned numbers. Kada question, bubunot yung quiz master ng isang number ng mga contestants na siyang sasagot sa tanong. Kaya mahalagang may sagot ka sa lahat ng tanong, hindi kasi alam kung kailan ka matatawag. Kahit tama ang sagot ng ibang members pero mali naman ang sagot nung natawag na contestant, walang point yung team".)

Pagkatapos ng mechanics, may trial round.

"Question for the trial round," sabi ng quiz master "x+10=5, find x".

After ng tanong, bibigyan kami ng ilang segundo para magsolve at mailagay sa scratch paper kung anung final answer namin. Kung anu ang nakalagay sa paper, yun din ang ilalagay sa board ng kung sino man ang matatawag. Kaya naman mahalagang may sagot ang lahat.

Bubunot na ang quiz master ng # ng contestant. 

"Please write your answer on the board located at front end of your line contestant number... - 6."

Takte, ako yun aa!

Lumapit ako sa harap at ipinakita sa proctor yung sagot ko sa scratch, saka ako nagsulat sa board. 

Trial pa lang, ako na agad! Ang bilis naman! :( Kinabahan ako bigla. Kelangan ko mag-focus. Kelangan ko ng confidence para mawala tong kaba ko.

Hanggang sa nagsimula na ang contest proper. Math ang unang parte. 

Unti-unti nang nawala yung kaba ko dahil hindi nga ganoon kahirap yung mga tanong. Mas mahirap nga yung sa MTAP. Relax lang ako, nagsosolve, habang tinitingnan yung "R-A-I-N-E" na nasa scratch paper ko. Hinihintay ko na lang na matawag number ko.

Si Cutiegirl, mukhang kinakabahan pa rin kahit patapos na yung Math part. 1 sa dalawang tanong ang nasagot niya. Baka natatakot na siya kay Ma'am Bertiz. Hehe.

Kahit pala yung English part eh ayos din. Nakasagot naman ako. Nagbasa lang kami ng isang story. Diskarte na namin kung paano magte-take ng notes para makasagot sa mga itatanong. Nakakatawa nga yung katabi ko eh, halos kopyahin niya ata yung buong story. Hahaha, Kitang-kita ko gaano siya kamadali sa pagsusulat. Hehe. Hindi sa pagmamayabang, pero wala akong mali sa lahat ng tanong na napunta sakin. Umepekto sakin yung pangalang nasa paper ko. Hehehe. 

Natapos na yung contest. Nagpapahinga na kami habang naghihintay ng resulta. Hindi na namin binilang yung score namin. Parang walang pake kung may standing no? Hehehe. Tinatamad ata sila Lander. Relax lang kami. Samantalang si Noel, yung isang 2nd year, sabi sakin 1st kami. Sana nga! :D

Dumating na nga ang sandali na hinihintay namin.

CHAMPION KAMI!! :D Hindi nga nagkamali si Noel. :)

Ang saya ko talaga! :) Ito yung unang contest na sinalihan ko maliban sa MTAP. At champion pa kami. Pati si Cutiegirl halatang masaya. Ngiting-ngiti siya eh. Ang cute niya talaga tingnan! Hehehe! xD

Masaya kaming umalis ng Ateneo High School. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Masyadong overwhelmed :) Pati si Ma'am, hindi magkamayaw sa sobrang tuwa. :)

"Oh ano Jhyrus, kamusta? Sabi sayo madali lang ang Enggaling eh." sabi niya sa akin.

"Swerte lang po ako Ma'am, sakin kasi napunta yung mga di ganun kahirap na mga tanong, Hehe." Humble ba? Hahaha.

"Ang galing mo nga eh, hindi ka nagkamali, samantalang sobrang kabado ka kanina." Bati ni Ma'am sakin. Naman. Bida uli? Hahaha.

Sobrang kabado nga ako kanina, mula pa paggsing ko. Buti na lang talaga maganda ang kinalabasan ng lahat. Nakakatuwa pa ron, kinwento ni Ma'am samin na pinuri ako nung teacher na katabi niya. Pinagmayabang naman daw niya ako. Hahaha. Nakakahiya naman. :))

Bilang celebration ng pagkapanalo namin, kumain kami ng lunch. Bitbit namin yung matangkad na trophy. Bidang-bida. Napapatingin samin yung mga tao. Hahaha. Kala mo sobrang talino namin eh. Hahaha. 

At may narinig na naman akong tinig. Si Cutiegirl, dumadaldal na naman. Para talaga siyang bata. Hehehe. Nakakatuwa. :D

Speaking of Cutiegirl, muntik ko nang makalimutan. Kanina sa English part, may tanong na nalito kami lahat. Kahit ako, parang alam ko na hindi yung sagot. 

"True or false: 'But he didn't' is not a sentence"

Ewan ko kung anung nilagay ko sa papel ko. Buti na lang at hindi ako yung natawag sa tanong na iyon. Si Cutiegirl yung natawag don.

Kalmado siyang naglakad papunta sa harap. Sinulat niya yung sagot niya. Humarap naman sakin si Noel, #5 kasi siya. Binulong niya, "Magaling sa English yan." Ngumiti naman ako.

Inangat nung proctor yung board namin.

"False"

Halos lahat ng ibang contestants, True ang sagot. Mali siya? 

Pero laking gulat namin nung sinabi nung quiz master na FALSE ang sagot. Napa-Yes! si Cutiegirl. Ang laki ng ngiti niya habang pabalik siya sa upuan niya. Ang cute talaga niyang ngumiti. Pano ba naman hindi siya magiging masaya, eh dalawa lang silang nakakuha ng tama? Hehehe.

Magaling nga siya sa English. Opposite kami. Hahaha :))

Bago matapos yung araw, nalaman ko kung anung pangalan niya. At bagay na bagay yun sa kaniya..

Si Cutiegirl ay si....

Chiina.

It Started with a GlanceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang